Friday, October 16, 2020

Mga Pelikula na Nalugi ng Ilang Million


Hellboy (2019)
Budget $50 million
$44.7 million ang kinita ng pelikula






Cats (2019)
Budget $80–100 million
$75.5 million ang kinita ng Cats. Kasama sa pelikulang ito si Taylor Swift, Jennifer Hudson at Jason Derulo.





Playmobil: The Movie (2019)
Budget $72 million
$16.3 million lang ang kinita ng pelikula





Robin Hood (2018)
Budget $100 million
$86.5 million ang kinita ng pelikula. Kasama sa pelikulang ito si Jamie Foxx at Jamie Dornan.





Monster Trucks (2017)
Budget $125 million
$64.5 million ang kinita ng pelikula.





Ben-Hur (2016)
Budget $100 million
$94.1 million ang kinita ng pelikula.





Blackhat (2015)
Budget $70 million
Kumita ang pelikula ng $19.7 million. Kasama sa pelikulang ito si Chris_Hemsworth at Tang Wei.





Jem and the Holograms (2015)
$5 million
Kahit maliit lang ang budget hindi pa rin ito nakabawi sa kitang $2.3 million.





Legends of Oz: Dorothy's Return (2014)
Budget $70 million
Kumita ito ng $21.7 million. Kasama sa nagbigay boses sa mga character nito sina Lea Michele, Dan Aykroyd at Patrick Stewart.





R.I.P.D. (2013)
Budget $130-154 million
Kumita ang pelikula ng $78.3 million. Napanood ko to, okay naman ang movie, parang Men In Black ang dating. Kasama sa pelikulang ito sina Ryan Reynolds, Jeff Bridges at Kevin Bacon.





The Oogieloves in the Big Balloon Adventure (2012)
Budget $20 million
Kumita ang pelikulang ito ng $1.1 million.





Mars Needs Moms (2011)
Budget $150 million
Kumita ang pelikulang ito ng $39.2 million.





The Nutcracker in 3D (2010)
Budget $90 million
Kumita ang pelikula ng $20.5 million. Kasama sa pelikulan ito si Elle Fanning .





Speed Racer (2008)
Budget $120 million
Kumita ang pelikula ng $93.9 million. Kasama sa movie na ito sina Christina Ricci, Ariel Winter, John Goodman, Susan Sarandon, at Korean actor/singer Rain.





Son of the Mask (2005)
Budget $84–100 million
Kumita ang pelikula ng $59.9 million.





Stealth (2005)
Budget $135 million
Kumita ang pelikula ng $79.3 million. Kasama sa movie sina Jessica Biel , Jamie Foxx , Josh Lucas at Sam Shepard.





Gigli (2003)
Budget $75.6 million
Kumita ang pelikula ng $7.3 million. Kasama sa movie sina Jennifer Lopez, Ben Afleck, Al Pacino at Christopher Walken.




The Adventures of Pluto Nash (2002)
Budget $100 million
Kumita ang pelikula ng Box office $7.1 million. Kasama sa movie sina Eddie Murphy, Randy Quaid, at Rosario Dawson.




Final Fantasy: The Spirits Within (2001)
Budget $137 million
Kumita ang pelikula ng $85.1 million.




Monkeybone (2001)
Budget $75 million
Kumita ang pelikula ng $7.6 million. Kasama sa pelikula sa Brendan Fraser, Bridget Fondam,Whoopi Goldberg at Rose McGowan.




The Adventures of Rocky & Bullwinkle (2000)
Budget $76 million
Ang pelikula ay kumita ng Budget $35.1 million.





Battlefield Earth: A Saga of the Year 3000 (2000)
Budget $73 million
Kumita ang pelikula ng $29.7 million. Kasama sa pelikulang ito sina John Travolta at Forest Whitaker.




