Dinala ng isang lalaki sa restaurant ang ama para sila ay maghapunan. Mahina na ang matandang lalaki kaya habang kumakain ay di maiwasang mahulog ang mga pagkain nito sa kanyang damit. Marami ang nakapuna at nakatingin sa kanila na tila pinagkakatuwaan pa ito ng ibang kustomer pero nanatiling tahimik at kalma lamang ang anak. Naging sento sila ng atensiyon.
Hindi nagpatinag at ikinahiya ng anak ang ginawa ng ama. Matapos kumain ay dinala siya ng kanyang anak sa wash room, pinunasan ang pagkain at tinanggal ang mga mantsang nakadikit sa damit ng ama, inayos niya rin ang buhok nito at ang salamin na suot. Nang makalabas sila ay tahimik na nakamasid ang mga kustomer, hindi nila naisip kung paano nakaya ng lalaki ang kahiya hiyang kilos ng ama. Binayaran ng lalaki ang kinain at sabay na naglakad kasama ang ama.
Isang may edad na lalaki ang nagsalita, "Sa tingin mo ba ay wala kang iniwan?"
Wala akong iniwan sir, sagot ng lalaki.
Meron, Nag-iwan ka ng aral sa lahat ng mga anak at pag-asa sa lahat ng mga ama., sabi ng matandang lalaki.
At natahimik ang buong restaurant.
Ang maalagaan ang mga taong minsan ay nag-aruga din sa atin ay isang malaking karangalan, Alam natin kung gaano tayo kamahal ng ating mga magulang. Mahalin, irespeto at pahalagahan natin sila.
No comments:
Post a Comment