Sinematograpiya? Magaling. Soundtrack? Nakapagninilay at nakapapawi. Nilalaman? Kapana-panabik at madaling makaugnay. Ipinakita sa video ang isang pag-aaral kung saan binigyan ng isang sangkap na katulad ng adrenaline ang mga puno ng Redwood upang hindi sila magdormant. Namatay ang mga punong ito dahil hindi sila pinayagang dumaan sa natural na siklo ng “pag-winter.”
Ang mensahe ng video ay maaari rin itong mangyari sa atin kung palagi tayong abala at walang panahon ng pahinga. At maaaring totoo iyon. Ngunit hindi tama ang impormasyon sa video. Wala talagang ganitong pag-aaral. Ang mga Redwood ay evergreen at hindi nagdormant. At ang mga puno sa video ay mga higanteng Sequoia at hindi mga Redwood mula sa baybayin. Sa kabila ng pagiging mapanilay ng video, ito ay nakabatay sa kamalian.
Namumuhay tayo sa isang panahon kung saan, dahil sa ating mga teknolohiya, ang mga kasinungalingan ay lumalaki at lumalaganap hanggang sa makumbinsi tayong totoo ang mga ito. Ang Aklat ng Kawikaan, na puno ng karunungan mula sa Diyos, ay madalas na nagsasalita tungkol sa malinaw na pagkakaiba ng katotohanan at kasinungalingan. “Ang labi ng makatotohanan ay magtatagal magpakailanman,” sabi ng kawikaan, “ngunit ang dila ng sinungaling ay sandali lang” (12:19). At sa susunod na kasabihan, sinasabi nito, “Ang panlilinlang ay nasa puso ng mga may masamang balak, ngunit ang mga nagtataguyod ng kapayapaan ay may kagalakan” (v. 20).
Ang katapatan ay may kinalaman sa lahat ng bagay mula sa mga utos ng Diyos hanggang sa mga video tungkol sa pag-winter. Ang katotohanan ay “nagtatagal magpakailanman.”
No comments:
Post a Comment