Monday, September 19, 2016

Si Moses ang Prinsipe ng Egypt

Makalipas ang ilang taon mula nang mamatay si Joseph at ang mga kapatid nito, ang angkan ni Israel (Jacob) ay dumami sa at lumago sa Egypt. Dahil dito nabahala ang hari ng Egypt. Iniisip nitong baka sumanib ang mga Israelites sa kanilang kaaway at tuluyan silang palayasin sa sariling lupain.
Gumawa ito ng paraan para mapigilan ang paglobo ng populasyon ng Israelites sa Egypt. Nagpalabas ito ng kautusan na patayin ang bawat sanggol na lalaki na ipapanganak ng mga Israelites. Tanging mga sanggol na babae lamang ang maaaring mabuhay. Naging malupit rin sila sa mga Israelites at ginawa itong mga alipin.
Image and video hosting by TinyPic

Ipinanganak si Moses mula sa lahi ng mga Levi. Itinago siya ng kanyang ina at ng umabot ito ng 3 buwan ay hindi na nila maari pang ikubli ang bata kaya naisipan nilang isilid ito sa basket at ipaanod sa ilog. At tumayo sa malayo ang kaniyang kapatid na babae, upang malaman ang mangyayari sa bata. At ang anak na babae ni Faraon ay lumusong upang maligo sa ilog, nakita nito ang sanggol sa basket.
Image and video hosting by TinyPic
Naawa naman ang prinsesa sa bata at sinabi, Ito'y isa sa mga anak ng mga Hebreo. Lumapit ang kapatid ng bata at sinabing may kakilala siyang Hebreo na pwedeng mag-alaga sa bata. Pumayag ang prinsesa at dinala ang ina ng bata upang siyang mag-alaga dito.

Nang lumaki na ang bata ay kinupkop na siya ng prinsesa upang ituring na sariling anak.

"Tatawagin kitang Moses sapagkat ikaw ay aking sinagip sa tubig", sabi ng prinsesa.

Nang lumaki na si Moses ay madalas niyang bisitahin ang kalagayan ng mga kapwa Hebrew. Nakita niya kung paano ito pagmalupitan ng mga Egyptian.

Minsan ay nakita niyang pinatay ng isang Egyptian ang isang Hebreo. Sa kanyang galit ay napatay niya rin ang Egyptian at itinago ang katawan sa buhangin.
Image and video hosting by TinyPic
Pero kumalat pa rin ang balitang nakapatay si Moses ng Egyptian at nakarating ito sa hari. Pinahanap si Moses ng hari para ipapatay kaya tumakas at nagtago si Moses.


Nakarating si Moses sa Midian at doon na rin nagkapamilya. Napangaawa ni Moses si Zipporah, nak ni Jethro na isang pari ng Midian. At nanganak ng isang lalake, at kaniyang pinangalanan ng Gersom; sapagka't kaniyang sinabi, Ako'y nakipamayan sa ibang bayan.

Ilang taon na ang lumipas at pumanaw na ang hari ng Egypt. Pero patuloy pa rin ang pagmamalupit sa mga Israelites. Narinig ng Diyos ang kanilang mga daing at naalaala ng Diyos ang kaniyang tipan kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob.

Nagpakita ang Panginoon kay Moses. Binigyan niya si Moses ng misyon, ito ay ang tulungan ang mga Israelites na makaalis sa Egypt. Sinabi ng Panginoon na bibigyan ng kakayahan si Moses na makagawa ng milagro upang paniwalaan siya ng mga tao.

Tumutol si Moses dahil wala siyang kakayahan na magsalita, sapagkat siya ay utal at hindi deretso kung magsalita. Kaya si Aaron na kapatid ni Moses na Levita ang naatasan ng Diyos na magsalita para kay Moses. Tutulungan sila ng Panginoon kung ano ng dapat gawin at sasabihin. Ipinadala kay Moses ang tungkod na siyang makakagawa ng milagro na tanda ng kapangyarihan ng Panginoon.

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Pagkabalik mo sa Egypt, iyong gawin nga sa harap ng hari ang lahat ng kababalaghan na aking itiniwala sa iyong kamay: ngunit aking papagmamatigasin ang kaniyang puso, at hindi niya tutulutang makaalis kayo sa bayan.

Nakipagkita si Moses kay Aaron at tinalakay ang tungkol sa kanilang misyon.

