Sa aking paglalakad sa umaga, ang araw ay tumama sa tubig ng Lake Michigan sa isang perpektong anggulo upang makagawa ng isang nakamamanghang tanawin. Hiniling ko sa aking kaibigan na tumigil muna habang inaayos ko ang aking kamera para kumuha ng litrato. Dahil sa posisyon ng araw, hindi ko makita ang imahe sa screen ng aking telepono bago ko kinuha ang shot. Ngunit dahil sa nakagawian ko na ito, pakiramdam ko ay magiging maganda ang litrato. Sinabi ko sa aking kaibigan, "Hindi natin ito makikita ngayon, ngunit ang mga larawang tulad nito ay palaging maganda."
Ang paglalakad sa pamamagitan ng pananampalataya sa buhay na ito ay kadalasang parang pagkuha ng larawang iyon. Hindi mo palaging makikita ang mga detalye sa screen, ngunit hindi iyon nangangahulugan na ang nakamamanghang larawan ay wala doon. Hindi mo laging nakikitang gumagawa ang Diyos, ngunit maaari kang magtiwala na nandiyan Siya. Gaya ng isinulat ng manunulat ng Hebreo, “Ang pananampalataya ay pagtitiwala sa ating inaasahan at katiyakan sa hindi natin nakikita” (11:1). Sa pamamagitan ng pananampalataya inilalagay natin ang ating tiwala at katiyakan sa Diyos—lalo na kapag hindi natin nakikita o nauunawaan ang Kanyang ginagawa
Sa pananampalataya, ang hindi pagkakakita ay hindi hadlang sa atin upang sumubok. Baka lalo tayong manalangin at humingi ng patnubay ng Diyos. Maaari din tayong umasa sa pag-alam kung ano ang nangyari sa nakaraan habang ang iba ay lumakad sa pamamagitan ng pananampalataya (vv. 4–12) gayundin sa pamamagitan ng sarili nating mga kuwento. Kung ano ang ginawa ng Diyos noon, magagawa Niya muli.
No comments:
Post a Comment