Monday, September 14, 2020
Puso ng Mayor Nadiskobreng Nakalibing sa Isang Fountain
Isa lang itong urban myth dati hanggang sa nahukay at makita na ang puso ng dating alkalde ng eastern Belgian city ng Verviers ay nakalibing talaga sa ilalim ng isang fountain.
Ang isang maliit na kahon ng metal, na naglalaman ng puso ni Pierre David sa isang garapon na puno ng ethanol, ay natuklasan nang nagsagawa sila ng renovation sa ornate stone fountain.
Ang relic ay nabanggit sa civic documents, ngunit wala talagang naniniwala dito hanggang sa ngayon nga na nakita na nila.
Si David, ang unang alkalde ng lungsod matapos na maging isang malayang bansa ang Belgiun, ay nanatili pa rin sa posisyon nang siya ay namatay noong 1839 matapos mahulog mula sa isang gusali.
Ang mga awtoridad ay nagtayo ng isang fountain bilang alaala at, sa pahintulot ng kanyang pamilya, inilagay ang kanyang puso sa ilalim ng isang bato sa monumento noong 1883.
Ang kahon ay makikita sa Verviers Museum of Fine Arts at Ceramics. Ibabalik ito sa Fontaine David sa Place Verte ng lungsod kapag nakumpleto na ang pagsasaayos.
Si David ay unang naglingkod bilang alkalde ng Verviers mula noong 1800-1808, nang ang Belgium ay nasa ilalim ng pamamahala ng France.
Ang kanyang pangalawang puwesto sa tungkulin ay nagsimula noong 1830, ang taong naging malayang bansa ang Belgium.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment