Sunday, September 11, 2016

Si Joseph at ang kanyang mga Panaginip

Si Joseph ay isa sa mga anak ni Jacob- na anak ni Isaac na anak ni Abraham. Nang magpakasal si Jacob at Rachel ay 2 anak ang ipinagkaloob sa kanila si Joseph at Benjamin. May 10 kapatid si Joseph sa ama. Mabait at masipag si Joseph na anak kaya tuwang tuwa si Jacob sa kanya. Siya ang paboritong anak ni Jacob dahil matanda na sila ng ina niya ng ipinanganak ito at mahal na mahal ni Jacob ang ina nitong si Rachel.

Image and video hosting by TinyPic

Isang beses ay iginawa ni Jacob si Joseph nang espesyal na baro na may espesyal na disenyo. Dahil sa halatang pabor ang ama kay Joseph kaya siya kinaiingitan ng mga kapatid sa ama. Kung kausapin siya ng mga ito ay paggalit.


Image and video hosting by TinyPic

Isang beses ay nanaginip si Joseph. Nagbibigkis sila ng mga kapatid ng palay. Bigla na lang tumayo ang palay na bigkis ni Joseph, pinalibutan ito ng mga palay na bigkis ng mga kapatid at yumukbo lahat ang mga palay sa palay ni Joseph. Nang marinig ito ng mga kapatid ay lalo silang nagngitngit.

Iniisip mo bang magiging hari ka at kami ay iyong magiging tagasunod, sabi nila.


Image and video hosting by TinyPic

Muli ay nanaginip si Joseph kung saan ang araw, buwan at 11 na bituin ay yumuyukbo din sa kanya. Pati ang ama ay nainis na rin.

Ano bang klaseng panaginip yan? Iniisip mo bang kami ng iyong ina at ng iyong mga kapatid ay yuyukbo sa iyo, sabi ni Jacob.

Pinagalitan man ni Jacob ang anak ay napaisip rin siya sa kahulugan ng panaginip nito.

Isang araw ay inutusan ni Jacob si Joseph puntahan ang mga kapatid sa sakahan upang tingnan kung maayos ang lagay ng mga ito. Malayo pa lang ay nakita na ng mga kapatid si Joseph at pinagbalakan nila itong patayin.

Patayin natin siya at itapon ang katawan sa balon na walang laman. Sabihin natin na napatay siya nang ligaw na hayop. Tingnan natin kung magkakatotoo pa ba ang mga panaginip niya.
Huwag natin siyang patayin, pakiusap ni Reuben. Itapon na lang natin siya sa balon pero wag niyo siyang sasaktan. Plano ni Reuben na iligtas ang kapatid at ibalik sa ama.

Image and video hosting by TinyPic

Pinunit nila ang damit ni Joseph at itinapon sa balon na walang laman.
Habang kumakain ay nakita nila ang mga Ishmaelites na papuntang Egypt. Iminungkahi ni Judah na ibenta na lang si Joseph.

Huwag na natin siyang patayin dahil walang mabuting idudulot ito. Kapatid natin siya sariling dugo at laman. Mas mabuti pang pagkakitaan na lang natin.

At ibinenta nga nila si Joseph. Nang makabalik si Reuben ay nakita niyang wala na si Joseph. Sa kanyang hinagpis ay pinunit niya ang sariling damit.

Pumatay sila ng kambing at inilublob ang roba ni Joseph sa dugo nito.

Image and video hosting by TinyPic

Ito ang ipinakita nila kay Jacob at kinilala ni Jacob ang roba na bigay niya kay Joseph. Sinabi ng mga kapatid na hindi nila nakita si Josep nung araw na iyon at nang hanapin ay ito na lang ang natagpuan nila. Labis na nanibugho si Jacob sa inakalang pagkasawi ng anak. Sinabi niyang magluluksa siya hanggang kamatayan.


Ibinenta si Josep kay Potiphar ang kapitan sa palasyo ng hari nang Egypt. Naging matagumpay si Joseph sa lahat nang inaatas sa kanya sa tulong ng Diyos. Dahil dito ay ginawa siyang personal assistant ni Potiphar na magiging tagapamahala sa kanyang bahay at mga ari-arian. Biniyayaan ng Diyos si Potiphar dahil kay Joseph. Naging maunlad at masagana ang buhay niya.

