Saturday, September 12, 2020

Tingnan: Dating Bahay ng Murder Suspect na si Lizzie Borden For Sale Na



Ang Victorian home sa isang maliit na bayan sa Massachusetts kung saan si Lizzie Borden ay nanirahan pagkatapos ng kanyang oras sa bilangguan hanggang sa kanyang kamatayan ay maaaring maging iyo sa halagang $ 890,000.
Ang istorya ni Lizzie Borden ay nanatiling alamat sa bayan ng Fall River mula pa noong napatay ang kanyang ama at ina sa tahanan ng mga Borden gamit ang isang palakol noong Aug. 4, 1892.
Si Lizzie ay naakusahan sa pagpatay, nahatulan at pinawalang-sala. Namatay siya sa pulmonya noong 1927 sa edad na 66.
Hindi ito ang bahay kung saan nangyari ang mga pagpatay pero dito nakatira si Lizzie hanggang siya ay namatay. 



Si Borden ay nanirahan sa Maplecroft kasama ang kanyang kapatid na si Emma mula 1893 hanggang sa nag-away ang dalawa noong 1905, at hindi na sila nagkita.
Ang tahanan kung saan naganap ang pagpatay ay nasa Second Street. Ito ay ngayon ang Lizzie Borden Bed & Breakfast, isang nangungunang atraksyong panturista sa bayan.
Nagkaroon ng mga taga-hanga si Lizzie at ang iba ay mga usyosero at tsismosa. Ang alamat ni Lizzie ay nagdala ng libo-libong mga bisita mula sa ibat-ibang bansa. 



Ang kasalukuyang may-ari ay binili ang pag-aari na ito, na nakaupo sa kalahating acre lot, noong 2018 sa halagang $ 600,000.
Ang kanyang hangarin ay gawin itong isang B & B, tulad ng "murder-house" na pagmamay-ari din niya.
Ngunit dahil hindi pa ito kumikita, dahil sa mga balakid tulad ng bagyo, problema sa permit, dagdag pa ang problema sa Covid19.
Kaya napagpasyahan ng may-ari na ibenta na lang ito.
Ang Maplecroft ay itinayo noong 1887 at mayroong pitong silid-tulugan at 3.5 banyo. Nagsusukat ito ng halos 4,000 square ft. At na-restore na ito ng may-ari. 



Parang ibinabalik ka sa nakaraang panahon ng bahay na may moderno ng kagamitan.
Ito ay may tatlong palapag at naibalik na sa Victorian style.
Ang mga fireplace ay napaka gayak at orihinal.
Ang ilan sa mga wallpaper ay orihinal, na sa panahon pa ng panunuluyan nina Lizzie at Emma. 


Kasama sa presyo ng pagbebenta ang lahat ng mga kagamitan, na kung saan ay mga piraso na pinaglumaan na ng panahon.
Ang kusina ay may mga antigong kagamitan, at ang lahat ay gumagana.
Ang mga flooring ay wood tiles at ang mga bubong ay gawa sa lata.
Ang ilan sa anim na mga fireplace ng bahay ay inukit-at at ayon sa sabi-sabi may mga kahulugan daw ang mga nakaukit na ito.
Pero hindi naniniwala ang ahente ng bahay dito.
"Hindi namin talaga alam kung si Lizzie ang naglagay ng mga mantelpieces o kung ito ay order mula sa Sears, Roebuck o kung ano," sabi niya.
Nabasa ko na ang mga kasabihan at sa palagay ko wala talagang nakatagong kahulugan.
Ang mga ito ay mga tula na nakaukit sa mga mantelpieces. 



Kasama rin sa pag-aari ang isang garahe para sa 3 kotse, sunroom, at balkonahe. 


Ang bahay ay matatagpuan sa makasaysayang Distrito ng Highlands ng lungsod.
Ayon sa ahente matagal na daw gusto ng mga Borden sisters na manirahan dito.
Nakatira ang mga Borden sa Second Street at layunin nila na makalipat sa Highlands dahil doon daw dapat manirahan ang mga tulad nila at hindi sa downtown.
Kahit na may pera ang ama nila, masyado daw itong kuripot kaya wala silang ilaw, gas at at tubig sa loob ng bahay na karaniwan na sa panahong iyon.
Dahil dito ay napapahiya ang magkapatid.
"Kaya pagkatapos ng mga pagpatay at nakuha nila ang kanilang mana, boom, doon sila lumipat," sabi ni St. John, na idinagdag na si Lizzie ay hindi na bumalik sa bahay sa Second Street.
Nang malabas sa kulungan ay nakitira siya sa bahay ng mga kaibigan at kalaunan ay sa Maplecroft. 


At asahan ng susunod na may-ari na maaaring magkaroon siya ng ilang mga hindi inanyayahang panauhin sa bahay.
Ang bahay ay may tsismis na pinagmumultuhan, at habang hindi malinaw kung saan namatay si Lizzie, ang burol niya ay ginanap sa parlor.
"Mukhang ito ay si Lizzie, at posibleng si Emma at isang tao na patuloy na dumarating na sinasabi na siya ay kasintahan ni Lizzie," sabi ni St. John.
Maraming mga palabas sa TV na mga ghost hunters ang nagtatampok sa bahay at bumibisita.
Hindi naman daw nakakatakot at friendly lang daw ang mga paranormal incidents sa bahay.
Ayon sa ahenteng si St. John responsibilidad ng bagong may-ari ng bahay ang irespeto ang makasaysayang aspeto nito at panatilihin ang integridad ng kasaysayan ng bahay.
Ito pa rin ang Maplecroft at may mga tao pa ring daraan at makikiusyoso at titingin kung saan si Lizzie Borden nakatira.
Kahit ano pa ang pinaniniwalaan tungkol sa bahay na ito, mananatili pa rin ang kanyang kwento.

No comments:

Post a Comment