Usapan lang ng magkaibigan ang naganap ngunit dahil sa tsismoso natanggal sila. Maling-mali ang ginawang ito ng ABS-CBN pwede naman silang pagsabihan pero ang tanggalin sa trabaho sa ganitong klaseng pagkakamali ay masyadong hindi makatao.
Tinaguriang Covid Exorcist sa India Patay sa Coronavirus Patay ang tinaguriang holy man sa India na nagsasabing siya ay gumagawa ng exorcism sa mga taong may coronavirus sa pamamagitan ng paghalik sa mga kamay nito. Dahil sa kanyang mga aktibidad ay nahawaan niya ng covid ang 20 katao. Mula sa Ratlam sa Madhya Pradesh, ang holy man daw ay hahalik sa mga kamay ng kanyang mga deboto at sinasabi sa kanila na aalisin ang kanilang mga problema sa buhay.
Sinabi rin daw nito na ang kanyang mga halik na tinaguriang panglunas ay mabisa rin sa mga infected ng coronavirus - kahit na ang virus ay kumakalat at nakakahawa sa pamamagitan ng mga droplet mula sa bibig o ilong. Ayon sa mga health officials ang manggagamot ay nahawaan mismo ng coronavirus at lumabas ag positibong resulta nitong June 3 lamang at namatay kinabukasan. Sinimulan ang contact tracing mga mga posibleng nakasalamuha ng lalaki at kumuha ng 40 swab samples para ma-identify ang posible pang mga kaso. 20 katao ang nagpositibo kabilang na ang 7 member ng kanyang pamilya. Nagbigay ng babala ang swab collector na huwag maniniwala sa mga sabi-sabi at masyado itong delikado. Kinilala ng health administration ang iba pang 29 katao nga sumailalim din sa coronavirus exorcism at sila ay isinailalim sa quarantine. Simula ng pinagaan ang lockdown ay lalo pang dumami ang coronavirus sa India na may halos 10000 bagong kaso na naitala. Ang mga hospital ay nanatiling puno ng Covid-19 patients sa mga lubhang tinamaan na siyudad ng Mumbai, New Delhi and Chennai. Sinasabing mas mataas pa ang bilang ng infection dahil sa limitadong test sa bansa.
Isang ina ang inaresto matapos ang alegasyon ng panloloko sa pagagamit diumano ng charity money para iparetoke ang kanyang dibdib at bumili ng bagong kotse na nakalaan sana sa kanyang anak na maysakit.
Ang 29-taong-gulang na si Natalie Webster mula sa Derby, United Kingdom ay may isang sanggol na may problema sa puso, ayon sa The Sun. Inaresto siya ng pulisya noong Linggo, Hunyo 7, ngunit pinalaya habang patuloy ang imbestigasyon. Ang fundraiser para sa bata ay nakalikom ng 10,000 pounds (higit sa P630,000), ngunit 4,200 pounds (mahigit P265,000) ang naiulat na ibinigay sa Heart Link Children’s Charity. Ayon sa isang donor, ang alam niya ay hirap sa pera si Natalie kaya nakakatawa daw at bigla na lang itong nagpaayos ng dibdib at bumili ng bagong kotse. Gusto rin ng donor na bawiin ang kanyang 135-pound (higit sa P8,500) na donasyon.
Ang mga galit na donor ng fundraiser ay nagtipon sa labas ng bahay ni Webster matapos na marinig ang tungkol sa diumano’y "scam." Ayon sa ulat, nag-set up ng isang raffle si Webster matapos magkaroon ng operasyon sa puso ang kanyang anak. Lumikha din siya ng isang page sa GoFundMe na deactivated na nagyon para sa kanyang anak. Ayon sa kapitbahay ni Natalie ay nagkagulo daw at pinagkakakatok ang pintuan at bintana ng bahay ni Natalie para ito ay mapalabas. Mabuti na lang daw at dumating ang mga pulis at naagapan ang posibleng riot.
Si Andrea Emilova Ivanova, mula sa Sofia, Bulgaria ay nakaubos na ng ilang daang libo para sa pagpapalaki ng kanyang labi. Tinaguriang real-life Barbie ang 22 anyos na nagsimulang baguhin ang kanyang anyo taong 2018, na nagsabing nagbayad ng £135 bawat pagbisita sa clinic na ngayon ay hindi na niya mabilang kung magkano na lahat ang kanyang nagastos sa nagdaang mga taon.