Lumaking guwapo at matipuno si Joseph kaya nagkagusto sa kanya ang asawa ni Potiphar. Inaakit niya si Joseph at lagi itong gumagawa nang paraan para maikama ito. Pero hindi nagpadala si Joseph sa tukso. Hindi magagawa ni Joseph na maging immoral at magkasala sa Panginoon.


Image and video hosting by TinyPic

Isang araw, si Joseph at ang among babae lang ang naiwan sa bahay. Pagkakataon na ito ng babae kaya hinawakan niya ang roba ni Joseph at inayang makipagtalik sa kanya. Nakatakbo si Joseph at naiwan sa kamay ng babae ang roba nito.

Sumigaw ang babae. Sinabi niyang pinagtangkaan siya ni Joseph na gahasain.

Nang makita niyang sumigaw ako ay tumakbo siya palabas at naiwan ang roba niya, phayag nito.

Nagalit si Potiphar at ipinakulong si Joseph.

Hindi iniwan ng Diyos si Joseph kahit sa loob ng kulungan. Naging tagapamahala si Joseph doon.
Isang beses, nagkasala ang wine steward at chief baker ng hari at ipinakulong sila kung saan nandoon si Joseph. Isang araw ay nanaginip ang dalawa. Hindi nila alam ang kahulugan nito, kaya naikuwento nila ito kay Joseph.

Image and video hosting by TinyPic

Sa panaginip ng wine steward ay nakakita siya ng ubasan na may tatlong sanga. Namunga at nahinog ito.

Hawak ko ang baso ng hari, kaya kumuha ako ng ubas, piniga ko ito sa baso at ibinigay sa hari.

Ipinaliwanag ni Joseph ang kahulugan nito. Sa loob ng 3 araw ay palalabasin siya ng hari at ibabalik sa kanyang position.

Sana pag nangyari iyon ay hundi mo ako makalimutan. Sabihin mo ang tungkol sa akin sa hari para ako ay makalaya. Ako ay kinidnap lamang mula sa lupain ng mga Hebrews, wala akong nagawang kasalanan kahit dito sa Egypt para ako ay makulong.


Image and video hosting by TinyPic

Nanaginip din ako sabi ng chief baker. May nakapatong na 3 basket na may tinapay sa ulo ko. Sa pinakaibabaw na basket naglalaman ang tinapay na para sa hari pero pinagkakain ito ng mga ibon.

Ang kahulugan nito ay ang 3 basket ay 3 araw, Sa loob ng 3 araw ay palalabasin ka dito at pupugutan ng ulo. Tapos ang katawan mo ay isasabit sa poste at papakpakin ng mga ibon ang iyong laman, paliwanag ni Joseph.

Sa ikatlong araw ay nagkaroon ng salu-salu para sa kaarawan ng hari. Pinalabas ng hari mula sa kulungan ang 2 ipanakulong. Ibinalik sa posisyon ang wine steward at iniligpit ang chief baker. Nangyari ang lahat ayon sa ipinahayag ni Joseph. Ngunit nakalimutan na ng steward ang tungkol kay Joseph at ang hiling nito.


Image and video hosting by TinyPic

Lumipas ang 2 taon, nanaginip ang hari na nakatayo siya sa gilid Nile River, may dumating na matataba at malulusog na 7 baka at nagsimula itong kumain ng mga damo. Biglang may dumating na 7 payat at sakitin na mga baka at pinagkakain nito ang mga matabang ako.

Image and video hosting by TinyPic

Nanaginip uli ang hari. May 7 tangkay ng mga malulusog na butil ang sabay tumubo sa iisang ugat. Tapos may 7 payat at lantang tangkay ng butil ang tumubo din. Nilamon nito ang mga malulusog na butil.Hindi mapalagay ang hari sa kanyang kakaibang panaginip kaya pinatawag niya ang lahat ng mga mago at maalam na mamamayan sa buong kaharian. Pero wala ni isa man sa kanila ang makapagbigay nang kahulugan sa panaginip. Naalala ng wine steward ang tungkol kay Joseph, sinabi niya ito sa hari.

