Tuesday, June 2, 2020

Mga Unggoy Ninakaw ang mga Covid-19 Test Samples









Inagaw ng mga unggoy mula sa isang healthworker sa India ang mga dala nitong blood samples ng coronavirus test na nagdulot ng pagkabahala ng mga tao sa maaring pagkalat ng sakit.

Matapos makuha ang 3 samples ay nagsi-akyatan sa puno ang mga unggoy upang subukang nguyain ang mga ito.



Mabuti na lang at nabawi ang mga sample na walang mga damaged ayon kay Dheeraj Raj, isang Meerut medical college superintendent.

Intact pa rin daw ito at walang posibleng kontaminasyon o panganib ang pwedeng mangyari. Sinabi niya na ang tatlong sample na ito ay mula sa mga taong nagpatest uli sa virus.




May mga hayop na nakitaan ng coronavirus ngunit wala pang kompirmasyong kung maari bang mapasa ang coronavirus ng mga hayop sa tao.


No comments:

Post a Comment