Napayakap ng mahigpit si Gongshil kay Joongwon sa takot. Makalipas ang ilang sandali ay kusa nang inalis ni Joongwon ang mga kamay ni Gongshil. Pero hinawakan pa rin siya ni Gongshil.
"Hinahanap talaga ng mga kamay ko ang katawan mo" sabi ni Gingshil.
"Hindi ako chichirya para patuloy abutin ng mga kamay mo" ani Joongwon.
"Mas mahal ka pa sa chichirya, salamat ha at hindi ka nagalit kahit na nakayakap ako sayo" sabi ni Gongshil.
"Gusto ko lang ipaalala sayo ang tungkol sa kasunduan natin, at sana wala ng ibang mamagitan sa atin maliban doon" saad ni Joongwon.
Pinarereport ni Joongwon si Gongshil sa trabaho bukas may posisyon na daw na nakalaan para sa dalaga. Tuwang tuwa si Gongshil dahil sa wakas ay maeexperience niya ulit ng full time na trabaho at full time na sweldo na hindi na niya nagawa matapos ang aksidente.
Naalala ni Gongshil na nasabi dati ni Joongwon na babawasan nito ang sweldo niya kapag hinawakan niya ito. Baka totohanin ni Joongwon ang sinabi.
"Kaya dapat hawakan mo lang ako pag talagang kailangan mo na" sabi ni Joongwon.
Samantala isang shaman ang nagdala ng babae sa isang mansyon. Doon ipinakita niya sa matandang may-ari at sa apo nito na patay na ang babaeng papakasalan ng kaluluwa ng apo niya. Magkasing-edad kasi ang apo nito sa babae at sabay din silang namatay.
Kapag natapos na ang pag-iisang dibdib ng mga kaluluwa ay mananahimik na ang kaluluwa ng apo ng matanda sabi pa ng shaman.
Pero nang simulan na ang seremonya ay biglang nag-ibang anyo ang lalaki.
Natakot ang multong babae at umalis. Marahil ay hindi nagustuhan ng lalaki ang ipinareha sa kanya kaya maghahanap uli ang shaman.
Kinabukasan kinausap ng mga bata si Kangwoo na alagaan at protektahan si Gongshil dahil marami ang sumusunod dito. Nakita ni Kangwoo si Gongshil sa kalye na tila may kausap. Sumisigaw ito at sinsabi na wag siyang susundan. Agad na rumespundi si Kangwoo at hinanap ang gumugulo kay Gongshil. Ang multo na laging humihingi ng kape kay Gongshil pala ang sumusunod. Nangako na lang si Gongshil na dadalhin sa coffee shop ito mamaya.
Bumalik si Kangwoo at sinabing hindi na niya naabutan pa ang salarin. Tinanong niya si Gongshil kung ginugulo ba siya ng mga loan sharks. Iniimagine ni Gongshil kung ano ang magiging reaksyon ni Kangwoo pag sinabi niya ang totoo at hindi ito maganda. Sinabi na lang niya na may stalker siyang parang multo. Sinabi ni Kangwoo na pwede siyang maging bodyguard ng dalaga at libre pa. Tumango si Gongshil.
Sabay na naglakad patungong opisina ang dalawa. Nadaanan sila ni Joongwon nakasakay sa kotse.
Ang tindi ng sikat ng araw ngayon, sabi ni Sec. Kim.
Ang tindi nga at lalo akong nag-iinit, sabi ni Joongwon at sabay kuha sa sunglasses niya.
Nalaman ni Kangwoo kay Gongshil na inilipat na ng department ito. Magtatanong pa sana siya pero namataan ni Gongshil ang sasakyan ni Joongwon. Agad na nagmadali si Gongshil. Dapat maunhan niya si Joongwon sa opisina. Nagulat si Joongwon ng makitang sumalubong si Gongshil sa kanya.
Kasi po dapat mauna ang secretary na dumating kesa sa boss, pahayag ni Gongshil.
Sinong secretary ko, ikaw? Agad na tinawag ni Joongwon si Sec. Kim para ihatid si Gongshil sa opisina nito. Sa storage room pala siya iaassign.
Dismayado si Gongshil sa bago niyang trabaho pero dinala pa rin niya sa coffee shop ang multo. Nang makabalik sa lobby ay nagkasalubong sila ng shaman.
Nakita nito na kinakausap ni Gongshil ang isang multo. Isang babaeng buhay pero may koneksyon sa patay, naisip nang shaman na bagay na bagay si Gongshil sa apo ng matandang mayaman.
Nakita ni Auntie Joo ang shaman at sinabi niya sa asawa nito kung ano ang trabaho ng shaman. Sikat ito ghost matchmaker para sa mga mayayaman. Sinundan ng shaman si Gongshil hanggang sa pintuan ng opisina nito.
Sinabi ni VP uncle kay Joongwon na plano ng Giant mall na makipagsanib pwersa kay Pres. Wang may-ari ng isang makapangyarihang kumpanya. Pero hindi matuloy tuloy ang negosasyon dahil tumigil sa pagtratrabaho ang matanda mula ng mamatay ang apo. Ito ang matandang naghahanap ng bride para sa patay na apo.
Sinabi ni Gongshil na ang first assignment niya sa unang trabaho ay mula kay Auntie Joo. Inutusan siya na magdala ng regalo para kay Pres. Wang.
Baka makita mo ang kaluluwa ng apo niya, tanungin mo siya kung ano ang mga plano ng lola niya sa negosyo, sabi ni Joongwon. Kapalit nito ay maaari mo akong hawakan ng libre.
Kahit takot si Gongshil sa ideya ni Joongwon na makipag-usap sa multo ay pumayag na rin siya. Naiisip kasi niya kung saan pa niya pwedeng hawakan at pisilin si Joongwon.
Nang makarating si Gongshil sa mansion ni Wang ay pinagbihis siya ng shaman ng pulang damit.
Kinausap ni Joongwon si Aunti Joo tungkol sa utos nito kay Gongshil.
Pero hindi ako ang nag-utos sa kanya. Request ito nang kilala kong shaman. Totoo nga siguro ang tsismis na naghahanap si Pres. Wang ng babaeng ipapakasal sa kaluluwa ng apo., sabi ni Aunti Joo.
Agad tinawagan ni Joongwon si Gongshil.
Nakita ko na ang multong apo ni Pres. Wang, pero pinagsuot nila ako ng pulang chinese dress na kagaya ng sa pelikula, report ni Gongshil.
Umalis ka na diyan, sabi ni Joongwon.
Naibaba ni Gongshil ang tawag nang makita niya ang apo ni Wang. Sinundan niya itong pumasok sa isang kwarto pero nangmakapasok si Gongshil ay inilock ng shaman ang pinto. Sinabing doon muna magpalipas ng gabi si Gongshil.
Dumating si Joongwon upang kunin si Gongshil. Nagmatigas si Wang kaya si Joongwon na ang kusang naghanap sa kanya. Bubuksan na sana ni Joongwon ang pinto sa kwarto kung saan naroroon si Gongshil nang binalaan si ni Wang tungkol sa negosyo. Sa Kingdom na mag-iinvest si Wang at hind sa Giant mall kung hindi bubuksan ni Jongwon ang pintuan. Natigilan si Joongwon, iniisip niya kung ano ang pipiliin, pera o si Gongshil.
Ang pipiliin ko ay...
Biglang bumukas ang pinto at lumabas si Gongshil na nakangiti.
Sinabi ni Joongwon na hindi siya ang nagbukas kung hindi si Gongshil.
Nakausap ni Gongshil ang apo ni Wang at nagpaabot ito ng mensahe sa lola niya na tigilan na ang pinagagagawa nito. Napaiyak si Wang dahil ang paraan ng pagkasabi ni Gongshil ay siya ring paraan ng pagsasabi ng apo.
Samantala naisip ni Auntie Joo na imatch si Yiryung kay Joongwoon upang hindi na ito lubusang mapalapit kay Gongshil.
Kinausap nito si Yiryung at sinabi pa na si Gongshil ang dahilan kaya hindi natuloy ang kasal niya. Galit na galit ito.
Sa mansion, sinabi ni Wang ang tungkol sa green rose ng apo na hindi nalalanta. Alam niyang senyales ito na hindi pa natatahimik ang kaluluwa ng apo.
Baka hinihintay niya lang ang taong mahal niya, sabi ni Gongshil.
Ngumiti si Wang at sinabing bata pa lang ay masakitin na ang apo, kaya hindi nito naexperience ang magkaroon ng lovelife dahil minsan lang ito kung lumabas ng bahay.
Nakaisip si Joongwon ng paraan kung paano siya magugustuhan ni Wang para mag-invest ito sa Kingdom.
Pwede kang tulungan ni Gongshil para mahanap ang first love ng apo niyo, sabi ni Joongwon.
Nakita ni Gongshil na nakasilip sa bintana ang apo ni Wang. Agad niyang tiningnan kung ano ang sinisilip nito. Milk delivery boy pala ang tinitingnan nito. Tinanong niya nag katulong tungkol dito. Sinabi ng katulong na naging kaibigan ng apo ni Wang ang nagdedeliver dito dati ng gatas. Nakikipaglaro pa nga ito ng video games sa milk boy. Naisip ni Gonghil na ang milk boy pala ang first love ng apo ni Wang. SInabi niya ito kay Joongwon. Agad siyang hinila ni Joongwon sa labas, hindi niya dapat sabihin kay Wang na kapwa lalaki din pala ang gusto ng apo. Baka atakihin ito sa puso.
Ayoko kasing magsinungaling. Di ba nagalit ka pa nga nung nagsinungaling ako tungkol kay Heejo. Nakakaawa kasi ang apo ni lola, hinihintay lang pala nito na makita uli ang milk boy, sabi ni Gongshil.
Sige hahanapin natin ang milkboy na yan. Pero wag na wag mong ibabanggit na siya ang first love ng apo ni Wang, sabihin na lang natin na bestfriend niya ito, sabi ni Joongwon.
Hinihintay ni Yiryung si Gongshil sa building nang makita siya ni Kangwoo. Akala ni Kangwoo eh siya ang stalker ni Gongshil. Sinampulan niya ito at agad binitawan ng makilalang si Yiryung pala.
Kinuwento ni Yiryung ang dahilan ng ipinunta niya dito at ang tungkol sa cancelled wedding niya. Maghihiganti siya kay Gongshil sa pamamagitang ng pag-agaw kay Joongwon.
Nag-offer si Kangwoo na tulungan si Yiryung kapalit ng pag-alam nito kung bakit malapit si Joongwon at Gongshil sa isat-isa.
Teka, may gusto ka ba kay Gongshil, sabi ni Yiryung.
Sumang-ayon lang si Kangwoo.
Napansin ni Kangwoo na nagkapasa si Yiryung sa mukha dahil sa ginawa niya, tiningnan niya ito ng maigi.
Hindi naging komportable si Yiryung sa ginawa ni Kangwoo at bumilis ang tibok ng puso niya.
Pinuntahan nila Gongshil ang milk center para mahanap ang milk boy na nagdedeliver sa Wang mansion. Nalaman nila na babae pala ang nagdedeliver doon.
Ayaw sana pumayag ng babae na pumunta sa mansion. Alam daw niya ang nangyari sa kaibigan at nalulungkot siya. Pero sinabi ni Gongshil na gustong ipakita nang pumanaw na kaibigan sa kanya ang mga green roses.
Naalala ng delivery girl ang nakaraan nila ng lalaki. Lagi siya nitong tinutukso noon na mukha siyang lalaki dahil maiksi pa ang buhok niya. Naiwento rin niya dito ang tungkol sa kulay berdeng rosas na paborito niya pero tinawanan lang siya ng kaibigan dahil pangit daw ang green rose. Nagkabiruan pa sila ng bigla siyang halikan ng lalaki sa labi.
Napahiya at nainis ang babae dahil akala niya ay pinaglalaruan lang siya ng lalaki.
Matapos noon ay lumubha na ang sakit ng lalaki at agad na namatay.
Sa mansion napaluha ang babae.
Sinungaling ka, sabi mo hindi maganda ang green rose pero naglagay ka sa kwarto mo. Ako rin pinahaba ko ang buhok ko para makita mo na hindi na ako mukhang lalaki, sabi ng babae.
Hinalikan ng multo ang babae bago ito naglaho kasama nang green rose.
Pag-uwi nila ay sinabi ni Gongshil na ang green rose ay sumisimbolo ng dakilang pag-ibig na sa langit lang matatagpuan. Masaya siya at nalaman nila ang buong katotohanan.
Masaya din si Joonwon dahil sa kanya na mag-iinvest si Wang kaya ihahatid niya si Gongshil sa bahay.
Wag mo akong ibaba sa tapat, doon lang sa bandang malapit sa building namin. Baka makita ako ni Kangwoo at kung ano pa ang maisip nito. Alam mo bang nag-offer siya na maging bodyguard ko. Akala kasi niya ay may stalker ako. sabi ni Gongshil.
Medyo nainis si Joongwon sa nalamang closeness ng dalawa kaya ngdesisyon itong huwag na ihatid si Gongshil. At pinapababa na niya ito.
Bago bumaba ay hinawakan muna ni Gongshil sa kamay ang binata.
Sabi mo libre kaya sasamantalahin ko na.
Naglalakad mag-isa si Gongshil pauwi nang sunggaban siya ng 2 lalaki. Nakita ito ni Kangwoo at iniligtas niya ang dalaga.
Nagtaka si Gongshil kung bakit ginugulo siya ng mag taong iyon. Tao at hindi multo, nakakapagtaka talaga. Lumapit sa kanya ang shaman. Ang shaman pala ang may pakana nito.
Gusto lang kitang makita uli, hindi ko akalain na magugulat ka ng ganyan. Napakaliwanag mo kasi kaya lapitin ka ng mga kaluluwa. Maaaring ang iba ay hihingi lang ng pabor, pero mag-ingat ka. Dahil ang iba ay naghahanap lang ng opurtunidad para muling makabalik, sabi ng shaman.
Habang sinasabi ito ng shaman ay ipinapakita si Heejo na nakatingin kay Joongwon. Maaring si Heejo ang tinutukoy ng shaman na gustong saniban si Gongshil para mabuhay uli.
Ang kadiliman ay lalamon sa liwanag, ang patay ay lalamon din ng buhay. Kaya mag-ingat ka para hindi ka malamon, bilin ng shaman.
Samantala nglalaro sa duyan ang 2 bata habang hinihintay nila ang mama nila. May kumaway sa isang bata at sinundan niya ito. Hindi namalayan ng nakakatandang bata na wala na ang kapatid niya. Hinanap niya ito at nakita niya itong nakatayo sa tabi ng isang manika.
Kukunin sana ng bata ang manika pero pinigilan siya ng kapatid.
Baka hanapin yan ng may-ari. Balikan na lang natin bukas kapag walang kumuha ibig sabihin walang may-ari. Saka na lang natin kunin, sabi ng kapatid.
Hindi nila alam may 3 batang multo na nakaaligid sa manika.
Naglalakad pauwi si Gongshil at Kangwoo. Maraming tanong si Kangwoo sa kanya pero wala siyang maibigay na sagot.
Gusto mo ba talaga ako? Bakit ba ang dami mong tanong tungkol sa buhay ko. Nagtataka ka siguro kung anong sikreto ko, baka spy ako, o kaya criminal pero mas malala pa diyan ang totoo. Masaya ako at may nagkakagusto sa akin. Kung alam mo lang ang totoo ay baka iniwasan mo na ako. Kaya binabalaan kita, iwasan mong maging malapit sa akin. sabi ni Gongshil.
Hindi mo naisip na baka hindi lang ikaw ang may sikreto. Dahil sa babala mo, natatakot akong madis-appoint kita, sabi ni Kangwoo.
Nagpaalam na si Kangwoo sa kanya upang magpahinga. Naisip ni Gongshil kung paano niya sasabihin na nakakakita siya ng mga kaluluwa kay Kangwoo.
Tuluyan ng nag-invest si Pres. Wang sa Kingdom kaya ang saya ni Joongwon. Sinabi ni Gongshil na nag-offer sa kanya ng trabaho si Wang sa China pero tinanggihan niya. Halatang kinabahan si Joongwon pero sinabi ni Gongshil na hindi siya aalis dito dahil kay nandito si Joongwon.
Kaya ba mukhang ang lungkot mo ngayon, tanong ni Joongwon.
Malungkot ako ngayon kasi tinanggihan ko ang nag-iisang lalaki na nagkagusto sa akin. Hindi ko kasi masabi sa kanya ang totoo at baka magmukha lang akong sira ulo sa paningin niya, sabi ni Gongshil.
Huwag kang mag-alala, iisipin lang ng lalaki na kaya mo siya nireject dahil sa karaniwan na dahilan, sagot ni Joongwon.
Alam mo kapag kasama kita, pakiramdam o eh normal na tao ako, kaya naiisip ko ang mga romance. Gusto mo bang bisitahin ako sa bahay mamaya kasi baka malungkot na naman ako, sabi ni Gongshil.
Hindi na pinansin ni Joongwon ang mga parinig ni Gongshil at pinaalis na siya.
Patuloy ang pagkakalat ng tsismis ng isang guard tungkol kina Gongshil at Joongwon. Nasabi ng isang empleyado na paano na ang kasamahan natin na may gusto kay Gongshil. Sabay pa nga sila kung umuwi kasi sa iisang building lang sila nakatira. Natuwa naman ang tsismosong guard dahil mas exciting daw ang isang love triangle.
Agad niyang pinuntahan si Kangwoo at sinabi ang tungkol sa tsismis. Sino kaya ang lalaking iyon.
Nababaliw na siguro ang lalaking iyon, para magustuhan si Gongshil. Ang itim at laki kaya ng eye bags niya na mukhang sinasaniban ng multo.
Ngumiti si Kangwoo at sinabing, "Ako yun".
Tiningnan niya ang lollipop na bigay sa kanya ng batang tinulungan niya. Plano niyang ibigay ito kay Gongshil kaya hinanap niya ang dalaga.
Samantala sinabi ni Joongwon kay Sec. Kim na dadalhin nila sa bahay si Gongshil mamayang gabi. Nang mapatingin siya sa salamin sa ibaba kung saan nag-uusap si Kangwoo at Gongshil.
Gusto kitang makilala, magiging matapang na ako. Kaya maging malakas ka rin, sabi ni Kangwoo sabay bigay ng lollipop.
Naglalakad si Joongwon sa loob habang nakatingin kay Gongshil na naglalakad rin sa labas.
At nang magkasalubong sila...
Sinabi ni Gongshil ang deklarasyon ni Kangwoo para sa kanya..
So, pupunta ka sa kanya, tanong ni Joongwon.
Oo pupunta ako sa kanya, gusto ko talaga, sabi ni Gongshil.
Thursday, September 22, 2016
Monday, September 19, 2016
Si Moses ang Prinsipe ng Egypt
Makalipas ang ilang taon mula nang mamatay si Joseph at ang mga kapatid nito, ang angkan ni Israel (Jacob) ay dumami sa at lumago sa Egypt. Dahil dito nabahala ang hari ng Egypt. Iniisip nitong baka sumanib ang mga Israelites sa kanilang kaaway at tuluyan silang palayasin sa sariling lupain.
Gumawa ito ng paraan para mapigilan ang paglobo ng populasyon ng Israelites sa Egypt. Nagpalabas ito ng kautusan na patayin ang bawat sanggol na lalaki na ipapanganak ng mga Israelites. Tanging mga sanggol na babae lamang ang maaaring mabuhay. Naging malupit rin sila sa mga Israelites at ginawa itong mga alipin.
