Thursday, September 8, 2016
Mga Totoong Kwento na Puno ng Misteryo
Dyatlov Pass Incident
9 hikers ang namatay sa northern Ural Mountains noong February 2, 1959. Sinasabing 6 ang namatay sanhi ng hypothermia, pero may indikasyon ang ibang kasamahan nito na sumailalim sila sa pisikal trauma. Isa sa mga biktima ay nagtamo ng fractured skull samantalang ang isa naman ay may brain damage. Isang babae naman ay putol ang dila. May mga usaping may kinalaman daw ang UFO at may government cover-up daw naganap. Ilan namang haka-haka ay yeti daw ang pumatay sa mga biktima.
Pag-ulan ng karne sa Kentucky
Noong 1876 bumuka ang ulap at umulan ng karne sa Bath County, Kentucky. Ayon sa dalawang lalaki na nakakain ng umuulan na karne lasang karne ng tupa daw ito.
The Man in the Iron Mask
Marahil ay narinig niyo na ang istorya tungkol dito sa mga pelikula at librong nababasa ninyo. Pero totoo talagang may man on the iron mask 3 century na ang nagdaan. Nananatiling palaisipan pa rin sa atin kung totoong identity ng lalaking ikinulong at pinagsuot ng maskara.
The Hinterkaifeck murders
Ang mga pangyayari sa kasong ito ay pawang sangkap ng isang horror na pelikula. Isang nakakatakot na bahay sa probinsiya na balitang haunted daw. Dito ay may maririnig ka daw na tila naglalakad sa attic at ang buong pamilya na nakatira dito ay pinatay ng hindi pa nakikilalang salarin.
The Original Night Stalker
Kilala rin sa tawag na Golden state killer at East Area Rapist, siya ay nagdala ng takot sa mga resident ng California’s Sacramento County. 120 bahay ang nilooban, 45 ang narape at nakapatay ng 12, ilan lamang sa mga kasong naikabit dito. Kadalasan ay tumatawag ito sa kanyang mga biktima upang sila ay kutyain. Pinaniniwalaang buhay pa ang salarin hanggang ngayon at siya ay pinaghahanap pa rin ng FBI.
Ang ugong (hum)
Maraming ang nagsasabi na nakakarinig daw sila ng ugong na hindi nila alam ang pinangggalingan. Maririnig ang ugong na ito sa ibat ibang bahagi ng mundo na kadalasan ay sa UK at New Zealand.
The Mary Celeste
Isa sa kilalang ghost ship ang Mary Celeste- muling nakita ang Mary Celeste ngunit hindi na matagpuan ang mga crew at pasahero nito. Natagpuan ang abandonadong barko na nasa maayos na kondisyon sa Portugal.
D.B. Cooper
Taong 1971, isang lalaking nakaitim ang sumakay sa pampasaherong eroplano papuntang Seattle, Washington. Nang makalipad na ang eroplano, nag-abot ng sulat ang lalaki sa flight attendant, nagsasaad dito na humihingi siya ng $200,000 at 4 na parachutes. Nang maibigay ang demands ng hijacker, inutusan nito ang piloto na pumunta sa Mexico City. Hindi pa man sila umabot ng Mexico ay tumalon na ang lalaki mula sa eroplano gamit ang parachute. Hindi na kailanman natagpuan ang lalaki.
The Tunguska event
Isang malaking pagsabog ang yumanig sa ilang na bahagi ng Russia noong June 30, 1908. May 35 milya ang layo nito sa karatig na bayan, pero ramdam pa rin ang yanig nito at nagsi-basagan ang mga bintana. Kung ikukumpara daw ito ay higit na 85 times na mas malakas daw ito sa atomic bomb ng Hiroshima, at pumutol ito ng mga 80 million na puno. Pinaniniwalaang asteriod daw ang sanhi nito pero wala na man silang nakitang lubak sa pinangyarihan.
Cicada 3301
Ito ay isang online internet puzzle na hindi alam kung sino ang may gawa. Nagsimula ito taong 2012. Marami ang nagsasabing recruitment tactic ito ng CIA o di kaya'y ng mga illegal hackers.
Mga batang kulay berde sa Woolpit
Noong 12th century, sa nayon ng Suffolk, UK, ay may bumisitang 2 batang kulay berde ang balat. Beans lang ang kanilang kinakain. Kakaiba at hindi maintindihan ang pananalita ng mga ito at sinasabing sila ay mga laman lupa na kung saan sa mundo nila ay mga berdeng tao ang naninirahan. Kalaunan ay natuto na rin silang kumain ng normal at naging normal ang kulay. Pero nang binyagan sila ay agad na namatay ang batang lalaki. Lumaki ang babae at kalaunan ay nakapag-asawa ito.
Labels:
News
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment