Friday, March 5, 2021

Tingnan: Mga Wedding Dress na Isinuot ng mga Celebrities sa Red Carpet


Ang 23 yr old model/actress na si Camila Morrone na nagpunta sa awards show upang suportahan ang kanyang boyfriends na si Leonardo DiCaprio,ay lumabas sa red carpet suot ang may pink, drop-waist na Carolina Herrera gown na orihinal na dinisenyo upang maging isang wedding dress.





Noong 2016, ikinasal si Troian Bellisario sa "Suits" aktor na si Patrick J. Adams at nagsuot ng isang bridal ensemble sa Cortana- na binubuo ng isang full ivory skirt at white top. Noong 2020, dumalo si Bellisario sa isang Golden Globes after-party kasama si Adams na suot ang parehong buong ivory skirt na mula sa kanyang araw ng kasal. Gayunpaman, sa gabing iyon, ipinares niya ito sa isang blush tank top.



Isinuot ni Beyonce noong 2016 Grammy's ang wedding dress mula sa Inbal Dror's fall 2016 collection na nagtatampok ng isang detachable collared neckline na may plunging V-neck, sheer panels, at lace design.



Noong 2017, pinili ni Jennifer Lawrence ang isang gown na L. Wells mula sa NYC-based designer's 2018 bridal collection na nagtatampok ng isang illusion skirt na may Swiss dots at sheer lace flutter sleeves.



Emily Ratajkowski ay nagpakita ng isang unique bridal look sa 2020 Critic's Choice Awards. Nagpakita siya sa red carpet na nakasuot ng white mini dress mula sa Oscar de la Renta's fall 2020 bridal collection. Dinagdagan na lamang ito ng blazer at accessories.



Sa premiere ng "The Best Years of a Life" (kilala rin bilang "Les Plus Belles Années d'une Vie") sa 2019 Cannes Film Festival, nilakad ni Priyanka Chopra Jonas ang carpet sa isang gown na nakaaakit ng pansin. Ang strapless tulle gown mula sa Georges Hobeika's spring 2020 bridal koleksyon ay nagtatampok ng isang voluminous, tiered skirt at isang natatanging neckline.



Si Sofía Vergara ay nagsusuot ng mga mermaid-style dresses sa maraming mga okasyon. Ngunit para sa 2017 Emmy Awards, naglagay siya ng kakaibang twist sa pamamagitan ng pagpili ng isang white wedding gown. Suot niya ang Mark Zunino gown bridal collection, at pinaresan ng malaking glittering earrings at bold lipstick.



Pinili ni Lady Gaga na isuot sa 2019 SAG Awards ang wedding gown mula sa Dior's Haute Couture show na nagtatampok ng low V-neck, tulle details, at thigh-high slit.



Ang Supermodel na si Adriana Lima ay mukhang elegante sa red carpet sa premiere ng "Loveless" sa Cannes Film Festival noong 2017. Nakasuot siya ng isang all-white, strapless Naeem Khan bridal gown .



Sa 2011 SAG Awards, nilakad ni Winona Ryder ang red carpet suot ang white Alberta Ferretti bridal gown mula sa designer's spring 2011 collection.



Dumalo sa 2016 Vanity Fair Oscars after-party, si Serena Williams ay nagsuot ng isang daring bridal gown ni Galia Lahav.



Dumating si Elle Fanning sa closing ceremony ng 2019 Cannes Film Festival na suot ang Reem Acra's "Tying the Knot" dress mula sa designer's Celebration Collection.



Nagsuot si Olivia Culpo sa 2019 ng sheer, floral embroidered mermaid gown mula sa Ralph & Russo's fall 2016 couture line.

No comments:

Post a Comment