Ipinanganak si Moses mula sa lahi ng mga Levi. Itinago siya ng kanyang ina at ng umabot ito ng 3 buwan ay hindi na nila maari pang ikubli ang bata kaya naisipan nilang isilid ito sa basket at ipaanod sa ilog. At tumayo sa malayo ang kaniyang kapatid na babae, upang malaman ang mangyayari sa bata. At ang anak na babae ni Faraon ay lumusong upang maligo sa ilog, nakita nito ang sanggol sa basket.
Naawa naman ang prinsesa sa bata at sinabi, Ito'y isa sa mga anak ng mga Hebreo. Lumapit ang kapatid ng bata at sinabing may kakilala siyang Hebreo na pwedeng mag-alaga sa bata. Pumayag ang prinsesa at dinala ang ina ng bata upang siyang mag-alaga dito.
Nang lumaki na ang bata ay kinupkop na siya ng prinsesa upang ituring na sariling anak.
"Tatawagin kitang Moses sapagkat ikaw ay aking sinagip sa tubig", sabi ng prinsesa.
Nang lumaki na si Moses ay madalas niyang bisitahin ang kalagayan ng mga kapwa Hebrew. Nakita niya kung paano ito pagmalupitan ng mga Egyptian.
Minsan ay nakita niyang pinatay ng isang Egyptian ang isang Hebreo. Sa kanyang galit ay napatay niya rin ang Egyptian at itinago ang katawan sa buhangin.
Pero kumalat pa rin ang balitang nakapatay si Moses ng Egyptian at nakarating ito sa hari. Pinahanap si Moses ng hari para ipapatay kaya tumakas at nagtago si Moses.
Nakarating si Moses sa Midian at doon na rin nagkapamilya. Napangaawa ni Moses si Zipporah, nak ni Jethro na isang pari ng Midian. At nanganak ng isang lalake, at kaniyang pinangalanan ng Gersom; sapagka't kaniyang sinabi, Ako'y nakipamayan sa ibang bayan.
Ilang taon na ang lumipas at pumanaw na ang hari ng Egypt. Pero patuloy pa rin ang pagmamalupit sa mga Israelites. Narinig ng Diyos ang kanilang mga daing at naalaala ng Diyos ang kaniyang tipan kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob.
Nagpakita ang Panginoon kay Moses. Binigyan niya si Moses ng misyon, ito ay ang tulungan ang mga Israelites na makaalis sa Egypt. Sinabi ng Panginoon na bibigyan ng kakayahan si Moses na makagawa ng milagro upang paniwalaan siya ng mga tao.
Tumutol si Moses dahil wala siyang kakayahan na magsalita, sapagkat siya ay utal at hindi deretso kung magsalita. Kaya si Aaron na kapatid ni Moses na Levita ang naatasan ng Diyos na magsalita para kay Moses. Tutulungan sila ng Panginoon kung ano ng dapat gawin at sasabihin. Ipinadala kay Moses ang tungkod na siyang makakagawa ng milagro na tanda ng kapangyarihan ng Panginoon.
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Pagkabalik mo sa Egypt, iyong gawin nga sa harap ng hari ang lahat ng kababalaghan na aking itiniwala sa iyong kamay: ngunit aking papagmamatigasin ang kaniyang puso, at hindi niya tutulutang makaalis kayo sa bayan.
Nakipagkita si Moses kay Aaron at tinalakay ang tungkol sa kanilang misyon.
At pagkatapos nito, si Moises at si Aaron ay nakipagkita, at sinabi sa hari, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Hayaan mong ang aking bayan ay umalis upang ipagdiwang nila ako ng isang kapistahan sa ilang.
At sinabi ng hari, Sino ang Panginoon na aking pakikinggan ang kaniyang tinig, upang pahintulutan kong umalis ang mga Israelites? Hindi ko nakikilala ang Panginoon at saka hindi ko pumapayag.
Lalong pinagmalupitan ng hari ang mga Israelites.
Utos nito, Huwag na ninyong bibigyan ang Israelites, ng dayami sa paggawa ng laryo, na gaya ng dati: sila ang maghahanap at mag-iipon ng dayami. At ang bilang ng mga laryo, na kanilang ginagawang dati ay siya rin ninyong iaatang sa kanila; wala kayong babawasin: sapagka't sila'y mga tamad; kaya't sila'y dumadaing, na nagsasabi, Hayaan mo kaming umalis at magalay sa aming Dios.
Kaya't ang mga Israelites ay nangalat sa buong lupain ng Egypt, na humahanap ng pinagputulan ng trigo na panghalili sa dayami. Lalo silang nahirapan dito at kapag hindi nila natapos ang eksaktong bilang na nakaatas sa kanila ay pinapalo sila.
Dahil dito ay nagalit ang mga Israelites kina Moses at Aaron.