At pagkatapos nito, si Moises at si Aaron ay nakipagkita, at sinabi sa hari, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Hayaan mong ang aking bayan ay umalis upang ipagdiwang nila ako ng isang kapistahan sa ilang.

At sinabi ng hari, Sino ang Panginoon na aking pakikinggan ang kaniyang tinig, upang pahintulutan kong umalis ang mga Israelites? Hindi ko nakikilala ang Panginoon at saka hindi ko pumapayag.

Lalong pinagmalupitan ng hari ang mga Israelites.
Utos nito, Huwag na ninyong bibigyan ang Israelites, ng dayami sa paggawa ng laryo, na gaya ng dati: sila ang maghahanap at mag-iipon ng dayami. At ang bilang ng mga laryo, na kanilang ginagawang dati ay siya rin ninyong iaatang sa kanila; wala kayong babawasin: sapagka't sila'y mga tamad; kaya't sila'y dumadaing, na nagsasabi, Hayaan mo kaming umalis at magalay sa aming Dios.

Kaya't ang mga Israelites ay nangalat sa buong lupain ng Egypt, na humahanap ng pinagputulan ng trigo na panghalili sa dayami. Lalo silang nahirapan dito at kapag hindi nila natapos ang eksaktong bilang na nakaatas sa kanila ay pinapalo sila.

Dahil dito ay nagalit ang mga Israelites kina Moses at Aaron.

At si Moises ay bumalik sa Panginoon, at nagsabi, Panginoon, bakit mo ginawan ng kasamaan ang taong ito? bakit mo sinugo ako? Sapagka't mula nang ako'y nakipag-usap sa hari ay mas lalo niyang pinahirapan ang Israelites: at ni hindi mo man lang iniligtas sila.

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ngayo'y iyong makikita kung ano ang gagawin ko sa hari, sapagka't sa pamamagitan ng isang malakas na kamay ay palalayasin niya sila sa kaniyang lupain.

Nang makipag-usap muli si Moses sa mga Israelites ay hindi na sila nakinig dahil sa yamot at pagpapahirap na dinaranas.

Nakipagkita muli sina Moses sa hari, at inihagis ni Aaron ang kaniyang tungkod sa harap ng hari at sa harap ng kaniyang mga lingkod at naging ahas gaya ng utos ng Panginoon.
Image and video hosting by TinyPic
Tinawag ng hari ang mga mahiko ng kaharian upang ipakita na kaya rin nilang gawing ahas ang tungkod at nagawa nga nila, nguni't nilamon ng tungkod ni Aaron ang mga tungkod nila. At ang puso ng hari ay nagmatigas, at hindi niya dininig sila; gaya ng sinalita ng Panginoon.


Sumunod na araw ay mula sa utos ng Diyos ay bumalik na naman sila sa hari. Itinaas ang tungkod, at pinalo ang tubig, na nasa ilog, sa harapan ng hari, at sa ng kaniyang mga lingkod; at ang lahat ng tubig, na nasa ilog ay naging dugo.
Image and video hosting by TinyPic
At ang isda, na nasa tubig ay namatay; at ang ilog ay bumaho at ang mga Egyptian ay hindi makainom ng tubig sa ilog; at nagkadugo sa buong lupain ng Egypt.At ang mga mahiko sa Egypt ay gumawa rin ng kagaya ng ginawa nila, at ang puso ng hari ay nagmatigas, at hindi niya dininig sila; gaya ng sinalita ng Panginoon.


Sumunod na ginawa nila mula sa utos ng Diyos ay ang pag-unat ni Aaron ng kaniyang kamay sa tubig sa Egypt; at ang mga palaka ay nagsiahon, at tinakpan ang lupain ng Egypt.
Image and video hosting by TinyPic
At ang mga mahiko ay gumawa ng gayon din at nagpaahon ng mga palaka sa lupain ng Egypt.


Tinawag ng hari si Moises at si Aaron, at sinabi, Manalangin kayo sa Panginoon, na alisin ang mga palaka sa akin, at sa aking bayan; at aking tutulutang umalis, ang Israelites upang sila'y makapag-alay sa Panginoon.

