Thursday, September 8, 2016

Mga Totoong Kwento na Puno ng Misteryo

Image and video hosting by TinyPic
Dyatlov Pass Incident
9 hikers ang namatay sa northern Ural Mountains noong February 2, 1959. Sinasabing 6 ang namatay sanhi ng hypothermia, pero may indikasyon ang ibang kasamahan nito na sumailalim sila sa pisikal trauma. Isa sa mga biktima ay nagtamo ng fractured skull samantalang ang isa naman ay may brain damage. Isang babae naman ay putol ang dila. May mga usaping may kinalaman daw ang UFO at may government cover-up daw naganap. Ilan namang haka-haka ay yeti daw ang pumatay sa mga biktima.




Image and video hosting by TinyPic
Pag-ulan ng karne sa Kentucky
Noong 1876 bumuka ang ulap at umulan ng karne sa Bath County, Kentucky. Ayon sa dalawang lalaki na nakakain ng umuulan na karne lasang karne ng tupa daw ito.




Image and video hosting by TinyPic
The Man in the Iron Mask
Marahil ay narinig niyo na ang istorya tungkol dito sa mga pelikula at librong nababasa ninyo. Pero totoo talagang may man on the iron mask 3 century na ang nagdaan. Nananatiling palaisipan pa rin sa atin kung totoong identity ng lalaking ikinulong at pinagsuot ng maskara.




Image and video hosting by TinyPic
The Hinterkaifeck murders
Ang mga pangyayari sa kasong ito ay pawang sangkap ng isang horror na pelikula. Isang nakakatakot na bahay sa probinsiya na balitang haunted daw. Dito ay may maririnig ka daw na tila naglalakad sa attic at ang buong pamilya na nakatira dito ay pinatay ng hindi pa nakikilalang salarin.




Image and video hosting by TinyPic
The Original Night Stalker
Kilala rin sa tawag na Golden state killer at East Area Rapist, siya ay nagdala ng takot sa mga resident ng California’s Sacramento County. 120 bahay ang nilooban, 45 ang narape at nakapatay ng 12, ilan lamang sa mga kasong naikabit dito. Kadalasan ay tumatawag ito sa kanyang mga biktima upang sila ay kutyain. Pinaniniwalaang buhay pa ang salarin hanggang ngayon at siya ay pinaghahanap pa rin ng FBI.




Image and video hosting by TinyPic
Ang ugong (hum)
Maraming ang nagsasabi na nakakarinig daw sila ng ugong na hindi nila alam ang pinangggalingan. Maririnig ang ugong na ito sa ibat ibang bahagi ng mundo na kadalasan ay sa UK at New Zealand.




Image and video hosting by TinyPic
The Mary Celeste
Isa sa kilalang ghost ship ang Mary Celeste- muling nakita ang Mary Celeste ngunit hindi na matagpuan ang mga crew at pasahero nito. Natagpuan ang abandonadong barko na nasa maayos na kondisyon sa Portugal.




Image and video hosting by TinyPic
D.B. Cooper
Taong 1971, isang lalaking nakaitim ang sumakay sa pampasaherong eroplano papuntang Seattle, Washington. Nang makalipad na ang eroplano, nag-abot ng sulat ang lalaki sa flight attendant, nagsasaad dito na humihingi siya ng $200,000 at 4 na parachutes. Nang maibigay ang demands ng hijacker, inutusan nito ang piloto na pumunta sa Mexico City. Hindi pa man sila umabot ng Mexico ay tumalon na ang lalaki mula sa eroplano gamit ang parachute. Hindi na kailanman natagpuan ang lalaki.




 photo crazy_unresolved_mysteries_that_are_totally_true_640_13_zpsnv3csh5t.jpg
The Tunguska event
Isang malaking pagsabog ang yumanig sa ilang na bahagi ng Russia noong June 30, 1908. May 35 milya ang layo nito sa karatig na bayan, pero ramdam pa rin ang yanig nito at nagsi-basagan ang mga bintana. Kung ikukumpara daw ito ay higit na 85 times na mas malakas daw ito sa atomic bomb ng Hiroshima, at pumutol ito ng mga 80 million na puno. Pinaniniwalaang asteriod daw ang sanhi nito pero wala na man silang nakitang lubak sa pinangyarihan.




 photo crazy_unresolved_mysteries_that_are_totally_true_640_14_zpsv2vsjv5a.jpg
Cicada 3301
Ito ay isang online internet puzzle na hindi alam kung sino ang may gawa. Nagsimula ito taong 2012. Marami ang nagsasabing recruitment tactic ito ng CIA o di kaya'y ng mga illegal hackers.




 photo crazy_unresolved_mysteries_that_are_totally_true_640_15_zpsgcf8ssfi.jpg
Mga batang kulay berde sa Woolpit
Noong 12th century, sa nayon ng Suffolk, UK, ay may bumisitang 2 batang kulay berde ang balat. Beans lang ang kanilang kinakain. Kakaiba at hindi maintindihan ang pananalita ng mga ito at sinasabing sila ay mga laman lupa na kung saan sa mundo nila ay mga berdeng tao ang naninirahan. Kalaunan ay natuto na rin silang kumain ng normal at naging normal ang kulay. Pero nang binyagan sila ay agad na namatay ang batang lalaki. Lumaki ang babae at kalaunan ay nakapag-asawa ito.