Monday, October 12, 2020

Don't Breathe



Si Rocky, Alex, at Money ay tatlong mga pasaway ng Detroit na kumikita sa pamamagitan ng pagpasok sa mga bahay at pagnanakaw ng mga mahahalagang bagay.
Hangad ni Rocky na lumipat sa California kasama ang kanyang nakababatang kapatid na si Diddy, at makatakas mula sa kanilang mapang-abusong ina at kanyang kasintahan na alcoholic.
Pero konti lang talaga ang kinikita nila sa pagnanakaw ng gamit.
May natanggap na tip sa Money na isang tao ang may nakatagong 300,000 na cash sa kanyang bahay sa abandonadong lugar sa Detroit. Ang cash ay iniulat na isang kasunduan matapos mapatay ng isang mayamang dalaga, si Cindy Roberts, ang kanyang anak na babae sa isang aksidente sa sasakyan. Nalaman nila na ang beterano ng Gulf War na si Norman Nordstrom, ang nagmamay-ari ng bahay ay isang bulag.
Nang gabing iyon ay pinuntahan nila ang bahay at binigyan ng gamot ang asong rottweiler para sila ay makapasok sa bakuran. Si Money ay umakyat sa itaas at naglalagay ng isang bote ng pampatulog na gas sa kwarto ni Nordstrom.
Hinanap ng pangkat ang pakay ngunit hindi mahanap ang pera. Nakakita ng isang naka-lock na pinto, at inisip ni Money na ang pera ay nakatago doon at sinira ang lock. Nagising sa ingay si Nordstrom at nahuli si Money habang nakatago si Alex at Rocky. Nagising sa ingay si Nordstrom at nahuli si Money. Matapos ipilit ni Money na siya ay nag-iisa, ay pinatay siya ni Nordstrom. Si Rocky, na nagtatago sa closet, ay nakasaksi sa lalaki na nagbukas ng isang nakatagong safe upang suriin ang kanyang pera. Pagkaalis niya, binuksan ni ROcky ang safe at kinuha ang pera. Gayunpaman, nahanap ni Nordstrom ang sapatos ni Rocky at napagtanto na may kasama si Money.
Umiwas sina Rocky at Alex kay Nordstrom at pumasok sa basement. Doon nakita nila ang isang babae na nakagapos. Inihayag ng babae ang kanyang sarili na si Cindy Roberts sa pamamagitan ng pagpapakita ng news clip kung saan pinawalang-sala siya sa aksidenteng pagpatay sa anak ni Nordstrom. Pinalaya siya nina Rocky at Alex at tinangka nilang buksan ang pinto sa cellar. Pagbukas ay sinalubong sila ni Nordstrom at pinagbabaril kung saan napatay si Cindy. Nang madiskubre ni Nordstrom na si Cindy ang namatay at niyakap niya ito at naiyak siya. Si Rocky at Alex ay sumugod pabalik sa bodega ng alak habang pinatay ni Nordstrom ang mga ilaw para wala silang makita. Matapos ang habulan ay naknok-out ni Alex si Nordstrom at tumakas sila sa itaas.
Matapos harangan ang pinto sa silong, nakasalubong nila ang aso, na nagising. Tumakas sila papunta sa silid-tulugan, kung saan sila ay nakulong. Nakakatakas si Rocky sa silid sa pamamagitan ng isang bentilasyon ng tubo, habang inaatake ng aso si Alex. Bumagsak siya sa labas ng bintana papunta sa isang skylight. Nang magising si Alex ay binaril ni Nordstrom ang skylight at bumagsak sa koob ng bahay si Alex kung saan papatayin siya ni Nordstrom gamit ang gunting. Samantala, hinabol ng aso si Rocky sa mga lagusan, at siya ay nahuli ni Nordstrom.
Nagising si Rocky na nakatali sa basement. Inilalagay ni Nordstrom ang bangkay ni Cindy sa isang malaking metal box, pinunan ito ng acid, at tinakpan ng tile para maging sahig. Inihayag niya na si Cindy ay nagdadalang-tao bilang "kapalit" ng kanyang anak, ngunit hindi niya ito ginahasa. Pagkatapos ay inihanda ni Nordstrom ang gamit niya para isagawa ang artificial insemination kay ROcky,at nangangako ito na palalayain siya pagkatapos niyang bigyan siya ng isang anak. Si Alex, na nakaligtas sa pamamagitan ng pagloko kay Nordstrom upang masaksak nito ang bangkay ni Money, ang nagligtas kay Rocky, at ginapos si Nordstrom.
Sinubukan ni Rocky at Alex na umalis sa pintuan. Ngunit nakawala si Nordstrom at binaril si Alex. Tumakas si Rocky habang hinahabol ng aso. Nagawa niyang bitagin ang aso sa kanyang trunk sa kotse ngunit nahuli siyang muli ni Nordstrom. Sa loob ng kanyang bahay, isi-net ni Rocky ang alarm at gumawa ito ng ingay na naging dahilan ng pagkabakisa ni Nordstrom, pagkatapos ay paulit-ulit na hinampas siya ni Rocky sa ulo ng isang baril at itinulak siya sa silong. Ang baril ay pumutok sa kanyang tagiliran nang siya ay nahulog. Sa paniniwalang patay na siya, nakatakas si Rocky bago dumating ang pulisya.
Bago sumakay sa isang tren patungong Los Angeles, sina Rocky at Diddy ay nakita niya sa tv ang ulat tungkol sa insidente. Si Nordstrom, na nagpapagaling sa isang ospital, at naiulat na pumatay sa dalawang nagtangkang magnakaw (Alex at Money) bilang pagtatanggol sa sarili. Hindi niya binanggit si Rocky o ang nawawalang pera. Sumakay sina Rocky at Diddy sa tren at umalis.