Si Moises ay dumaing sa Panginoon tungkol sa mga palaka. At ginawa ng Panginoon ayon sa salita ni Moises, at ang mga palaka ay namatay sa mga bahay, sa mga looban at sa mga parang. Nguni't nang makita ng hari na wala na ang mga palaka ay pinapagmatigas ang kaniyang puso, at hindi niya dininig sila; gaya ng sinalita ng Panginoon.

Sumunod ay inutos ng Diyos na iunat ni Aaron ang kaniyang kamay pati ng kaniyang tungkod, at pinalo ang alabok ng lupa, at nagkakuto sa tao at sa hayop; lahat ng alabok ng lupa ay naging mga kuto sa buong lupain ng Egypt.
Image and video hosting by TinyPic
At ang mga mahiko ay gumawa ng gayon, upang maglabas ng mga kuto, nguni't hindi nila nagawa: at nagkakuto sa tao at sa hayop. Ngunit nanatiling matigas ang hari.


Sumunod na mga nangyari ay nagsipasok ang mga makapal na pulupulutong na langaw sa bahay ng hari, at sa bahay ng kaniyang mga lingkod: at sa buong lupain ng Egypt ay nasisira ang lupa dahil sa mga pulupulutong na langaw.
Image and video hosting by TinyPic


At muli ay nakiusap ang hari na papayag na siya pagpapaalisin na nila ang langaw. At ginawa ng Panginoon ang ayon sa salita ni Moises; at inialis niya ang mga pulupulutong na langaw sa hari, sa kaniyang mga lingkod, at sa kaniyang bayan; na walang natira kahit isa. Ngunit nagmatigas na naman ang hari.

Sumunod na nangyari ay lahat ng hayop sa Egypt ay namatay: nguni't sa hayop ng mga anak ni Israelites ay walang namatay kahit isa.
Image and video hosting by TinyPic
Nguni't ang puso ng hari ay nagmatigas pa rin.


Sumunod na nangyaro ay inutos ng Diyos na sila'y kumuha ng abo sa hurno, at tumayo sa harap ng hari, at isinaboy ni Moises sa himpapawid; at nagkaroon ng bukol ang mga tao at hayop.
Image and video hosting by TinyPic
At ang mga mahiko ay hindi makatayo sa harap ni Moises dahil sa mga bukol; sapagka't nagkabukol ang mga mahiko at ang mga Egyptian. Ngunit matigas pa rin ang puso ng hari, gaya ng sinabi ng Diyos.


At sinabi ng Panginoon kay Moises, Iunat mo ang iyong kamay sa dakong langit, upang magkaroon ng granizo sa buong lupain ng Egypt, na lalagpak sa tao, at sa hayop, at sa bawa't halaman sa parang sa buong lupain ng Egypt. At iniunat ni Moises ang kaniyang tungkod sa dakong langit; at ang Panginoo'y nagsugo ng kulog at granizo, at may apoy na lumagpak sa lupa; at ang Panginoo'y nagpaulan ng granizo sa lupain ng Egipto.
Image and video hosting by TinyPic
At sinalot ng granizo ang buong lupain ng Egypt, ang lahat na nasa parang, maging tao at maging hayop, at sinalot ng granizo ang lahat ng halaman sa parang, at binali ang lahat ng punong kahoy sa parang. Sa lupain lamang ng Gosen, na kinaroroonan ng mga anak ni Israel, hindi nagkaroon ng granizo.


Muli ay nakiusap ang hari at ng matigil ang matingding pag-ulan ng granizo ay muli itong nagmatigas.

At sinabi ng Panginoon kay Moises: Puntahan mo ang hari , sapagka't aking pinapagmatigas ang kaniyang puso, at ang puso ng kaniyang mga lingkod; upang aking maipakilala itong aking mga tanda sa gitna nila: At upang iyong maisaysay sa mga nakikinig , at sa anak ng nakikinig, kung anong mga bagay ang ginawa ko sa Egypt, at ang aking mga tandang ginawa sa harapan nila; upang inyong maalaman, na ako ang Panginoon.

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Iunat mo ang iyong kamay sa lupain ng Egypt, upang magdala ng mga balang, at bumaba sa lupain ng Egypt, at kumain ng lahat na halaman sa lupain.
Image and video hosting by TinyPic
Sapagka't tinakpan ng mga balang ang balat ng buong lupa,kaua ang lupain ay nagdilim; at kinain ang lahat na halaman sa lupain, at ang lahat na bunga ng mga kahoy na iniwan ng granizo; at walang natirang anomang sariwang bagay, maging sa punong kahoy o sa halaman sa parang, sa buong lupain ng Egipto.