Agad-agad na ipinatawag ng hari si Joseph. Ikinuwento ng hari ang kanyang panaginip kay Joseph.

Iisa lamang ang kahulugan ng 2 panaginip. Ipinakita ng Panginoon ang mga mangyayari sa hinaharap. Ang 7 matatabang baka at 7 malulusog na butil ay mangangahulugan ng 7 taon. Sa loob ng 7 taon na ito ay magkakaroon nang masaganang ani sa buong Egypt. Ang 7 payat na baka at 7 lantang butil naman ay 7 taon nang tagtuyot, masisira ang lahat ng tanim na pinagkukunan ng pagkain at magugutom ang lahat dahil sa kakulangan ng pagkain. Kaya ngayon pa lang ay dapat pumili ka ng taong may kakayahan na pamunuan ang mga taniman. Dapat ngayon pa lang ay mag-imbak na kayo ng pagkain para pag dumating na ang tagtuyot ay hindi kayo magugutom.

Dahil sa ibinahagi ng Panginoon ang lahat ng mga ito, ay natural lamang na ikaw ang mas nakakaalam sa kung ano ang mga dapat gawing hakbang. Ikaw ay inaatasan kung mamahala sa buong kaharian. Susunod sa iyo ang lahat ng mga nasasakupan ko. Gagawin kitang gobernador ng Egypt, pahayag ng hari.

Naging gobernador si Joseph sa edad na 30. Ipinakasal rin siya sa anak ng pari at nagkaroon ng 2 anak. Dumating ang 7 taon ng kasaganaan kung saan ay nag-imbak sila ng husto. At dumating ang tagtuyot, sa laki ng pinsala ay naapektuhan pati ang ibang bansa. Marami ang pumunta sa Egypt mula sa malalayong lugar upang bumili ng pagkain.

Nabalitaan ito ni Jacob kaya inutusan niya ang mga anak na humayo at bumili ng pagkain. Ipinadala niya lahat ng kanyang anak maliban kay Benjamin ang kapatid na buo ni Joseph mula sa ama at ina. Natatakot si Jacob na baka may mangyari kay Benjamin tulad kay Joseph.

Nagkita si Joseph at ang mga kapatid. Hindi na nila nakilala si Joseph at yumukbo sila sa harap nito. Naalala ni Joseph ang tungkol sa kanyang mga panaginip noong siya ay bata pa Nagkunwari si Joseph na hindi sila kilala at maawtoridad itong nakipag-usap sa kanila.

Kayo ay mga espiya at nagpunta dito para manmanan ang aming bayad, sabi ni Joseph.

Hindi sir, kami ay mga alipin na nagpunta dito upang bumili ng pagkain. Hindi kami espiya. Kami ay 12 na magkakapatid ay isa ay patay na at ang isa ay naiwan sa Canaan sa aming ama, sagot nila.

Ngunit ipinakulong ni Joseph ang mga kapatid. Makalipas ang 3 araw ay pinalaya niya ang mga ito maliban kay Simeon. Binigyan niya ito ng mga pagkakain na iuuwi para sa ama. Kapalit ng paglaya ni Simeon ay ang pangakong babalik sila kasama si Benjamin. Ito ang magiging katibayan na hindi sila nagsisinungaling. Pumayag ang mga kapatid. Ito na marahil ang parusa sa kanila sa ginawa nila noon sa kapatid na si Joseph.
Narinig ni Joseph ang pinag-usapan ng mga ito at tahimik siyang umalis at napaluha.Ipinag-utos ni Joseph na punuin ang mga sako nila ng pagkain at ipasok sa loob ang pera na ipinambayad nila.

Nang makaalis ang mga kapatid ay nakita nila ang pera na ibinalik sa kanila. At sila ay natakot. Sinabi nila ang lahat ng ito kay Jacob. Muling naghinagpis si Jacob, wala na nga si Joseph pati ba si Benjamin ay mawawala rin.

Ikamamatay ko pag pati si Benjamin ay mapapahamak, sabi ni Jacob.

