Thursday, March 18, 2021

Tingnan: Bar na Nagbebenta ng Oxygen sa India

 
Sa pagitan ng lahat ng mga hakbang upang labanan ang matinding antas ng polusyon sa hangin sa Delhi-NCR, may isa pang pagpipilian para sa iyo - isang bar na may "pure air".



Itinatag ni Aryavir Kumar at Margarita Kuritsyana, ang kauna-unahang oxygen bar ng Delhi - na pinangalanang 'Oxy Pure' - ay nag-aalok ng 15 minuto ng 80-90 porsyentong purong oxygen na nagsisimula sa Rs 299 kada 15-minuto o P200.
Iniaalok sa mga customer ang ibat-ibang aroma na maaring isama sa oxygen na iyong malalanghap. Kasama sa mga aroma ang lemongrass, lavender, cherry, eucalyptus at marami pa.


Ayon sa aroma na iyong pipiliin, ang bawat sesyon ay nangangako na pagbutihin ang sinus ng isang tao, mga pattern sa pagtulog at pantunaw, pagalingin ang sakit ng ulo at migraines, at may claim pa na mabuti itong remedyo para sa depression.

No comments:

Post a Comment