Sinabi ng propeta, “Hanapin ang kapayapaan at kasaganaan ng lungsod kung saan kita dinala sa pagkatapon. Ipanalangin mo ito sa Panginoon, dahil kung ito ay uunlad, ikaw rin ay uunlad” (v. 7). Ang salitang kapayapaan dito ay ang salitang Hebreo na shalom. At ito’y sumasaklaw sa ideya ng kabuuan at kasaganaan na tanging kabutihan at pagtubos ng Diyos ang makapagbibigay.
Kamangha-mangha, iniimbitahan tayo ng Diyos na maging Kanyang mga ahente ng shalom—sa lugar kung saan tayo naroroon. Inaanyayahan Niya tayong lumikha ng kagandahan at isabuhay ang pagtubos sa mga simpleng, konkretong paraan sa mga espasyong ibinigay Niya sa atin.
No comments:
Post a Comment