Nang maubos na ang pagkain na dala nila ay sinabi ni Jacob na bumalik sila sa Egypt. Pero sabi ni Judah na hindi sila makakabalik doon kung hindi nila kasama si Benjamin.

Bakit niyo kasi binanggit na may nakababata kayong kapatid, tanong ni Jacob.

Madami kasi siyang tanong tungkol sa ating pamilya at sinabi lang namin ang totoo. Hindi naman namin alam na ganito pala ang mangyayari, sagot nila.

Pasamahin niyo na sa amin si Benjamin, sabi ni Judah. Ako ang mananagot kung may mangyayari sa kanya. Dahil pag hindi kami bumalik doon ay lahat tayo mamamatay sa gutom.

Pumayag na rin si Jacob at nagpadala siya ng mga regalo at mga produkto, dinoble rin ang pera na ipinadala sa kanila.


Image and video hosting by TinyPic

Nang makita ni Joseph si Benjamin ay nagpahanda siya ng mga pagkain para mapagsaluhan nilang magkakapatid. Nang marinig ng mga kapatid niya na pinapupunta sila sa bahay ni Joseph ay natakot sila. Ipinagtapat nila ang tungkol sa pera na naibalik sa kanila.

Wag kayong matakot, ang Diyos ng inyong ama ang nagbalik ng pera sa inyo. Dahil natanggap ko naman ang ibinayaf ninyong salapi, sabi ng utusan. At pinalaya na rin nila si Simeon. Binigay nila ang kanilang pasalubong kay Joseph. Nalaman ni Joseph sa kanila na buhay at nasa maayos na lagay ang ama. Nang makaharap si Benjamin ay bigla siyang pumasok sa silid at doon lumuha.

Image and video hosting by TinyPic

Matapos makontrol ang emosyon ay sabay-sabay silang nananghalian. Ipinag-utos ni Joseph na punuin muli ng pagkain ang kanilang bag at ibalik ang pera. Ipinalagay rin ang basong pilak na pag-aari ni Joseph sa bag ni Benjamin.


Nang makaalis ang mga kapatid ay hinabol ito ng mga tauhan ni Joseph sabay sabing may ninakaw sila.

Ano ba ang ibig ninyong sabihin. Sinabi naman namin ang totoo tungkol sa perang naibalik sa amin. Hindi namin magagawang magnakaw. Kung sino man sa amin ang makitaan ng basong pilak sa loob ng kanyang bag maari ninyo siyang patayin at lahat kami ay magiging alipin, sabi ng mga kapatid ni Joseph.

Sinabi ng mga kawal na kung sino ang kumuha sa baso ang siyang maiiwan upang maging alipin at sila ay makakauwi na. Gaya ng inaasahan ay nakita nga baso sa loob ng bag ni Benjamin.
Sinabi ni Judah na lahat sila ay gawin na ring alipin dahil hindi sila babalik sa Canaan kung hindi kasama si Benjamin. Maaaring ikamatay ng ama pag hindi na nakabalik si Benjamin. Siya na ang magpapaiwan kapalit ni Benjamin dahil hindi niya kayang makita kung ano ang maaring mangyari sa amang si Jacob.


Image and video hosting by TinyPic


Hindi na mapigilan pa ni Joseph ang emosyon at ipinagtapat niya na siya ang ibenenta nilang kapatid na si Joseph. Huwag kayong matakot at sisihin ang mga sarili sa inyong ginawang pagbenta sa akin. Lahat ito ay naaayon sa plano ng Diyos. Ginawa niya akong kasangkapan upang iligtas ang mga tao mula sa gutom. Ginawa niya akong pinakamataas na opisyal ng hari. Ako na ang namamahala sa Egypt, sabi ni Joseph.

Ipinasundo ni Joseph ang amang si Jacob upang doon na manirahan sa Egypt kasama ng buong pamilya. Nagkayakapan at nagkaiyakan at nakapagpatawaran ang magkakapatid. Tuwang tuwa si Jacob sa kaalamang buhay pa pala ang anak.

Image and video hosting by TinyPic

Muling nagkita ang mag-ama. Nanirahan si Jacob at buong angkan sa Egypt nang masagana.



No comments:

Post a Comment