At si Moises ay bumalik sa Panginoon, at nagsabi, Panginoon, bakit mo ginawan ng kasamaan ang taong ito? bakit mo sinugo ako? Sapagka't mula nang ako'y nakipag-usap sa hari ay mas lalo niyang pinahirapan ang Israelites: at ni hindi mo man lang iniligtas sila.
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ngayo'y iyong makikita kung ano ang gagawin ko sa hari, sapagka't sa pamamagitan ng isang malakas na kamay ay palalayasin niya sila sa kaniyang lupain.
Nang makipag-usap muli si Moses sa mga Israelites ay hindi na sila nakinig dahil sa yamot at pagpapahirap na dinaranas.
Nakipagkita muli sina Moses sa hari, at inihagis ni Aaron ang kaniyang tungkod sa harap ng hari at sa harap ng kaniyang mga lingkod at naging ahas gaya ng utos ng Panginoon.
Tinawag ng hari ang mga mahiko ng kaharian upang ipakita na kaya rin nilang gawing ahas ang tungkod at nagawa nga nila, nguni't nilamon ng tungkod ni Aaron ang mga tungkod nila. At ang puso ng hari ay nagmatigas, at hindi niya dininig sila; gaya ng sinalita ng Panginoon.
Sumunod na araw ay mula sa utos ng Diyos ay bumalik na naman sila sa hari. Itinaas ang tungkod, at pinalo ang tubig, na nasa ilog, sa harapan ng hari, at sa ng kaniyang mga lingkod; at ang lahat ng tubig, na nasa ilog ay naging dugo.
At ang isda, na nasa tubig ay namatay; at ang ilog ay bumaho at ang mga Egyptian ay hindi makainom ng tubig sa ilog; at nagkadugo sa buong lupain ng Egypt.At ang mga mahiko sa Egypt ay gumawa rin ng kagaya ng ginawa nila, at ang puso ng hari ay nagmatigas, at hindi niya dininig sila; gaya ng sinalita ng Panginoon.
Sumunod na ginawa nila mula sa utos ng Diyos ay ang pag-unat ni Aaron ng kaniyang kamay sa tubig sa Egypt; at ang mga palaka ay nagsiahon, at tinakpan ang lupain ng Egypt.
At ang mga mahiko ay gumawa ng gayon din at nagpaahon ng mga palaka sa lupain ng Egypt.
Tinawag ng hari si Moises at si Aaron, at sinabi, Manalangin kayo sa Panginoon, na alisin ang mga palaka sa akin, at sa aking bayan; at aking tutulutang umalis, ang Israelites upang sila'y makapag-alay sa Panginoon.
Si Moises ay dumaing sa Panginoon tungkol sa mga palaka. At ginawa ng Panginoon ayon sa salita ni Moises, at ang mga palaka ay namatay sa mga bahay, sa mga looban at sa mga parang. Nguni't nang makita ng hari na wala na ang mga palaka ay pinapagmatigas ang kaniyang puso, at hindi niya dininig sila; gaya ng sinalita ng Panginoon.
Sumunod ay inutos ng Diyos na iunat ni Aaron ang kaniyang kamay pati ng kaniyang tungkod, at pinalo ang alabok ng lupa, at nagkakuto sa tao at sa hayop; lahat ng alabok ng lupa ay naging mga kuto sa buong lupain ng Egypt.
At ang mga mahiko ay gumawa ng gayon, upang maglabas ng mga kuto, nguni't hindi nila nagawa: at nagkakuto sa tao at sa hayop. Ngunit nanatiling matigas ang hari.
Sumunod na mga nangyari ay nagsipasok ang mga makapal na pulupulutong na langaw sa bahay ng hari, at sa bahay ng kaniyang mga lingkod: at sa buong lupain ng Egypt ay nasisira ang lupa dahil sa mga pulupulutong na langaw.
At muli ay nakiusap ang hari na papayag na siya pagpapaalisin na nila ang langaw. At ginawa ng Panginoon ang ayon sa salita ni Moises; at inialis niya ang mga pulupulutong na langaw sa hari, sa kaniyang mga lingkod, at sa kaniyang bayan; na walang natira kahit isa. Ngunit nagmatigas na naman ang hari.
Sumunod na nangyari ay lahat ng hayop sa Egypt ay namatay: nguni't sa hayop ng mga anak ni Israelites ay walang namatay kahit isa.
Nguni't ang puso ng hari ay nagmatigas pa rin.
Sumunod na nangyaro ay inutos ng Diyos na sila'y kumuha ng abo sa hurno, at tumayo sa harap ng hari, at isinaboy ni Moises sa himpapawid; at nagkaroon ng bukol ang mga tao at hayop.
At ang mga mahiko ay hindi makatayo sa harap ni Moises dahil sa mga bukol; sapagka't nagkabukol ang mga mahiko at ang mga Egyptian. Ngunit matigas pa rin ang puso ng hari, gaya ng sinabi ng Diyos.
