Nang mawalan ng ilaw sa mga lansangan ng Highland Park, Michigan, isang pagnanasa para sa ibang uri ng liwanag—ang araw—ang natagpuan sa lugar na iyon. Ang naghihirap na bayan ay walang sapat na pondo upang bayaran ang utility company nito. Pinatay ng kumpanya ng kuryente ang mga ilaw sa lansangan at tinanggal ang mga bombilya sa 1,400 poste ng ilaw. Dahil dito, ang mga residente ay naiwan sa dilim at nasa panganib. “Narito ang ilang mga bata ngayon, papunta sa paaralan,” sabi ng isang residente sa isang news crew. “Walang mga ilaw. Kailangan lang nilang maglakas-loob na maglakad sa lansangan.”
Nagbago ito nang mabuo ang isang nonprofit group upang maglagay ng mga solar-powered streetlights sa bayan. Sa pagtutulungan, nakatulong ang humanitarian organization na makatipid ang lungsod sa bayarin sa kuryente habang nagbigay ng mapagkukunan ng liwanag na tumutugon sa pangangailangan ng mga residente.
Sa ating buhay kay Cristo, ang ating maaasahang mapagkukunan ng liwanag ay si Jesus mismo, ang Anak ng Diyos. Tulad ng isinulat ni apostol Juan, “Ang Diyos ay ilaw; at sa kaniya'y walang anumang kadiliman” (1 Juan 1:5). Sinabi pa ni Juan, “Kung tayo’y lumalakad sa liwanag, tulad niya na nasa liwanag, tayo’y may pakikisama sa isa’t isa, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus, ang kanyang Anak, sa lahat ng kasalanan” (talata 7).
Idineklara mismo ni Jesus, “Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng buhay” (Juan 8:12). Sa patnubay ng Banal na Espiritu ng Diyos sa bawat hakbang natin, hinding-hindi tayo lalakad sa kadiliman. Ang Kanyang liwanag ay laging maliwanag.
No comments:
Post a Comment