(Our Daily Bread - Xochitl Dixon)
Whoever dwells in the shelter of the Most High will rest in the shadow of the Almighty.
Psalm 91:1
Bilang isang energetic pre-schooler, iniiwasan ng aking anak na si Xavier ang tahimik na oras sa hapon. Kapag tahimik kasi, madalas nagreresulta ito na maka-tulog o maka-siesta sa tanghali na ayaw niya kahit kailangan. Kaya't, kumawagot siya sa kanyang kinauupuan, dumulas sa sofa, mag-scoot sa kabuuan ng sahig na kahoy, at kahit gumulong sa buong silid upang makaiwas sa tahimik. "Ma, nagugutom ako. . . Uhaw ako . . . Kailangan kong pumunta sa banyo. . . Gusto ko ng yakap."
Sa aking espirituwal na buhay, nasasalamin ko ang hangarin ng aking anak na manatiling aktibo. Ang pagiging abala ang nagparamdam sa akin na ako ay tanggap, mahalaga, at nasa kontrol, habang ang ingay ay nag-abala sa akin mula sa pag-aalala sa aking mga pagkukulang at pagsubok. Ang pagsuko upang makapagpahinga ay nagpatibay lamang sa aking pagiging mahina bilang tao. Kaya't iniwasan ko ang pamamahinga at katahimikan, pag-aalinlangan na kakayanin ng Diyos ang mga bagay nang hindi ako gumagawa.
Ngunit Siya ang ating kanlungan, gaano man karaming mga kaguluhan o kawalan ng katiyakan ang pumapaligid sa atin. Ang landas sa unahan ay maaaring mukhang mahaba, nakakatakot, o napakalaki, ngunit ang Kanyang pagmamahal ang bumabalot sa atin. Naririnig Niya tayo, sinasagot tayo, at mananatili sa atin. . . ngayon at magpakailanman hanggang sa walang hanggan (Awit 91).
Maaari nating yakapin ang tahimik at sandalan sa walang tigil na pag-ibig ng Diyos at palagiang presensiya. Maaari tayong manahimik at magpahinga sa Kanya sapagkat ligtas tayo sa ilalim ng kanlungan ng Kanyang hindi nagbabago na katapatan (v. 4).
Ama sa Langit, salamat sa iyo para sa pagbibigay ng isang ligtas na kanlungan ng walang tigil na pag-ibig.
No comments:
Post a Comment