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Iunat mo ang iyong kamay sa dakong langit, upang magkaroon ng granizo sa buong lupain ng Egypt, na lalagpak sa tao, at sa hayop, at sa bawa't halaman sa parang sa buong lupain ng Egypt. At iniunat ni Moises ang kaniyang tungkod sa dakong langit; at ang Panginoo'y nagsugo ng kulog at granizo, at may apoy na lumagpak sa lupa; at ang Panginoo'y nagpaulan ng granizo sa lupain ng Egipto.
At sinalot ng granizo ang buong lupain ng Egypt, ang lahat na nasa parang, maging tao at maging hayop, at sinalot ng granizo ang lahat ng halaman sa parang, at binali ang lahat ng punong kahoy sa parang. Sa lupain lamang ng Gosen, na kinaroroonan ng mga anak ni Israel, hindi nagkaroon ng granizo.
Muli ay nakiusap ang hari at ng matigil ang matingding pag-ulan ng granizo ay muli itong nagmatigas.
At sinabi ng Panginoon kay Moises: Puntahan mo ang hari , sapagka't aking pinapagmatigas ang kaniyang puso, at ang puso ng kaniyang mga lingkod; upang aking maipakilala itong aking mga tanda sa gitna nila: At upang iyong maisaysay sa mga nakikinig , at sa anak ng nakikinig, kung anong mga bagay ang ginawa ko sa Egypt, at ang aking mga tandang ginawa sa harapan nila; upang inyong maalaman, na ako ang Panginoon.
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Iunat mo ang iyong kamay sa lupain ng Egypt, upang magdala ng mga balang, at bumaba sa lupain ng Egypt, at kumain ng lahat na halaman sa lupain.
Sapagka't tinakpan ng mga balang ang balat ng buong lupa,kaua ang lupain ay nagdilim; at kinain ang lahat na halaman sa lupain, at ang lahat na bunga ng mga kahoy na iniwan ng granizo; at walang natirang anomang sariwang bagay, maging sa punong kahoy o sa halaman sa parang, sa buong lupain ng Egipto.
Muli ay nakiusap ang hari at matapos mawala ang mga balang ay nagmatigas na naman ito.
Sumunod na mga nangyari ay ang pagkabalot ng kadiliman sa buong Egypt. Sa loob ng 3, lahat ng mga Egyptians ay nanatili sa loob ng bahay dahil wala silang makita.
Kaya naisipan ng hari na pakawalan na ang mga Egyptians.
Umalis kayo, maglingkod kayo sa Panginoon; inyo lamang iwan ang inyong mga kawan at ang inyong mga bakahan; isama rin naman ninyo ang inyong mga bata.
Paano kami makapag-aalay sa Panginoon kung hindi mo ipapadala ang mga hayop, sagot ni Moses. Dadalhin namin ang mga hayop pag-alis namin.
Hindi pumayag ang hari.
Umalis ka sa harapan ko at wag ka nang magpapakita sa akin. Sa susunod na bumalik ka dito ay mamamatay ka, sigaw ng hari.
Tama ka hindi mo na ako makikita pa, sabi ni Moses.
At sinabi ng Panginoon kay Moises, May isang salot pa akong dadalhin kay Faraon at sa Egipto; pagkatapos niyaon ay pahihintulutan niyang kayo'y umalis dito.
At nangyari sa hating gabi, na nilipol ng Panginoon ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egypt, mula sa panganay ng hari, hanggang sa panganay ng bilanggo na nasa bilangguan; at lahat ng panganay sa mga hayop.
At ang hari ay bumangon sa kinagabihan, siya at lahat ng kaniyang mga lingkod, at lahat ng mga Egyptians, at nagkaroon ng isang malakas na hiyawan sa Egypt; sapagka't walang bahay na di mayroong isang patay.
At kaniyang tinawag si Moises at si Aaron sa kinagabihan, at sinabi, Kayo'y bumangon, umalis kayo sa gitna ng aking bayan kayo at sangpu ng mga anak ni Israel; at kayo'y yumaong maglingkod sa Panginoon, gaya ng inyong sinabi. Dalhin ninyo kapuwa ang inyong mga kawan at ang inyong mga bakahan, gaya ng inyong sinabi, at kayo'y yumaon: at isama ninyo sa inyong panalangin na ako ay pagpalain, sabi ng hari.
At ginawa ng mga Israelites ayon sa salita ni Moises; at sila'y humingi sa mga Egyptians ng mga hiyas na pilak, at mga hiyas na ginto, at mga damit: At pinagbiyayaan ng Panginoon ang bayan sa paningin ng mga Egyptians, ano pa't ibinigay sa kanila anomang hingin nila. Umalis sila na dala ang yaman ng Egypt.
Samantala naisip ng hari at ng mga sakop niya na wala nang maglilingkod sa kanila pag wala na ang mga Israelites.
At hinabol sila ng hari at ng kanyang hukbo ang mga Israelites. Naabutan sina Moses malapit sa Red Sea.
Nang makita sila ay natakot ang mga Israelites.