Sunday, September 4, 2016

Master's Sun Episode 4



Kinaumagahan ay nagising si Gongshil na katabi at kahawak kamay si Joongwon.
 photo master4-00008a.jpg
Natawa si Gongshil sa kanyang sarili. Ganoon na lang ba talaga siya kadesperado na makasiping si Joongwon at napapanaginipan niya pa ito. Dapat ay samantalahin na niya ito lalo pa at nananaginip lamang siya.

 photo master4-00011.jpg

Biglang nagising si Joongwon at kinukumpirma kung si Gongshil na ba ang kaharap niya. Matulog muna tayo ayoko pang gumising, sabi ni Gongshil. Ikaw nga ba talaga si Gongshil, tanong ni Joongwon. Oo nga di ba panaginip lang ito, sagot ni Gongshil.

 photo master4-00012.jpg

Hindi ka nananaginip, teka hindi ka man lang nagulat kung bakit nandito ka sa bahay ko, sabi ni Joongwon. Ang sagot ni Gongshil ay sanay na siya na kung minsan ay nagigising siya sa ibang lugar. Naranasan nga niyang magising sa isang sementeryo. Bakit concern ba si Joongwon sa kanya? "Ang concern ko ay yung mga taong nagugulat dahil sa mga pinaggagawa mo", sabi ni Joongwon.

Hindi lang pala iisa ang sumanib kay Gongshil kagabi kundi may iba pa at kabilang na ang isang aso na kinagat pa ang unan ni Joongwon na ngayon ay sira na. Paliwanag ng dalaga na ganyan talaga ang nangyayari kapag di niya kontrolado ang kanyang isip, sinasaniban siya. Pero okay daw talaga kagabi dahil nakatulog daw siya ng mahimbing dahil katabi niya si Joongwon.

 photo master4-00070.jpg

Naalala ni Gongshil na bago siya mawalan ng ulirat ay nakita niya si Heejo.

Kagabi ay nakapag-usap si Joongwon at Heejo gamit ang katawan ni Gongshil.

"Alam kung malaki ang galit mo sa akin" sabi ni Heejo.

"Oo dahil namatay ka kaya hindi ka nakapagbayad sa mga kasalanan mo, at hindi ko rin masabi sa kanila kung ano ka talaga at kung paano mo ako niloko. Ang ginawa mo lang ay mamatay at palabasing isinumpa mo ako" sabi ni Joongwon.

"Hindi kita niloko, talagang minahal kita. Sana ay bumalik na ang dating Joongwon na nakilala ko", sabi ni Heejo.

"Kakalimutan ko ang lahat kung sasabihin mo kung sino ang mga kasabwat mo" saad ni Joongwon.

Napaiyak si Heejo at hinawakan ang mukha ni Joongwon. Ito ang dahilan kung bakit napaalis ang kaluluwa nito sa katawan ni Gongshil. Pero bago ito tuluyang umalis ay sinabi nito na mahal niya si Joongwon.
 photo master4-00097.jpg

 photo master4-00094.jpg

 photo master4-00095.jpg

Nawalan ng malay ang katawan ni Gongshil ay napayakap sa dibdib ni Joongwon.

Hindi sinabi ni Joongwon ang napagusapan nila ni Heejo. Pero may naisip na siya kung paano magkakaroon ng silbi si Gongshil. At nagkakahalaga ito ng 10 billion won. Dahil si Gongshil lang naman ang pwedeng kumontak kay Heejo gusto niya na alamin ni Gongshil kung saan dinala ni Heejo ang ransom money sa pagkidnap sa kanya.

"So ipapahiram mo ang katawan mo, kapalit ng pera", tanong ni Gongshil.

Iniexplain ni Joongwon na magiging mutually beneficial ito sa kanilang dalawa. Hahayaan niyang hawakan siya ni Gongshil kapalit na magiging radar siya nito mula kay Heejo. Nagustuhan ni Gongshil ang idea at pumayag ito. Nagsuggest si Gongshil na dapat ay maging secretary siya nito para madali siyang malapitan ni Gongshil. Ayaw ito ni Joongwon, hindi pasado ang itsura ni Gongshil na maging secretary niya. Ipagpatuloy na lang niya ang pagiging janitress.

Hiningi ni Gongshil ang number ni Joongwon. Totoo nga ba talaga na 10 billion won ang halaga ni Joongwon. Sa pagkaalala ni Joongwon mas mataas na ngayon ang value niya kumpara noon. Sabi ni Gongshil siya man daw ay nagkakahalaga ng 100 billion won. Ito daw kasi ang nagastos nila sa pagpapagamot sa kanya ng maaksidente siya. Nahihiya nga siya sa kapatid na naubos ang savings, at ito pa siya naging weirdo pa. Kaya nga ang saya niya ng makilala niya si Joongwon.

Naawa naman ng bahagya si Joongwon sa kanya kaya ibinigay niya ang totoong number niya sa dalaga. At sinabing wag na wag siyang itetext dahil kahit kailan ay hindi niya ito babasahin.

