Lavender
Ang mabangong halimuyak ng lavender ay pinaghihinalaang nakakasakit sa mga lamok. Dagdag bonus pa ang anti-fungal at antiseptic properties na mayroon ang lavender.
Marigold
Ang marigold ay isang madaling-patubuin na halaman na naglalaman ng thiophenes, isang compound na may kasamang insect repellent properties.
Rosemary
Ang halaman na ito ay karaniwang ginagamit bilang pampalasa ng pagkain, pero ang woody aroma nito ay epektibo rin laban sa lamok, cabbage moths at carrot flies.
Geraniums
Ang geraniums ay isang kaakit-akit na decorative plant na humahadlang rin laban sa mga lamok at iba pang klase ng peste.
Basil
Ang basil ay hindi lamang isang tasty herb kung saan pwede mong gamitin na pang-sahog sa iyong paboritong Italian food, mainam dito itong gamitin bilang natural mosquito repellent.
Peppermint
Ito pa ang isang herb na nagbibigay ng iba pang gamit maliban sa culinary purposes. Ayon sa pag-aaral ang peppermint oil ay nakakataboy ng malaria, filarial at yellow fever vector sa loob ng 60-180 mins.
No comments:
Post a Comment