At sinabi ni Moises, Huwag kayong matakot, tumigil kayo, at tingnan ninyo ang pagliligtas ng Panginoon na gagawin sa inyo ngayon: sapagka't ang mga Egyptian na inyong nakikita ngayon, ay hindi na ninyo uli makikita magpakailan man.
At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa ibabaw ng dagat; at pinaghiwalay ng Panginoon ang dagat sa pamamagitan ng isang malakas na hanging silanganan ng buong magdamag, at ang tubig ay nahawi. At ang mga anak ni Israel ay pumasok sa gitna ng dagat sa ibabaw ng tuyong lupa.
At hinabol sila ng mga Egyptians, at nagsipasok na kasunod nila sa gitna ng dagat. Bumalik sa dati ang tubig at lahat ng Egyptians ay nalunod.
At nakita ng Israelites ang dakilang gawa, na ginawa ng Panginoon sa mga Eyptians, at sila ay natakot sa Panginoon: at sila'y sumampalataya sa Panginoon at sa kaniyang lingkod na si Moises.

Friday, September 16, 2016
Ang batang nakipagkita sa Panginoon
May isang batang lalaki na gustong makita ang Panginoon. Alam niyang malayo-layo rin ang kailangan niyang lakbayin kaya nagbaon siya ng twinkies at six-pack rootbeer. May tatlong bloke na ang nalakad niya ng may nakita siyang isang matandang babae. Nakauo ito sa parke at nakatitig sa mga pigeons.
Umupo ang bata sa tabi ng matanda at binuksan ang baon niya. Iinom na sana siya ng rootber nang mapansin niyang tila mukhan gutom ang babae, kaya binigyan niya ito ng twinkie. Malugod na tinanggap ng matanda ang pagkain at ngumiti ito sa kanya. Napakaganda ng ngiti nito at gusto uli makita ng bata kaya inalok niya rin ito ng rootbeer. Muli ay ngumiti ang matanda. Labis na naaliw ang bata. Naupo sila doon maghapon na nagpalitan nang ngiti at pagkain pero hindi sila nag-usap.
Nang dumilim na ay nakaramdam nang pagod ang bata at tumayo na ito para umalis pero bago ito makalayo ay lumingon itong muli sa matanda, binalikan niya ito at niyakap. Sinuklian naman ito nang matanda nang napakalaking ngiti. Nang makarating ang bata sa kanilang bahay ay nagtaka ang ina nito kung bakit mukhang napakasaya nito.
Ano bang ginawa mo ngayon at mukhang napakasaya mo yata, tanong ng ina.
Kumain ako ng tanghalian kasama ng Panginoon, sagot ng bata.
Alam niyo ba, siya ay may pinakamagandang ngiti sa lahat ng nakita ko.
Samantala, maaliwalas at masayang umuwi ang matanda sa kanilang bahay. Nagulat ang anak sa aura ng ina at nagtanong.
Ma, ano bang ginawa niyo ngayon at tila napakasaya ninyo?
Kumain ako ng twinkies sa parke kasama ang Panginoon. sagot ng ina.
Alam mo ba hindi ko akalain na ang bata pa pala niya.
Ang Panginoon ay makikita natin kahit saan. Kailangan lang natin ibahagi ang ating kabutihan at magpasaya ng ibang tao para maramdaman natin Siya.

Hapunan Kasama si Ama
Dinala ng isang lalaki sa restaurant ang ama para sila ay maghapunan. Mahina na ang matandang lalaki kaya habang kumakain ay di maiwasang mahulog ang mga pagkain nito sa kanyang damit. Marami ang nakapuna at nakatingin sa kanila na tila pinagkakatuwaan pa ito ng ibang kustomer pero nanatiling tahimik at kalma lamang ang anak. Naging sento sila ng atensiyon.
Hindi nagpatinag at ikinahiya ng anak ang ginawa ng ama. Matapos kumain ay dinala siya ng kanyang anak sa wash room, pinunasan ang pagkain at tinanggal ang mga mantsang nakadikit sa damit ng ama, inayos niya rin ang buhok nito at ang salamin na suot. Nang makalabas sila ay tahimik na nakamasid ang mga kustomer, hindi nila naisip kung paano nakaya ng lalaki ang kahiya hiyang kilos ng ama. Binayaran ng lalaki ang kinain at sabay na naglakad kasama ang ama.
Isang may edad na lalaki ang nagsalita, "Sa tingin mo ba ay wala kang iniwan?"
Wala akong iniwan sir, sagot ng lalaki.
Meron, Nag-iwan ka ng aral sa lahat ng mga anak at pag-asa sa lahat ng mga ama., sabi ng matandang lalaki.
At natahimik ang buong restaurant.
Ang maalagaan ang mga taong minsan ay nag-aruga din sa atin ay isang malaking karangalan, Alam natin kung gaano tayo kamahal ng ating mga magulang. Mahalin, irespeto at pahalagahan natin sila.

Tuesday, September 13, 2016
Subscribe to:
Posts (Atom)