Napag-usapan ni Aunt Joo at Uncle VP ang tungkol sa babaeng sumira sa kasal ni Yi-ryung. Sabi ni VP na may tsismis sa kumpanya na secret girlfriend daw ni Joongwon itong si Gongshil. Pero ayaw paniwalaan ni Aunt Joo ito. Bigla na lang ay nakita ni Uncle VP na lumabas si Gongshil sa bahay ni Joongwon. Nang kalabitin niya si AUnt Joo para makita it ay nawala na si Gongshil. Totoo nga kaya ang tsismis tungkol sa dalawa.

Samantala sa isang salon ay nakita ni Yi-ryung ang kasamahang artista na nagfeeling na maganda siya pero di niya alam ay may kung anong maligno ang bumubulong na tila sinusulsulan siya. Sabi ni Yi-ryung na mas maganda pa siya dito ng marinig ito ng maligno ay lumipat ito sa kanya at siya naman ang binubulungan nito sa kanyang subconscious.

 photo master4-00169.jpg

Ibinubulong nito na siya talaga ang pinakamaganda.

Hinahanap ni Kangwoo si Gongshil pero hindi niya ito makita dahil hindi naman umuwi si Gongshil kagabi. Pinasok ni Kangwoo ang kwarto ni Gongshil. Nakita niya ang mga pictures at achievements nito, at naggraduate pa ito sa isang prestigious na university. Nagtaka siya kung bakit namumuhay ng ganito si Gongshil kahit na mataas na man pala ang pinag aralan nito. Kinuhaan niya ng larawan ang mga gamit ni Gongshil.

Paglabas ni Kangwoo sa kwarto ay nakita niya ang dalawang bata.

 photo master4-00175.jpg

Masama ang tingin nito sa kanya kaya sinabi niya na may gusto siya kay Gongshil kaya pumasok siya sa kwarto nito. Inalok niya rin ang mga bata ng ice cream.

Nakasalubong ni Gongshil ang mga bata na kumakain na ng ice crem. Binigyan nila si Gongshil at sinabihan na may gusto daw si Kangwoo sa kanya. Naniwala na man si Gongshil at nang makita niya si Kangwoo ay halatang kinikilig siya.

Sa trabaho nabalitaan ni Joongwoon na aattend ang may ari ng Giant Mall sa gaganapin na charity event ng Kingdom Mall. Panigurado ni Joongwon na may pinaplano ang karibal sa negosyo.

 photo master4-00223.jpg

Isang security personnel ang gustong mapalapit ky Gongshil sa akalang may relasyon sila ni Joongwon. Pag malapit daw siya dito ay baka bumango ang tingin ni Joongwon sa kanya at mapromote pa siya. Pinatawag siya ni Uncle VP para tanungin ang nalalaman niya sa tsismis. Pinayuhan pa siya nito na ipagpatuloy ang pagkakalat nito. Para sa kanya ay katawa-tawa na mainvolved si Joongwon sa isang janitress, at nag-eenjoy siya dito.

Si Yi-ryung naman ay busy sa paghahanap ng isusuot sa charity event. Dahil sa multong bakla naglalaro sa subconscious niya ay nakita niya sa closet ang dating Yi-ryung, noong hindi pa siya maganda at popular.

 photo master4-00238.jpg

 photo master4-00239.jpg

Nakita niyang sinsaksak nito ang picture ni Gongshil. Napasigaw siya at nagising mula sa isang panaginip. Naiisip niyang baka hanggang ngayon ay may inferiority complex pa rin siya kay Gongshil. Kailangan niya itong harapin upang ipamukha na mas mataas na ang status niya ngayon.

Suot ang katatawang damit ay nagpunta siya sa mall upang makausap si Gongshil.

 photo master4-00260.jpg

Nakita ni Gongshil ang multong bakla sa tabi ni Yi-ryung kaya nagmamadali siyang makalayo dito nang tangkain siyang kausapin ni Yi-ryung. Nakita ni Kangwoo ang mga pangyayari at nilapitan si Yi-ryung. Magkakilala din pala si Kangwoo at Gongshil kaya plano ni Yi-ryung imbitahan si Kangwoo na kumain para makahingi ng impormasyon kay Gongshil. Tumanggi si Kangwoo. Pero chance na raw ito ni Kangwoo na makasabay kumanin ang isang magandang babae, sabi ni Yi-ryung. Hindi ako nagagandahan sayo, sagot ni Kangwoo sabay alis. Inis na inis si Yi-ryung, bagay lang magsama si Kangwoo at Gongshil pareho silang mga hampas lupa.

Nagmamadaling pumunta si Gongshil sa opisina ni Kangwoo. Alam niyang nakita ni Kangwoo ang mga pangyayari. Baka hindi na siya magustuhan nito dahil ang weird niya. Pinapalabas ni Joongwon si Gongshi, pero ayaw nito. Nahihiya daw siyang lumabasdahil kay Yi-ryung at Kangwoo.
"Ah marunong ka na palang mahiya ngayon, Congrats naman sayo, sabi ni Joongwon.

Dali dali siyang pinalabas nito.

Sa uwian, walang kaalam alam si Gongshil na sinusundan siya ni Kangwoo at inoobserbahan ito.
 photo master4-00302.jpg

Nakita niya na tila may kinakausap ito sa daan at imbes na magpatuloy ay nag-iba ito ng routa. Nagtaka si Kangwoo dahil mas pinili ni Gongshil ang mahabang routa kesa sa shortcut. Ano ba ang kinatatakutan at iniiwasan nito.

Pagdating ni Gongshil sa apartment ay tinanong niya ang bantay kung namatay na ba ang matanda sa tindahan sa labas. At kumpirmadong patay na nga ito. Inutusan siya ng bantay na itapon ang mga basura. Sinabi niyang magbibihis muna siya. Narinig ni Kangwoo ang utos kay Gongshil at nagdesisyon siyang siya na ang magtapon ng mga basura. Pagbaba ni Gongshil ay wala ng laman ang mga basurahan. Buti na lang at maaga siyang makakapagpahinga.

Napanaginipan na naman ni Yi-ryung na ikinukumpara ang dating siya kay Gongshil kung saan little sun lang daw siya at big sun daw si Gongshil. Nang magising ay sinabihan niya ang assistant na magpa appointment sa doktor at magpaparetoke daw siya. Dahil ito sa sulsol na naman ng multong bakla sa kaisipan niya.

 photo master4-00328.jpg

Kinaumagahan hindi nakatulog ng maayos si Gongshil dahil sa pangungulit ng multo may ari ng tindahan. Pinuntahan niya sa opisina si Joongwon at nakiusap na doon muna siya matutulog. Pero ayaw pumayag ng binata. Bago muna mangyari iyon ay kailangang makausap muna niyang muli si Heejo. Hindi alam ni Gongshil kung saan mahahanap si Heejo kaya nagtanong siya kay Sec Kim tungkol dito. Sinabi ni Sec Kim ang buong kwento sa kanya.

Sabay daw na kinidnap si Heejo at Joongwon. At ang hinihingi daw nito na ransom ay isang diamond necklace na pag-aari ng ina ni Joongwon. Nang maibigay na ang ransom ay pinakawalan daw si Joongwon maliban kay Heejo. Nagkahabulan ang mga kidnapper at pulis. Nabangga ang sasakyan ng kidnapper, nakatakas ito ngunit naiwan si Heejo sa sasakyan, nasunog ito at sumabog. Hindi na nailigtas pa si Heejo. '

Dumating si Yi-ryung sa mall na napakaweird ang ayos. Para daw siyang aso ayon kay Joongwon. Biglang naalala ni Joongwon ang sinabi ni Gongshil na may kung ano daw sa tabi ni Yiryung.

Nagdinner si Joongwon kasama ang aunt Joo niya at ang asawa nitong VP. Tinanong siya ni auntie tungkol kay Gongshil.
Baka kaya sila close ay dahil sa ito ang naglilinis ng opisina at bahay niya, sabat ni uncle VP.

"Oo gusto ko nga na palagi siyang kasama pero hindi para maglinis, alam ko kung anong iniisip ninyo pero mas ikakagulat ninyo kung malalaman niyo ang totoong dahilan" sabi ni Joongwon.

"May plano ka bang pakasalan siya" tanong ni Auntie Joo.

"Wala, katawan ko lang naman ang kailangan niya". May kasunduan na kami sa mga bagay na yun, sagot ni Joongwon.

Natawa na lang si Joongwon sa mga sagot niya. Pero hindi na niya dapat pinapansin pa ito ang mahalaga ay mabawi niya ang ransom.

Pag uwi ay nagkasabay si Kangwoo at Gongshil. Tinanong ni Kangwoo ang tungkol sa kanila ni Yiryung. Sinabi ni Gongshil ang lahat kung ano sila dati nung college days pa. Kaya nahihiya siya na makahirap ito ngayon dahil wala siyang narating sa buhay. Pinayuhan siya ni Kangwoo na kesa isipin ang nakaraan ay tanggapin niya ang sarili niya kung ano siya ngayon at iimprove pa ito para sa future niya.

Dumating si Yiryung sa event na katawatawa ang itsura naawa naman si Gongshil dito at naisip na tulungan ito.

 photo master4-00453.jpg

Nakita siya ni Uncle Vp na naglilinis sa labas kaya pinapasok siya nito sa mismong event bilang isa sa mga usher.

Doon ay kinausap niya si Yiryung at sinabihang kapag may pumapasok sa isipan nito na sinasabing siya ang pinakamaganda ay huwag itong pansinin. Dapat tingnan niya na lang ang sarili niya at wag maniwala na mas lalo siyang gumaganda. Dahil dito ay feeling ni Yiryung na iniinsulto siya ni Gongshil. Sa kabilang banda ay pinagtatawanan siya ng mga babae dahil sa itsura niya. Mas maganda pa daw sila sa kanya. Nang marinig itog multong bakla ay dali dali itong lumipat sa kanila. Dahil dito ay nahimasmasan si Yiryung at pansin na pansin na niya ang kakaibang ayos.

Tinanong ni Joongwon si Gongshil kung ano ang ginagawa niya doon at sinabi ni Gongshil na ginawa nga siyang usher. SInabi rin niya na tinulungan niya na si Yiryung. Si Gongshil nga pala ang radar niya kaya tinanong tanong niya ito tungkol sa mga tao sa paligid kung may kakaiba ba sa mga ito. Naisip niya na patingnan na rin ang may ari ng Giant Mall.

Gusto raw makausap si Joongwon nang personal ng may ari ng Giant Mall at parating na raw ito. Sumabay sa kanya si Gongshil papasok ng opisina.

Sa loob ng opisina ay may nahulog. Naisip ni Joongwon kung si Heejo ba ito. Pero wala daw si Heejo doon.

"Umaalis na ba talaga ang kaluluwa kapag nasabi na nila ang gusto nilang sabihin" tanong ni Joongwon.

Kadalasan ay umaalis na nga ang mga ito, sagot ni Gongshil.

Kung ganoon ay mas lalong hindi ko siya mapapatawad, sabi ni Joongwon.

Inakala ni Gongshil na marahil ay nasasaktan pa rin Joongwon sa nangyari kay Heejo kaya naisip niya na pagaanin ang loob nito. Sinabi niya na sabi raw ni Heejo na hindi siya galit kay Joongwon at hindi niya kasalanan ang mga nangyari. At sana ay hindi na daw siya malungkot at ma-guilty at kalimutan na ang nakaraan.

Sa narinig ay nagalit si Joongwon. Alam niyang nagsisinungaling si Gongshil at sinigawan niya ito na umalis.

 photo master4-00513.jpg
 photo master4-00526.jpg

Umalis si Gongshil na umiiyak. Nabalitaan ni Joongwon na mala late ng husto ang may-ari ng Giant mall dahil may aksidente daw na nangyari malapit s mall at marami daw ang namatay.

Nang marinig ni Joongwon na marami ang namatay sa aksidente at malapit pa ito sa kanila ay naalala niya si Gongshil.

Na sa kalsada na si Gongshil pauwi at nakita niya ang aksidente. Parami ng parami ang mga kaluluwa na nakikita niya. Sa takot ay tinakpan na lang niya ang kanyang mga mata.

 photo master4-00541.jpg

Bigla ay hinawakan siya ni Joongwon at niyakap. Andito na ako, sabi ni Joongwon.

 photo master4-00558.jpg

Friday, September 2, 2016

Master's Sun Episode 3

Nagbigay si Joongwon ng mensahe sa kaluluwa ni Heejo. Sinabi niya na pag nakita ni Gongshil si Heejo ay sabihing maldita ito.

Sa isip ni Gongshil ay talagang mahal ni Joongwon si Heejo dahil nagagalit pa rin ito sa ginawang pag-iwan sa kanya ni Heejo. Kaya nangangako siyang ipaparating niya ang mensahe nito.

Tahimik lamang na nagmamasid sa Kangwoo sa paguusap ng dalawa habang hinihintay si Gongshil. Halatang curious ito sa kung anumang relasyon meron ang dalawa.

Naglalakad mag-isa si Jin-ju, isang empleyado ng Kingdom mall ng bigla siyang matisod ng isang mamahaling sapatos na walang kapareha.
 photo master3-00015.jpg

Naisip ni Jinju na dalahin ito sa lost and found section ng biglang mangilabot siya. Na tila may sumusunod sa kanya pero wala naman siyang nakikita. Lingid sa kaalaman niya ay talagang sinusundan siya ng kaluluwa may-ari ng sapatos.

 photo master3-00019.jpg

Biglang namatay ang mga ilaw at gumalaw ang mga bagay na nadaanan ni Jinju kaya dahil sa takot ay nagtatakbo ito. Nang pumasok siya sa exit room ay hinablot ng multo ang paa niya kaya natisod si Jinju at nahulog sa hahdanan.

Narinig ng tatlo ang sigaw ni Jinju at agad silang sumaklolo.

"Kaya ka siguro nahulog ay dahil hindi maayos ang pagkakapahid ng floorwax. Ayusin mo ang trabaho mo Gongshil" sabi ni Joongwon.

Nagdesisyon si Kangwoo na ihatid si Jinju sa paggamutan kaya hindi na muna niya masasabayan si Gongshil pag-uwi. Okay lang naman kay Gongshil.

 photo master3-00030.jpg

Napilitan si Joongwon magdrive mag-isa dahil si Sec Kim ay naatasan na magsumite ng papeles na dala ni Jinju. Hindi sanay si Joongwon sa mga functions ng sasakyan kaya kung ano-ano ang napipindot niya.

Nakita ni Gongshil ang sapatos na walang kapares, pinulot niya ito st sinubukang isukat. Nakita ni Gongshil ang multo kaya ngmamadali siyang tumakbo. Naiwan tuloy ang isang pares ng sapatos niya. Hinabol siya ng multo hanggang sa elevator.

Naabutan si Gongshil ng multo hanggang sa parking lot. May ibinulong ito sa kanya.
 photo master3-00055.jpg

Nakita niya si Joongwon at tinawag niya ito.

 photo master3-00058.jpg

Lumabas si Joongwon sa sasakyan at kaagad siyang niyakap ni Gongshil ng mahigpit.

 photo master3-00073.jpg

 photo master3-00074.jpg

May nakakita na security guard sa mga pangyayari at inakala nito na may namamagitan talaga kay Joongwon at Gongshil.

