Tinaguriang Covid Exorcist sa India Patay sa Coronavirus
Patay ang tinaguriang holy man sa India na nagsasabing siya ay gumagawa ng exorcism sa mga taong may coronavirus sa pamamagitan ng paghalik sa mga kamay nito. Dahil sa kanyang mga aktibidad ay nahawaan niya ng covid ang 20 katao.
Mula sa Ratlam sa Madhya Pradesh, ang holy man daw ay hahalik sa mga kamay ng kanyang mga deboto at sinasabi sa kanila na aalisin ang kanilang mga problema sa buhay.
Sinabi rin daw nito na ang kanyang mga halik na tinaguriang panglunas ay mabisa rin sa mga infected ng coronavirus - kahit na ang virus ay kumakalat at nakakahawa sa pamamagitan ng mga droplet mula sa bibig o ilong.
Ayon sa mga health officials ang manggagamot ay nahawaan mismo ng coronavirus at lumabas ag positibong resulta nitong June 3 lamang at namatay kinabukasan.
Sinimulan ang contact tracing mga mga posibleng nakasalamuha ng lalaki at kumuha ng 40 swab samples para ma-identify ang posible pang mga kaso.
20 katao ang nagpositibo kabilang na ang 7 member ng kanyang pamilya.
Nagbigay ng babala ang swab collector na huwag maniniwala sa mga sabi-sabi at masyado itong delikado.
Kinilala ng health administration ang iba pang 29 katao nga sumailalim din sa coronavirus exorcism at sila ay isinailalim sa quarantine.
Simula ng pinagaan ang lockdown ay lalo pang dumami ang coronavirus sa India na may halos 10000 bagong kaso na naitala.
Ang mga hospital ay nanatiling puno ng Covid-19 patients sa mga lubhang tinamaan na siyudad ng Mumbai, New Delhi and Chennai.
Sinasabing mas mataas pa ang bilang ng infection dahil sa limitadong test sa bansa.
No comments:
Post a Comment