Thursday, September 10, 2020
Isabella Guzman ang Babaeng Sweet Pero Psycho na Sumaksak ng 151 Beses sa Kanyang Ina
Isang lumang video mula 2013 ang trending ngayon sa social media, tungkol sa isang babae na nakangiti habang nakaharap sa husgado. Suot ang orange uniform ng mga preso, hinaharap niya ang kasong first-degree murder.
Si Isabella Guzman, 25, ay hindi man lang kinitaan ng pagsisisi sa kanyang expression at sa halip ay nakangiti pa ito habang nasa loob ng korte. Siya ay nakasuhan sa salang pagpatay sa kanyang ina sa pamamagitan ng pagsaksak dito ng 151 beses na dati ay inakala nilang 79 beses lamang.
Matagal nang kilala sa United States si Isabella at ang kaso nito 7 taon na ang nakalilipas ngunit napukaw ng social media ang kanyang kaso. Nagviral kasi sa TikTok ang pagdub sa kanyang video na may tugtog na Sweet but Psycho ni Ava Maxx, tinutukoy kasi nito na sa likod ng kanyang maamong mukha ay nakagawa siya ng karumal-dumal na krimen.
Ang nakakakilabot na krimen ay iniulat ng kanyang stepfather, si Ryan Hoy, nang matuklasan niya ang bangkay ng kanyang asawa sa banyo. Ayon sa affidavit ng pag-aresto, nakita ni Hoy na dumadaloy ang dugo mula sa pintuan ng banyo bago buksan ang pinto at nakita si Isabella na may hawak na kutsilyo. Umalis si Isabella sa eksena nang walang sinabi.
Naiulat na nang dumating ang pulisya, ang katawan ng ina ni Isabella na si Yun-Mi Hoy, ay nakahiga sa sahig sa tabi ng baseball bat. Orihinal, naiulat na ang kanyang ina ay sinaksak ng 79 beses - 31 saksak sa mukha at 48 saksak sa leeg. Gayunpaman, ang karagdagang pagsusuri ay nagsiwalat na mayroong kabuuang 151 na sugat ng saksak.
Kinabukasan, nahuli siya ng mga awtoridad nang sinusubukan niyang tumakas. Sa kabila ng brutal na pananaksak hanggang sa mamatay ang kanyang sariling ina, napatunayang hindi siya guilty dahil sa dahilang mental insanity o pagkabaliw.
Tinanggap ng hukom ang kanyang insanity plea matapos ipakita ang mga resulta sa pagsusuri na siya ay talaga ay may paranoid schizophrenia, isang sakit sa pag-iisip.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment