Nagbigay si Joongwon ng mensahe sa kaluluwa ni Heejo. Sinabi niya na pag nakita ni Gongshil si Heejo ay sabihing maldita ito.
Sa isip ni Gongshil ay talagang mahal ni Joongwon si Heejo dahil nagagalit pa rin ito sa ginawang pag-iwan sa kanya ni Heejo. Kaya nangangako siyang ipaparating niya ang mensahe nito.
Tahimik lamang na nagmamasid sa Kangwoo sa paguusap ng dalawa habang hinihintay si Gongshil. Halatang curious ito sa kung anumang relasyon meron ang dalawa.
Naglalakad mag-isa si Jin-ju, isang empleyado ng Kingdom mall ng bigla siyang matisod ng isang mamahaling sapatos na walang kapareha.
Naisip ni Jinju na dalahin ito sa lost and found section ng biglang mangilabot siya. Na tila may sumusunod sa kanya pero wala naman siyang nakikita. Lingid sa kaalaman niya ay talagang sinusundan siya ng kaluluwa may-ari ng sapatos.
Biglang namatay ang mga ilaw at gumalaw ang mga bagay na nadaanan ni Jinju kaya dahil sa takot ay nagtatakbo ito. Nang pumasok siya sa exit room ay hinablot ng multo ang paa niya kaya natisod si Jinju at nahulog sa hahdanan.
Narinig ng tatlo ang sigaw ni Jinju at agad silang sumaklolo.
"Kaya ka siguro nahulog ay dahil hindi maayos ang pagkakapahid ng floorwax. Ayusin mo ang trabaho mo Gongshil" sabi ni Joongwon.
Nagdesisyon si Kangwoo na ihatid si Jinju sa paggamutan kaya hindi na muna niya masasabayan si Gongshil pag-uwi. Okay lang naman kay Gongshil.
Napilitan si Joongwon magdrive mag-isa dahil si Sec Kim ay naatasan na magsumite ng papeles na dala ni Jinju. Hindi sanay si Joongwon sa mga functions ng sasakyan kaya kung ano-ano ang napipindot niya.
Nakita ni Gongshil ang sapatos na walang kapares, pinulot niya ito st sinubukang isukat. Nakita ni Gongshil ang multo kaya ngmamadali siyang tumakbo. Naiwan tuloy ang isang pares ng sapatos niya. Hinabol siya ng multo hanggang sa elevator.
Naabutan si Gongshil ng multo hanggang sa parking lot. May ibinulong ito sa kanya.
Nakita niya si Joongwon at tinawag niya ito.
Lumabas si Joongwon sa sasakyan at kaagad siyang niyakap ni Gongshil ng mahigpit.
May nakakita na security guard sa mga pangyayari at inakala nito na may namamagitan talaga kay Joongwon at Gongshil.
Sa ospital naman, pauwin na si Kangwoo ng may nakita siyang babae na tinatakpan ang mukha at nagpipilit itong umakyat sa bobong ng sasakyan.
Inakala ni Kangwoo na carnapper ito pero sinabi ng babae na sa siya ang mayari ng sasakyan. Si Yi-ryung pala ito. Nasa manager kasi niya ang susi at gusto lang sana niyang kunin ang wallet dahil gutom na siya. Tinulungan siya ni Kangwoo na makuha ito pero kulang ang laman ng wallet. Ibinili na lang siya ni Kangwoo ng makakain.
Hiningi ng Yi-ryung ang cell number ni Kangwoo para mabayaran nito pero tumanggi na si Kangwoo.
Nakuha ang bangkay ng mayari ng sapatos sa isang banggaan ng sasakyan sa kalye. Inakala ng mga pulis na lasing ang biktima dahil isa lamang ang suot nitong sapatos.
Dinala ito sa ospita; at nang makita ito ng asawa ay agad itong napahagulgol ng iyak.
Matapos ang iyak at tila palihim itong napangisi.
Hinatid ni Joongwon si Gongshil sa ospital kung saan nandoon ang bangkay ng may ari ng sapatos. Hiling kasi nito na iabot sa mister nito ang pares ng sapatos niya. Dahil naiwan ang kaparehas ng sapatos ni Gongshil
Ginawang sapatos ni Gongshil ang tissue box.
"Hindi ka ba nahihiyang gamitan yan, pagkakamalan ka nilang baliw", tanong ni Joongwon.
"Okay lang nasanay na akong mapagkamalan na baliw, at saka mukhang matibay naman ito, ikaw kasi ayaw mo akong pahiramin ng extra shoes" sagot ni Gongshil.
Sa loob ng E.R. nakasalubong nila ang bangkay ng may ari ng sapatos.
"O ngayon naniniwala ka na, nakakakita talaga ako ng multo". Natatakot ka no?" ani Gongshil
Sinabi ni Gongshil na kaya niya gusto si Joongwon hindi dahil gwapo ito o gold digger kundi dahil nawawala ang multong gumugulo sa kanya kapag hinahawakan niya ito.
Marami kasing gumugulo na multo sa kanya at kadalasan ay humihingi nang pabor. Gaya ng babaeng may ari ng sapatos. Nais nito na ibigay niya ang sapatos sa asawa at magbigay ng mensahe na babantayan niya ito palagi.
Namukhaan ni Jongwoon ang asawa ng bangkay. Isa ito sa mga stall renters sa Kingdom mall. Sa tingin ni Gongshil ay baka naiwan ng asawa ang sapatos sa mall nang bisitahin niya ito. Pero nang lapitan na niya ito ay narinig niya na may kausap ito sa cellphone at tuwang tuwa pa ito na buti na lang daw at namatay ang asawa niya.
Kaya napalayo si Gongshil. Gusto nang umalis ni Joongwon pero pinipigilan siya ni Gongshil at baka multuhin na naman daw siya. At di ba naniniwala na siya dito. Ang sabi ni Joongwon na paniniwalaan niya ang gusto niyang paniwalaan. At ngayon ang paniniwala niya ay isang baliw si Gongshil na nakasuot ng tissue box. At tuluyan ng umalis si Joongwon.
Napilitan si Gongshil na maglakad pauwi gamit ang tissue box. Sa loob naman ng sasakyan ay may nakita si Joongwon na extra shoes. Iniisip niya na ipahiram ito kay Gongshil pero agad niyang pinawi dahil mukhang matibay naman daw ang tissue box.
Nakita ni Kangwoo si Gongshil sa daan gamit ang nasisira ng tissue box sa paa. Inanyayahan niya na lang ito na sumakay na lang sila ng taxi.
Naisipan ni Joongwon na ipahira na lang ang extra shoes kay Gongshil pero hindi na niya ito namataan. Pauwi na sana siya pero mukhang nagloloko ang GPS niya. Dinala siya nito pabalik sa ospital.
Nang makauwi na sila sa apartment tinanong ni Kangwoo si Gongshil kung si Joongwon ba ang special na tao sa buhay niya ngayon. Sabi ni Gongshil special sa kanya si Joongwon ngunit isa lamang siyang babaeng baliw sa paningin ni Joongwon.
Napangiti si Kangwoo sa narinig. Naabutan sila ng kapatid ni Gongshil at pinayuhan siya na maging malapit kay Kangwoo. Dahil baka kaya siya minumulto ay dahil wala siyang energy at stamina. Malakas ang male energy kaya baka pag lagi niyang kasama ito ay mahawaan siya ng energy nito.
Kinabukasan sa cafeteria ay narinig ni Gongshil na pinag-uusapan ang tungkol sa namatay na asawa ng stall renter ng mall. Mayaman pala ang pamilya ng babaeng asawa at ito pa nga ang nagbigay ng capital para magkanegosyo ang lalaking asawa nito. Mapagmahal at maalaga daw si lalaki kay babae at lungkot na lungkot daw ito ngayon sa nangyaring trahedya. Nagiisang anak lamang daw ang babae at mayaman daw talaga ang nanay nito. Ngayong wala na ang nagiisang anak nito ay siguradong ang naiwan na asawa na ang magmamana ng lahat ng kayamanan nito.
Nalungkot si Gongshil sa narinig, wala daw maniniwala sa kanya kapag isiniwalat niya ang katotohanan dahil ang alam ng lahat ay mabuting tao ang lalaki.
Si Joongwon naman ay naglilibot sa mall para batiin ang mga stall renters nito. Kailangan niyang magbuild ng camaraderie sa mga ito para makuha niya ang loyalty ng mga ito. Malapit na kasi magbukas ang Giant Mall na katapat lamang ng mall nila. Baka magsilipatan pa ang mga iba sa kanyang stall renters. Pinaiimbestigahan niya ang tungkol sa asawa ng namatay na babae. Baka daw ay traydurin sila nito at hindi na pumirma ng kontrata. Lalo pa at alam niyang hindi ito mapagkakatiwalaan.
Sa loob ng mall ay pilit na tintrace ni Gongshil ang mga pangyayari kung saan nakita ang sapatos.
Nadaanan siya ni Joongwon at sinabihan na nagmumukha at umaakto na naman siyang baliw.
Pero binalewala ito ni Gongshil may dumaan na babae sa harapan niya. Suot nito ang sapatos na kapareho ng design ng sapatos ng namatay. Sinundan ito ni Gongshil at nakita niya itong pumasok sa siradong tindahan ng asawang lalaki. Iniisip niya na baka ito ang nangyari sa babaeng namatay. Ano kaya ang nakita niya dito. Kaya sinubukan ni Gongshil na tingnan ang tindahan at nakita niya ang dalawa na sweet na sweet.
Yun pala ang eksenang nakita ng babaeng namatay. Narinig pa niya na nagpaplano ang awasa at ang kalaguyo nito na patayin siya. Palalabasin nilang naaksidente ito sa paghihiking na magaganap sa susunod na mga araw.
Namataan ng lalaki ang asawa at hinabol niya ito upang magpaliwanag.
Umiiyak na nagmamadaling umalis ang babae kaya pala naiwan nito ang isang pares ng sapatos sa mall. Naghabulan sila hanggang sa labas. Pinipilit ng babae na makalayo sa humahabol na asawa kaya nabangga ito ng nakasalubong na truck.
Nashock si Gongshil sa nalaman. Sa loob ng tindahan ay naguusap ang dalawang magkalaguyo kung ano ang gagawin nila sa ina ng nasirang asawa. Isusunod nila itong iligpit at palalabasin nila na namatay ito sa sobrang lungkot. Pag wala na ang biyenan ay tiyak na magmamana na siya ng limpak limpak na salapi. Hindi nila alam ay nasa harapan lang pala ang asawang namatay at umiiyak na nakatingin sa kanila.
Dumating ang biyenan ng lalaki para magdala ng pagkain. Dahil wala na ang anak ay nalulungkot daw siyang kumain mag isa. Nilapitan sila ni Gongshil at sinabi na mag-ingat ang matanda dahil manloloko ang lalaking pinakasalan ng anak. At sa katunayan ay kalaguyo nito ang babaeng kaharap nila. Isiniwalat niya lahat ng nalalaman niya at ipinakita pa niya ang sapatos bilang patunay na ang nasirang asawa niya ang nagsabi ng lahat ng kawalanghiyaang pinaggagawa ng lalaki. Pero pinabulaanan ng lalaki ang bintang ni Gongshil at sa katunayan ay nakita na ang nawawalang sapatos ng nasirang asawa. Ibinigay daw ito ng pulis na nagiimbestiga sa aksidente. Pero kinuha lang ng lalaki ang isang pares na suot ng kalaguyo. Tumawag sila ng security upang ipadampot si Gongshil.
Pero nagmamatigas si Gongshil at sinabing kailangan niyang protektahan ang biyenan ng lalaki laban dito.
Nakita ni Kangwoo at Yi-ryung ang mga pangyayari. Totoo nga pala talaga ang tsismis na ang dating Gongshil na mas popular at mas matalino sa kanya dati nung college days ay naging weird na.
Naitulak si Gongshil sa sahig. Pinaligiran siya ng mga tao na nagbubulong bulongan na siya raw ay nasisiraan ng bait.
Dumating si Joongwon at inabot nito ang kamay ni Gongshil. Pinatayo niya ito. Pinatotohanan ni Joongwon ang mga sinabi ni Gongshil dahil na sa kanya daw ang isang sapatos ng namatay. Pinulot niya raw ito sa basurahan na pinagtapunan ng asawa nito. Pinakita niya na nagmatch sa hawak ni Gongshil ang sapatos, samantalang ang sapatos na pinakita ng lalaki ay hindi. Hinablot pa ni Joongwon ang kalaguyo ng lalaki at pinakita na sa kanya talaga ang isang sapatos.
Sinabi ni Gongshil sa lalaki ang mensahe ng asawa, na babantayan niya bawat galaw ng lalaki at hindi na ito makapaghintay na makitang mailibing din siya.
Ibinalik ni Gongshil ang sapatos sa ina ng namatay. Iyak ng iyak ito habang niyayakap siya ng multo ng anak. Bago tuluyang naglaho ito.
May tsismis ngayon sa loob ng Kingdom mall na secret girlfriend daw ni Joongwon si Gongshil.
Nagpasalamat naman si Gongshil kay Joongwon sa tulong nito. Pero ginawa daw ito ni Joongwon upang maghiganti at hindi ang pagtulong. Nalaman kasi niya na lilipat sa Giant mall ang lalaki. Ipinaliwanag rin ni Gongshil na hindi coincidence ang pagkakapulot niya ng sapatos. Ito ay dahil ang multong may ari daw ng sapatos ang siyang nagdala sa kanya pabalik sa ospital kung saan naaktuhan niyang itinapon ng lalaki ang sapatos sa basurahan. Akala ni Joongwon ay ang GPS ang nagbibigay sa kanya ng direction yun pala ay ang kaluluwa na pala ng babaeng may-ari ng sapatos.
Naalala ni Joongwon ang mga nangyari na tila ba nagloloko ang gps niya kaya kinilabutan siya ng husto sa sinabi ni Gongshil.
Alam na ni Gongshil kung paano siya magiging useful ky Joongwon. Siya lang naman ang pwedeng maging tulay para makausap ni Joongwon muli si Heejo.
Dahil sa nangyaring insidente kanina sa mall ay kinausao ni Aunt Joo ang asawa niyang VP. Mas bata kasi ito sa kanya at alam niyang pera lang ang habol nito sa kanya. Pero okay lang yun dahil kahit na tatanda na siya at kumulubot ang mukha eh hindi naman mauubos ang pera niya. Ang dapat lang gawin ni VP ay maging loyal sa kanya. Inassure siya ng VP na hindi kailan man kukupas ang kanyang pagtingin dito.
Naging mabuti ang pagtrato ng ibang empleyado kay Gongshil matapos ang nangyaring pagtatanggol dito ni Joongwon. At malakas ang tsismis na may relasyon ang dalawa. Inimbitahan si Gongshil ng mga kasamahan sa trabaho na kumain sa labas para makapag bonding. Ayaw sana ni Gongshil sumama dahil siguradong may inuman na magaganap. Kapag kasi nalasing siya o naging unconscious ay sinasaniban siya ng kaluluwa. Ito rin ang dahilan kung bakit lagi siyang kulang sa tulog.
Ngunit nagpumilit ang mga kasamahan niya at pinangakong hindi siya paiinumin ng alcohol. Pumayag na rin ang kapatid niya basta siguraduhing nandoon rin si Kangwoo.
Habang kumakain ay nagkamali ang inumin na ibinigay kay Gongshil kaya nagtaka siya kung bakit sumasakit ang kanyang ulo.
Habang si Joongwon naman ay naiisip ang nakaraan nila ni Heejo. Tinanong niya dati si Heejo kung pera ba ang dahilan kung bakit siya nito nagustuhan. Hindi agad nakasagot si Heejo. Biglang sumama ang loob ni Joongwon. Ang sabi ni Heejo hindi niya masagot agad ang tanong dahil nag alala siya na pag sinabi niyang oo ay baka masaktan si Joongwon. Nasaktan nga si Joongwon at akmang aalis nang pigilan siya ni Heejo. Alam ni Heejo na kapag tinawag niya ng tatlong beses si Joongwon ay mawawala na ang galit nito sa kanya. Kaya tinawag niya ito...“Joo Joong-won! Joo Joong-two! Joo Joong-three!”
At nagtawanan silang dalawa.
Muli ay nagbalik ang isip ni Joongwon sa kasalukuyan at naiinis siya na maalala ang lahat ng mga iyon. Maldita talaga si Heejo. Nakita nang lasing na si Gongshil si Joongwon at sa likod nito ay nakatayo si Heejo.
Biglang lumingon si Heejo at ng makita siya ay nilapitan siya nito.
Nagrereport na naman si Kangwoo sa kanyang secret boss tungkol sa namamagitan kina Joongwon at Gongshil. ALam niya na may kakaiba silang konneksyon pero di pa ni tiyak kung tungkol ba ito kay Heejo.
Pinuntahan ni Gongshil si Joongwon sa bahay nito. Kitang kita ang inis ni Joongwon nang makita si Gongshil at tinawag pa siya nito na parang close sila. Bakit ba sinusundan siya nito pati na sa bahay. Dali dali niya itong pinaalis.
Pero sinabi nito na kapag ba tinawag siya ng tatlong beses ay hindi na siya magagalit.
Joo Joong-won. Joo Joong-two. Joo Joong-three.”
Natigilan si Joongwon. At nakita niyang nakangiti si Gongshil.
Hindi ka nakaktuwa, sabi ni Joongwon.
Ako to, ang babaeng maldita, sagot ni Gongshil.
No comments:
Post a Comment