Sa ospital naman, pauwin na si Kangwoo ng may nakita siyang babae na tinatakpan ang mukha at nagpipilit itong umakyat sa bobong ng sasakyan.

 photo master3-00083.jpg

Inakala ni Kangwoo na carnapper ito pero sinabi ng babae na sa siya ang mayari ng sasakyan. Si Yi-ryung pala ito. Nasa manager kasi niya ang susi at gusto lang sana niyang kunin ang wallet dahil gutom na siya. Tinulungan siya ni Kangwoo na makuha ito pero kulang ang laman ng wallet. Ibinili na lang siya ni Kangwoo ng makakain.

Hiningi ng Yi-ryung ang cell number ni Kangwoo para mabayaran nito pero tumanggi na si Kangwoo.

Nakuha ang bangkay ng mayari ng sapatos sa isang banggaan ng sasakyan sa kalye. Inakala ng mga pulis na lasing ang biktima dahil isa lamang ang suot nitong sapatos.

Dinala ito sa ospita; at nang makita ito ng asawa ay agad itong napahagulgol ng iyak.

 photo master3-00105.jpg

Matapos ang iyak at tila palihim itong napangisi.

 photo master3-00105.jpg

Hinatid ni Joongwon si Gongshil sa ospital kung saan nandoon ang bangkay ng may ari ng sapatos. Hiling kasi nito na iabot sa mister nito ang pares ng sapatos niya. Dahil naiwan ang kaparehas ng sapatos ni Gongshil

Ginawang sapatos ni Gongshil ang tissue box.

"Hindi ka ba nahihiyang gamitan yan, pagkakamalan ka nilang baliw", tanong ni Joongwon.

"Okay lang nasanay na akong mapagkamalan na baliw, at saka mukhang matibay naman ito, ikaw kasi ayaw mo akong pahiramin ng extra shoes" sagot ni Gongshil.

Sa loob ng E.R. nakasalubong nila ang bangkay ng may ari ng sapatos.

"O ngayon naniniwala ka na, nakakakita talaga ako ng multo". Natatakot ka no?" ani Gongshil

Sinabi ni Gongshil na kaya niya gusto si Joongwon hindi dahil gwapo ito o gold digger kundi dahil nawawala ang multong gumugulo sa kanya kapag hinahawakan niya ito.

Marami kasing gumugulo na multo sa kanya at kadalasan ay humihingi nang pabor. Gaya ng babaeng may ari ng sapatos. Nais nito na ibigay niya ang sapatos sa asawa at magbigay ng mensahe na babantayan niya ito palagi.

Namukhaan ni Jongwoon ang asawa ng bangkay. Isa ito sa mga stall renters sa Kingdom mall. Sa tingin ni Gongshil ay baka naiwan ng asawa ang sapatos sa mall nang bisitahin niya ito. Pero nang lapitan na niya ito ay narinig niya na may kausap ito sa cellphone at tuwang tuwa pa ito na buti na lang daw at namatay ang asawa niya.

Kaya napalayo si Gongshil. Gusto nang umalis ni Joongwon pero pinipigilan siya ni Gongshil at baka multuhin na naman daw siya. At di ba naniniwala na siya dito. Ang sabi ni Joongwon na paniniwalaan niya ang gusto niyang paniwalaan. At ngayon ang paniniwala niya ay isang baliw si Gongshil na nakasuot ng tissue box. At tuluyan ng umalis si Joongwon.

Napilitan si Gongshil na maglakad pauwi gamit ang tissue box. Sa loob naman ng sasakyan ay may nakita si Joongwon na extra shoes. Iniisip niya na ipahiram ito kay Gongshil pero agad niyang pinawi dahil mukhang matibay naman daw ang tissue box.

Nakita ni Kangwoo si Gongshil sa daan gamit ang nasisira ng tissue box sa paa. Inanyayahan niya na lang ito na sumakay na lang sila ng taxi.

Naisipan ni Joongwon na ipahira na lang ang extra shoes kay Gongshil pero hindi na niya ito namataan. Pauwi na sana siya pero mukhang nagloloko ang GPS niya. Dinala siya nito pabalik sa ospital.

Nang makauwi na sila sa apartment tinanong ni Kangwoo si Gongshil kung si Joongwon ba ang special na tao sa buhay niya ngayon. Sabi ni Gongshil special sa kanya si Joongwon ngunit isa lamang siyang babaeng baliw sa paningin ni Joongwon.

Napangiti si Kangwoo sa narinig. Naabutan sila ng kapatid ni Gongshil at pinayuhan siya na maging malapit kay Kangwoo. Dahil baka kaya siya minumulto ay dahil wala siyang energy at stamina. Malakas ang male energy kaya baka pag lagi niyang kasama ito ay mahawaan siya ng energy nito.

 photo master3-00177.jpg

Kinabukasan sa cafeteria ay narinig ni Gongshil na pinag-uusapan ang tungkol sa namatay na asawa ng stall renter ng mall. Mayaman pala ang pamilya ng babaeng asawa at ito pa nga ang nagbigay ng capital para magkanegosyo ang lalaking asawa nito. Mapagmahal at maalaga daw si lalaki kay babae at lungkot na lungkot daw ito ngayon sa nangyaring trahedya. Nagiisang anak lamang daw ang babae at mayaman daw talaga ang nanay nito. Ngayong wala na ang nagiisang anak nito ay siguradong ang naiwan na asawa na ang magmamana ng lahat ng kayamanan nito.

