Isang ina ang inaresto matapos ang alegasyon ng panloloko sa pagagamit diumano ng charity money para iparetoke ang kanyang dibdib at bumili ng bagong kotse na nakalaan sana sa kanyang anak na maysakit.
Ang 29-taong-gulang na si Natalie Webster mula sa Derby, United Kingdom ay may isang sanggol na may problema sa puso, ayon sa The Sun. Inaresto siya ng pulisya noong Linggo, Hunyo 7, ngunit pinalaya habang patuloy ang imbestigasyon.
Ang fundraiser para sa bata ay nakalikom ng 10,000 pounds (higit sa P630,000), ngunit 4,200 pounds (mahigit P265,000) ang naiulat na ibinigay sa Heart Link Children’s Charity.
Ayon sa isang donor, ang alam niya ay hirap sa pera si Natalie kaya nakakatawa daw at bigla na lang itong nagpaayos ng dibdib at bumili ng bagong kotse. Gusto rin ng donor na bawiin ang kanyang 135-pound (higit sa P8,500) na donasyon.
Ang mga galit na donor ng fundraiser ay nagtipon sa labas ng bahay ni Webster matapos na marinig ang tungkol sa diumano’y "scam." Ayon sa ulat, nag-set up ng isang raffle si Webster matapos magkaroon ng operasyon sa puso ang kanyang anak. Lumikha din siya ng isang page sa GoFundMe na deactivated na nagyon para sa kanyang anak.
Ayon sa kapitbahay ni Natalie ay nagkagulo daw at pinagkakakatok ang pintuan at bintana ng bahay ni Natalie para ito ay mapalabas. Mabuti na lang daw at dumating ang mga pulis at naagapan ang posibleng riot.
No comments:
Post a Comment