Ayon sa kanya ay gustong-gusto daw niya ang kanyang lips kahit na nahihirapan siyang kumain matapos ang bawat procedures. Sabi ng mga doktor ay tama na daw ito ngunit nais pa rin niyang padagdagan ang kapal ng kanyang labi. Lahat na man daw ay pwede niyang kainin at wala na man daw bawal at iniisip niyang isa na nga siya sa may pinakamalaking labi sa mundo. 15 beses daw siyang nagpaturok noong 2019 sa kanyang labi para mas maging fashionable daw siya. Nabisita na daw niya halos lahat ng clinics para sa aesthetic procedures sa Sofia at dumaan na daw sa ilang klase ng lip fillers ang kanyang mga labi. Marami daw siyang mag papuring komento na natanggap online at marami rin daw ang nagproposed na mga online admirers, ngunit marami rin daw siyang negative comments na karamihan ay mula sa mga kababaihan. Hindi daw importante sa kanya ang opinion ng iba at ang mahalaga ay masaya siya sa kanyang labi. Hindi daw siya addict sa lip fillers at wala rin daw siyang celebrity na ginagaya.
Inagaw ng mga unggoy mula sa isang healthworker sa India ang mga dala nitong blood samples ng coronavirus test na nagdulot ng pagkabahala ng mga tao sa maaring pagkalat ng sakit. Matapos makuha ang 3 samples ay nagsi-akyatan sa puno ang mga unggoy upang subukang nguyain ang mga ito.
Mabuti na lang at nabawi ang mga sample na walang mga damaged ayon kay Dheeraj Raj, isang Meerut medical college superintendent. Intact pa rin daw ito at walang posibleng kontaminasyon o panganib ang pwedeng mangyari. Sinabi niya na ang tatlong sample na ito ay mula sa mga taong nagpatest uli sa virus.
May mga hayop na nakitaan ng coronavirus ngunit wala pang kompirmasyong kung maari bang mapasa ang coronavirus ng mga hayop sa tao.
Ang Cafe na ito ay ang Izu Shaboten Zoo na pansamantalang isinara dahil sa coronavirus pandemic ay muling nagbukas noong May 16. Bilang paghahanda ay nilagyan nila ito ng mga stuff toys at inadjust ang table layout para mapanatili ang distancing ng mga customers. Sinigurado rin nila na ang mga stuff toys na nilagay kabilang na ang mga mesa at upuan ay naka-disinfect.
Korean Actor Singer Ginawang Model ng Sanitary Napkin
Marami na nga ang nahuhumaling sa gwapong mukha ng Astro Member na si Cha Eun Woo at sa dami ng fans niya na babae ay ginawa na siyang model ng isang produkto na babae lamang ang gumagamit. Bilang model ng Secret Day Napkin sa Korea si Cha Eun Woo ay inihalintulad bilang isang boyfriend material para sa mga kababaihan- mabait, gwapo at considerate at thoughtful. Ngunit ang paggamit ng isang lalaki para iendorsyo ang isang pambabaeng produkto ay hindi nagustuhan ng ilang k-netizens. Mas mabuti pa daw na ibaba na lang nila ang presyo ng napkin para gawing pang-engganyo sa mga kababaihan na bumili kesa gamitin ang gwapong mukha ni Cha Eun Woo. Sana hindi na lang daw sila gumamit ng mga kahit sinong celebrity para makabawas sa expenses at pababain ang presyo. Tama naman ang mga sinabi ng mga netizens ngunit ang paggamit ng isang model para sa produkto ay isa pa rin sa dahilan kung bakit ito napapansin at nakikilala ang brand. Ngunit kapag sikat na ang isang produkto ay dapat na siguro itong huwag na gumamit ng mga endorser upang mkatipid sa expenses at mabawasan ang presyo ng produkto.
Si Cha Eun Woo ay isa mga member ng Kpop Idol na Astro na dati na ring ginawang model ng Secret Day. Isa si Cha Eun Woo sa may pinakagwapong mukha ngayon sa hanay ng mga celebrity sa Korea. Sa tingin ko nga ay siya ang pinakagwapo ngayon sa mga baguhang aktor.