Muli ay nakiusap ang hari at matapos mawala ang mga balang ay nagmatigas na naman ito.

Sumunod na mga nangyari ay ang pagkabalot ng kadiliman sa buong Egypt. Sa loob ng 3, lahat ng mga Egyptians ay nanatili sa loob ng bahay dahil wala silang makita.
Image and video hosting by TinyPic
Kaya naisipan ng hari na pakawalan na ang mga Egyptians.


Umalis kayo, maglingkod kayo sa Panginoon; inyo lamang iwan ang inyong mga kawan at ang inyong mga bakahan; isama rin naman ninyo ang inyong mga bata.

Paano kami makapag-aalay sa Panginoon kung hindi mo ipapadala ang mga hayop, sagot ni Moses. Dadalhin namin ang mga hayop pag-alis namin.

Hindi pumayag ang hari.

Umalis ka sa harapan ko at wag ka nang magpapakita sa akin. Sa susunod na bumalik ka dito ay mamamatay ka, sigaw ng hari.

Tama ka hindi mo na ako makikita pa, sabi ni Moses.

At sinabi ng Panginoon kay Moises, May isang salot pa akong dadalhin kay Faraon at sa Egipto; pagkatapos niyaon ay pahihintulutan niyang kayo'y umalis dito.

At nangyari sa hating gabi, na nilipol ng Panginoon ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egypt, mula sa panganay ng hari, hanggang sa panganay ng bilanggo na nasa bilangguan; at lahat ng panganay sa mga hayop.
Image and video hosting by TinyPic


At ang hari ay bumangon sa kinagabihan, siya at lahat ng kaniyang mga lingkod, at lahat ng mga Egyptians, at nagkaroon ng isang malakas na hiyawan sa Egypt; sapagka't walang bahay na di mayroong isang patay.

At kaniyang tinawag si Moises at si Aaron sa kinagabihan, at sinabi, Kayo'y bumangon, umalis kayo sa gitna ng aking bayan kayo at sangpu ng mga anak ni Israel; at kayo'y yumaong maglingkod sa Panginoon, gaya ng inyong sinabi. Dalhin ninyo kapuwa ang inyong mga kawan at ang inyong mga bakahan, gaya ng inyong sinabi, at kayo'y yumaon: at isama ninyo sa inyong panalangin na ako ay pagpalain, sabi ng hari.

At ginawa ng mga Israelites ayon sa salita ni Moises; at sila'y humingi sa mga Egyptians ng mga hiyas na pilak, at mga hiyas na ginto, at mga damit: At pinagbiyayaan ng Panginoon ang bayan sa paningin ng mga Egyptians, ano pa't ibinigay sa kanila anomang hingin nila. Umalis sila na dala ang yaman ng Egypt.

Samantala naisip ng hari at ng mga sakop niya na wala nang maglilingkod sa kanila pag wala na ang mga Israelites.

At hinabol sila ng hari at ng kanyang hukbo ang mga Israelites. Naabutan sina Moses malapit sa Red Sea.

Nang makita sila ay natakot ang mga Israelites.

At sinabi ni Moises, Huwag kayong matakot, tumigil kayo, at tingnan ninyo ang pagliligtas ng Panginoon na gagawin sa inyo ngayon: sapagka't ang mga Egyptian na inyong nakikita ngayon, ay hindi na ninyo uli makikita magpakailan man.

At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa ibabaw ng dagat; at pinaghiwalay ng Panginoon ang dagat sa pamamagitan ng isang malakas na hanging silanganan ng buong magdamag, at ang tubig ay nahawi. At ang mga anak ni Israel ay pumasok sa gitna ng dagat sa ibabaw ng tuyong lupa.
Image and video hosting by TinyPic


At hinabol sila ng mga Egyptians, at nagsipasok na kasunod nila sa gitna ng dagat. Bumalik sa dati ang tubig at lahat ng Egyptians ay nalunod.
Image and video hosting by TinyPic


At nakita ng Israelites ang dakilang gawa, na ginawa ng Panginoon sa mga Eyptians, at sila ay natakot sa Panginoon: at sila'y sumampalataya sa Panginoon at sa kaniyang lingkod na si Moises.

No comments:

Post a Comment