Cast
Jane Levy as Roxanne / "Rocky"

Stephen Lang as Norman Nordstrom / "The Blind Man

Dylan Minnette as Alex


Daniel Zovatto as Money

Sunday, October 11, 2020

Metamorphosis



Nagsimula ang pelikula sa isang exorcism na eksena kung saan ang paring si Joong-Soo ay hindi nagtagumpay sa pagpapaalis sa demonyo sa katawan ng isang babae. Namatay ang babae sa pagkakahulog sa bintana pero bago ito ay binantaan ng demonyo ang pari na wawasakin nito ang buhay niya at ng kanyang pamilya at kinagat niya sa kamay si Joong-so.
Naging usap-usapan sa kanilang lugar ang nangyari na namatay daw ang babae dahil sa kagagawan ng pari. At dahil dito ay lumipat ng tirahan ang kapatid ni Joong-soo na si Gang-Goo at ang asawa nitong si Myung-Joo kasama ang tatlo nilang anak na si Sun-woo, Hyun-joo at Woo-jong.
Kakaiba ang kinikilos ng kanilang bagong kapitbahay. Nag-iingay ito sa gabi at hindi makatulog ang pamilya. Napilitan si Gang-goo na sugurin ito matapos makita ang hindi maayos na pag-park ng sasakyan nito sa tapat nila at sinira pa nito ang upuan ng kanilang anak. Nagulat si Gang-goo sa kanyang nakita sa loob ng bahay ng kapitbahay. Puro patay na mga hayop ang nakasabit dito at mga baliktad na krus. Nang gabing iyon muli na namang nag-ingay ang kapitbahay kaya tumawag na sila ng pulis. Nagtaka si Gang-goo dahil biglang naging malinis at nawala ang mga naksabit sa bahay nito matapos nilang pasukin ito.
Dito na nagsimula ang lahat ng pagbabago sa kanilang pamilya. Ang demonyo ay nagbago ng anyo at ginagaya ang bawat isa sa kanila. Isang kunwaring Gang-goo ang nagsalita ng kakaiba kay Hyun-joo sa kanyang kwarto. Isang Myung-joo naman ang kumilos ng kakaiba sa umaga habang nag-luluto. Isang kunwaring Hyun-joo naman ang nagsabi kay Sun-woo na patayin niya ang kanyang pamilya. Sinugod ni Swun-woo si Hyun-joo sa kwarto nito dahil dito at nakita nila ang kunwaring Gang-goo na galit na galit at itinapon si Sun-woo sa hagdan. Kumuha ito ng martilyo para pukpukin si Hyun-joo ngunit dumating ang totoong Gang-goo. Takot na takot ang magkapatid ng biglang dumating ang kunwaring Myung-joo at pukpukin ng martilyo sa kamay si Gang-goo. Pumasok ito sa kwarto at ng dumating ang totoong Myung-joo ay doon nila nadiskubre na pinaglaruan sila ng demonyo.
Humingi sila ng tulong kay Joong-soo at tinawag ni Joong-soo ang isang pari mula sa Pilipinas para gumawa ng exorcism. Ayaw na kasi ni Joong-soo na magsagawa nito dahil sa pagkamatay ng babae sa unang eksena.
Naaksidente si Jong-soo at ang mga kasamahan nito. Napatay at sinunog naman si Hyun-joo. Si Sun-woo ay pinaghahampas ng kunwaring Joong-soo at si Myung-joo ay nawalan ng malay matapos itulak ni Gang-goo sa pag-aakalang isa itong demonyo. Dumating ang totoong Jong-soo at gumawa ng panalangin na hinihiling na pumasok sa katawan niya ang demonyo at gamitin ang katawan niya para wakasan ang paghahari ng lagim nito. Nang sumanib ito sa katawan niya, kinuha ni Joong-soo ang krus at pinatulis. Humingi siya ng tulong kay Gang-goo pero nag-aalinlangan ito ngunit si Joong-soo na mismo ang gumawa ng paraan para masaksak ang katawan niya ng krus. Dahil dito ay namatay ang demonyo at pati na rin si Jong-soo.

Cast

Bae Sung-Woo as Joong-Soo



Sung Dong-Il as Gang-Goo



Jang Young-Nam as Myung-Joo



Kim Hye-Jun as Sun-Woo



Cho Yi-Hyun as Hyun-Joo



Kim Kang-Hoon as Woo-Jong