Nalungkot si Gongshil sa narinig, wala daw maniniwala sa kanya kapag isiniwalat niya ang katotohanan dahil ang alam ng lahat ay mabuting tao ang lalaki.

Si Joongwon naman ay naglilibot sa mall para batiin ang mga stall renters nito. Kailangan niyang magbuild ng camaraderie sa mga ito para makuha niya ang loyalty ng mga ito. Malapit na kasi magbukas ang Giant Mall na katapat lamang ng mall nila. Baka magsilipatan pa ang mga iba sa kanyang stall renters. Pinaiimbestigahan niya ang tungkol sa asawa ng namatay na babae. Baka daw ay traydurin sila nito at hindi na pumirma ng kontrata. Lalo pa at alam niyang hindi ito mapagkakatiwalaan.

Sa loob ng mall ay pilit na tintrace ni Gongshil ang mga pangyayari kung saan nakita ang sapatos.

 photo master3-00213.jpg

Nadaanan siya ni Joongwon at sinabihan na nagmumukha at umaakto na naman siyang baliw.

 photo master3-00217.jpg

Pero binalewala ito ni Gongshil may dumaan na babae sa harapan niya. Suot nito ang sapatos na kapareho ng design ng sapatos ng namatay. Sinundan ito ni Gongshil at nakita niya itong pumasok sa siradong tindahan ng asawang lalaki. Iniisip niya na baka ito ang nangyari sa babaeng namatay. Ano kaya ang nakita niya dito. Kaya sinubukan ni Gongshil na tingnan ang tindahan at nakita niya ang dalawa na sweet na sweet.

Yun pala ang eksenang nakita ng babaeng namatay. Narinig pa niya na nagpaplano ang awasa at ang kalaguyo nito na patayin siya. Palalabasin nilang naaksidente ito sa paghihiking na magaganap sa susunod na mga araw.

 photo master3-00228.jpg

Namataan ng lalaki ang asawa at hinabol niya ito upang magpaliwanag.

 photo master3-00235.jpg

Umiiyak na nagmamadaling umalis ang babae kaya pala naiwan nito ang isang pares ng sapatos sa mall. Naghabulan sila hanggang sa labas. Pinipilit ng babae na makalayo sa humahabol na asawa kaya nabangga ito ng nakasalubong na truck.

Nashock si Gongshil sa nalaman. Sa loob ng tindahan ay naguusap ang dalawang magkalaguyo kung ano ang gagawin nila sa ina ng nasirang asawa. Isusunod nila itong iligpit at palalabasin nila na namatay ito sa sobrang lungkot. Pag wala na ang biyenan ay tiyak na magmamana na siya ng limpak limpak na salapi. Hindi nila alam ay nasa harapan lang pala ang asawang namatay at umiiyak na nakatingin sa kanila.

 photo master3-00246.jpg

Dumating ang biyenan ng lalaki para magdala ng pagkain. Dahil wala na ang anak ay nalulungkot daw siyang kumain mag isa. Nilapitan sila ni Gongshil at sinabi na mag-ingat ang matanda dahil manloloko ang lalaking pinakasalan ng anak. At sa katunayan ay kalaguyo nito ang babaeng kaharap nila. Isiniwalat niya lahat ng nalalaman niya at ipinakita pa niya ang sapatos bilang patunay na ang nasirang asawa niya ang nagsabi ng lahat ng kawalanghiyaang pinaggagawa ng lalaki. Pero pinabulaanan ng lalaki ang bintang ni Gongshil at sa katunayan ay nakita na ang nawawalang sapatos ng nasirang asawa. Ibinigay daw ito ng pulis na nagiimbestiga sa aksidente. Pero kinuha lang ng lalaki ang isang pares na suot ng kalaguyo. Tumawag sila ng security upang ipadampot si Gongshil.

 photo master3-00264.jpg

Pero nagmamatigas si Gongshil at sinabing kailangan niyang protektahan ang biyenan ng lalaki laban dito.

Nakita ni Kangwoo at Yi-ryung ang mga pangyayari. Totoo nga pala talaga ang tsismis na ang dating Gongshil na mas popular at mas matalino sa kanya dati nung college days ay naging weird na.

Naitulak si Gongshil sa sahig. Pinaligiran siya ng mga tao na nagbubulong bulongan na siya raw ay nasisiraan ng bait.

 photo master3-00284.jpg

Dumating si Joongwon at inabot nito ang kamay ni Gongshil. Pinatayo niya ito. Pinatotohanan ni Joongwon ang mga sinabi ni Gongshil dahil na sa kanya daw ang isang sapatos ng namatay. Pinulot niya raw ito sa basurahan na pinagtapunan ng asawa nito. Pinakita niya na nagmatch sa hawak ni Gongshil ang sapatos, samantalang ang sapatos na pinakita ng lalaki ay hindi. Hinablot pa ni Joongwon ang kalaguyo ng lalaki at pinakita na sa kanya talaga ang isang sapatos.

 photo master3-00292.jpg

Sinabi ni Gongshil sa lalaki ang mensahe ng asawa, na babantayan niya bawat galaw ng lalaki at hindi na ito makapaghintay na makitang mailibing din siya.

