Tuesday, June 9, 2020

Si Andrea Ivanova Na Nga Ba Ang May Pinakamalaking Labi sa Mundo?







Si Andrea Emilova Ivanova, mula sa Sofia, Bulgaria ay nakaubos na ng ilang daang libo para sa pagpapalaki ng kanyang labi.

Tinaguriang real-life Barbie ang 22 anyos na nagsimulang baguhin ang kanyang anyo taong 2018, na nagsabing nagbayad ng £135 bawat pagbisita sa clinic na ngayon ay hindi na niya mabilang kung magkano na lahat ang kanyang nagastos sa nagdaang mga taon.



Ayon sa kanya ay gustong-gusto daw niya ang kanyang lips kahit na nahihirapan siyang kumain matapos ang bawat procedures. Sabi ng mga doktor ay tama na daw ito ngunit nais pa rin niyang padagdagan ang kapal ng kanyang labi. Lahat na man daw ay pwede niyang kainin at wala na man daw bawal at iniisip niyang isa na nga siya sa may pinakamalaking labi sa mundo.

15 beses daw siyang nagpaturok noong 2019 sa kanyang labi para mas maging fashionable daw siya.

Nabisita na daw niya halos lahat ng clinics para sa aesthetic procedures sa Sofia at dumaan na daw sa ilang klase ng lip fillers ang kanyang mga labi.

Marami daw siyang mag papuring komento na natanggap online at marami rin daw ang nagproposed na mga online admirers, ngunit marami rin daw siyang negative comments na karamihan ay mula sa mga kababaihan.

Hindi daw importante sa kanya ang opinion ng iba at ang mahalaga ay masaya siya sa kanyang labi.

Hindi daw siya addict sa lip fillers at wala rin daw siyang celebrity na ginagaya.







No comments:

Post a Comment