May isang batang lalaki na gustong makita ang Panginoon. Alam niyang malayo-layo rin ang kailangan niyang lakbayin kaya nagbaon siya ng twinkies at six-pack rootbeer. May tatlong bloke na ang nalakad niya ng may nakita siyang isang matandang babae. Nakauo ito sa parke at nakatitig sa mga pigeons.
Umupo ang bata sa tabi ng matanda at binuksan ang baon niya. Iinom na sana siya ng rootber nang mapansin niyang tila mukhan gutom ang babae, kaya binigyan niya ito ng twinkie. Malugod na tinanggap ng matanda ang pagkain at ngumiti ito sa kanya. Napakaganda ng ngiti nito at gusto uli makita ng bata kaya inalok niya rin ito ng rootbeer. Muli ay ngumiti ang matanda. Labis na naaliw ang bata. Naupo sila doon maghapon na nagpalitan nang ngiti at pagkain pero hindi sila nag-usap.
Nang dumilim na ay nakaramdam nang pagod ang bata at tumayo na ito para umalis pero bago ito makalayo ay lumingon itong muli sa matanda, binalikan niya ito at niyakap. Sinuklian naman ito nang matanda nang napakalaking ngiti. Nang makarating ang bata sa kanilang bahay ay nagtaka ang ina nito kung bakit mukhang napakasaya nito.
Ano bang ginawa mo ngayon at mukhang napakasaya mo yata, tanong ng ina.
Kumain ako ng tanghalian kasama ng Panginoon, sagot ng bata.
Alam niyo ba, siya ay may pinakamagandang ngiti sa lahat ng nakita ko.
Samantala, maaliwalas at masayang umuwi ang matanda sa kanilang bahay. Nagulat ang anak sa aura ng ina at nagtanong.
Ma, ano bang ginawa niyo ngayon at tila napakasaya ninyo?
Kumain ako ng twinkies sa parke kasama ang Panginoon. sagot ng ina.
Alam mo ba hindi ko akalain na ang bata pa pala niya.
Ang Panginoon ay makikita natin kahit saan. Kailangan lang natin ibahagi ang ating kabutihan at magpasaya ng ibang tao para maramdaman natin Siya.
No comments:
Post a Comment