Ibinalik ni Gongshil ang sapatos sa ina ng namatay. Iyak ng iyak ito habang niyayakap siya ng multo ng anak. Bago tuluyang naglaho ito.

 photo master3-00308.jpg

May tsismis ngayon sa loob ng Kingdom mall na secret girlfriend daw ni Joongwon si Gongshil.

Nagpasalamat naman si Gongshil kay Joongwon sa tulong nito. Pero ginawa daw ito ni Joongwon upang maghiganti at hindi ang pagtulong. Nalaman kasi niya na lilipat sa Giant mall ang lalaki. Ipinaliwanag rin ni Gongshil na hindi coincidence ang pagkakapulot niya ng sapatos. Ito ay dahil ang multong may ari daw ng sapatos ang siyang nagdala sa kanya pabalik sa ospital kung saan naaktuhan niyang itinapon ng lalaki ang sapatos sa basurahan. Akala ni Joongwon ay ang GPS ang nagbibigay sa kanya ng direction yun pala ay ang kaluluwa na pala ng babaeng may-ari ng sapatos.

 photo master3-00338.jpg

Naalala ni Joongwon ang mga nangyari na tila ba nagloloko ang gps niya kaya kinilabutan siya ng husto sa sinabi ni Gongshil.

Alam na ni Gongshil kung paano siya magiging useful ky Joongwon. Siya lang naman ang pwedeng maging tulay para makausap ni Joongwon muli si Heejo.

Dahil sa nangyaring insidente kanina sa mall ay kinausao ni Aunt Joo ang asawa niyang VP. Mas bata kasi ito sa kanya at alam niyang pera lang ang habol nito sa kanya. Pero okay lang yun dahil kahit na tatanda na siya at kumulubot ang mukha eh hindi naman mauubos ang pera niya. Ang dapat lang gawin ni VP ay maging loyal sa kanya. Inassure siya ng VP na hindi kailan man kukupas ang kanyang pagtingin dito.

Naging mabuti ang pagtrato ng ibang empleyado kay Gongshil matapos ang nangyaring pagtatanggol dito ni Joongwon. At malakas ang tsismis na may relasyon ang dalawa. Inimbitahan si Gongshil ng mga kasamahan sa trabaho na kumain sa labas para makapag bonding. Ayaw sana ni Gongshil sumama dahil siguradong may inuman na magaganap. Kapag kasi nalasing siya o naging unconscious ay sinasaniban siya ng kaluluwa. Ito rin ang dahilan kung bakit lagi siyang kulang sa tulog.

Ngunit nagpumilit ang mga kasamahan niya at pinangakong hindi siya paiinumin ng alcohol. Pumayag na rin ang kapatid niya basta siguraduhing nandoon rin si Kangwoo.

Habang kumakain ay nagkamali ang inumin na ibinigay kay Gongshil kaya nagtaka siya kung bakit sumasakit ang kanyang ulo.

 photo master3-00365.jpg

Habang si Joongwon naman ay naiisip ang nakaraan nila ni Heejo. Tinanong niya dati si Heejo kung pera ba ang dahilan kung bakit siya nito nagustuhan. Hindi agad nakasagot si Heejo. Biglang sumama ang loob ni Joongwon. Ang sabi ni Heejo hindi niya masagot agad ang tanong dahil nag alala siya na pag sinabi niyang oo ay baka masaktan si Joongwon. Nasaktan nga si Joongwon at akmang aalis nang pigilan siya ni Heejo. Alam ni Heejo na kapag tinawag niya ng tatlong beses si Joongwon ay mawawala na ang galit nito sa kanya. Kaya tinawag niya ito...“Joo Joong-won! Joo Joong-two! Joo Joong-three!”

At nagtawanan silang dalawa.

 photo master3-00384.jpg

 photo master3-00386.jpg

Muli ay nagbalik ang isip ni Joongwon sa kasalukuyan at naiinis siya na maalala ang lahat ng mga iyon. Maldita talaga si Heejo. Nakita nang lasing na si Gongshil si Joongwon at sa likod nito ay nakatayo si Heejo.

 photo master3-00395.jpg

Biglang lumingon si Heejo at ng makita siya ay nilapitan siya nito.

Nagrereport na naman si Kangwoo sa kanyang secret boss tungkol sa namamagitan kina Joongwon at Gongshil. ALam niya na may kakaiba silang konneksyon pero di pa ni tiyak kung tungkol ba ito kay Heejo.

Pinuntahan ni Gongshil si Joongwon sa bahay nito. Kitang kita ang inis ni Joongwon nang makita si Gongshil at tinawag pa siya nito na parang close sila. Bakit ba sinusundan siya nito pati na sa bahay. Dali dali niya itong pinaalis.

Pero sinabi nito na kapag ba tinawag siya ng tatlong beses ay hindi na siya magagalit.

Joo Joong-won. Joo Joong-two. Joo Joong-three.”

Natigilan si Joongwon. At nakita niyang nakangiti si Gongshil.

Hindi ka nakaktuwa, sabi ni Joongwon.

Ako to, ang babaeng maldita, sagot ni Gongshil.

 photo master3-00440.jpg