Saturday, February 11, 2017

Pagpapahalaga sa hirap ng trabaho

Isang fresh graduate na mahusay sa akademiya ang nag-aapply bilang isang manager sa isang malaking kumpanya. Nakapasa siya sa unang interview at ang huling mag-iinterview sa kanya ay ang director mismo ng kumpanya at siyang magdedesisyon ng kanyang kapalaran. Nakita ng director sa records ng aplikante na napakahusay nito sa iskwela at napakaraming achievements nito mula sekondarya hanggang sa nakapagtapos.

Iskolar ka ba sa eskwelahan niyo? tanong ng director.

Hindi po ako iskolar, sagot niya.

Director: Ang tatay mo ba ang nagbabayad ng tuition fee mo?

Aplikante: Namatay ang tatay ko nung ako ay isang taong gulang pa lamang, ang nanay ko ang nagbabayad ng tuition fee ko.

Director: Saan ba nagtratrabaho ang nanay mo?

Aplikante: Labandera po ang nanay ko

Hiniling ng director na makita ang mga kamay ng aplikante. Napakakinis at tila perpekto ang kamay ng aplikante.

Director: Tinutulungan mo ba ang nanay mo sa paglalaba?

Aplikante: Hindi po, gusto kasi ni nanay na lagi akong mag-aral at magbasa. Isa pa mas mabilis naman si nanay maglaba kesa sa akin.

Director: Meron akong isang hiling. Kapag nakauwi ka na sa inyo, linisin mo ang mga kamay ng nanay mo at bumalik ka dito bukas ng umaga.

Pakiramdam ng aplikante na mataas ang posibilidad na siya ay matanggap sa trabaho. Nang makauwi siya, masaya niyang sinabi sa kanyang ina na lilinisin niya ang mga kamay nito. Bahagyang nanibago ang ina, at masaya nitong ipinakita ang mga kamay sa anak. Dahan-dahan sa paglilinis ng kamay ang aplikante. Napaluha siya habang ginagawa ito. Ngayon lamang niya napansin na napakakulubot na ang kamay ng kanyang ina at marami pa itong gasgas. May ibang gasgas na masakit at nanginginig pa ang ina ng kanya itong banlawan ng tubig.

Na-realized ng aplikante na ang mga kamay na ito ay walang tigil sa paglalaba araw-araw para siya lamang ay may ipambayad sa kanyang paaralan. Ang mga gasgas sa kamay ng ina ang naging kapalit para siya ay makapagtapos at magkaroon ng magandang kinabukasan. Matapos linisin ang kamay ng ina ay tinapos na rin ng aplikante ang labahin na hindi pa natatapos labhan ng ina. Noong gabi rin iyon ay nag-usap ang mag-ina ng matagal. Kinaumagahan ay bumalik ang aplikante sa opisina.

Napansin ng director na namamaga ang mata ng aplikante dahil sa pag-iyak.

Director: Pwede mo bang sabihin sa akin kung ano ang ginawa mo at natutunan kagabi sa inyong bahay?

Aplikante: Nilinis ko ang kamay ni nanay at tinapos ko na rin labhan ang mga labada niya.

Director: At ano ang naramdaman mo?

Aplikante: Una, alam ko na ang pagpapahalaga. Kung wala si nanay ay hindi ko mararating kung ano ako ngayon. Ikalawa, sa pamamagitan ng pagtulong ko kay nanay, narealize ko ang hirap at pagod para matapos ang isang gawain. Ikatlo, ngayon naiintindihan ko na dapat pahalagahan at panatilihin ang magandang samahan ng isang pamilya.

Director: Iyan ang hinahanap ko na katangian para sa isang manager. Isang taong may pagkilala sa tulong ng iba, yung ramdam ang paghihirap ng iba para lamang matapos ang kanyang gawain, isang taong hindi lamang pera ang layunin sa buhay. Tanggap ka na.

Kapag ang isang tao ay hindi naranasan at naiintindihan ang hirap ng isang mahal sa buhay para siya ay mabigyan lamang ng maginhawang buhay, ay hindi nila ito kailanman pahahalagahan. Importanteng maranasan mo ang hirap at matutunang pahalagahan ang ginagawa nila kapalit ng ibinibigay nila na kaginhawaan.

Saturday, January 28, 2017

Ang basang pantalon

Image and video hosting by TinyPic

May isang siyam na taong gulang na bata na nakaupo sa kanyang desk, sa hindi inaasahan ay biglang nakaihi ang bata at ito ay tumulo sa kanyang pantalon. Nabasa ang pantalon ng bata lalong lalo na sa harapan na mahahalatang siya ay nakaihi.

Pakiramdam ng bata ay tumigil ang pagtibok ng kanyang puso dahil sa sobrang kaba. Paano ba ito nangyari hindi naman siya dating ganito. Kapag nalaman ng mga kaklaseng lalaki ito ay hindi na siya titigilan ng mga ito.

Kapag ang mga kaklaseng babae naman ang nakaalam ay malamang hindi na siya kakausapin ng mga ito habang buhay. Sobrang kaba ang nararamdaman niya kaya napayuko ang bata at nagdasal.

"Dear God emergency po ito. Kailangan ko po ng tulong. Limang minuto mula ngayon ay patay ako sa mga kaklase ko.

Matapos magdasal at maghintay ng sagot sa kanyang panalangin ay nakita ng bata ang kanyang guro na nakatingin sa kanya na para bang alam ang nangyari sa kanya.

Nang papalapit na ang kanyang guro, ang kaklase niyang si Susie na may dalang bowl goldfish na nakalagay sa bowl na puno ng tubig ang lumapit sa kanya. Natapilok si Susie sa harapan ng guro at natapon ang dalang tubig nito sa pantalon ng bata.

Nagkunwari ang batang nakaihi na siya ay galit sa pagkakatapon sa kanya ng tubig. At gayunman sa isip ng bata ay ang pagpapasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa kanya ng tulong.

Kaya sa halip na maging katatawanan ang bata ay naging kaawa-awa ito sa paningin ng mga kaklase. Tinulungan ito ng guro at binigyan ng shorts pampalit sa nabasang pantalon nito.

Ang ibang bata naman ay nilinis at pinunasan ang desk ng batang nakaihi. Mabuti na sana ang nangyari ngunit sinisisi ng iba si Susie sa pagiging lampa nito.

Nang matapos ang klase, habang naghihintay sila sa bus ay nilapitang ng batang lalaki si Susie.

Sinadya mo ang pagkakatapon ng tubig no, tanong ng batang nakaihi.

Ganyan din ako dati, nakaihi rin ako, sagot ni Susie.

Lahat tayo ay dumaan sa mabuti at masamang pangyayari sa ating buhay. Dapat nating alalahanin ang ating naramdaman nung tayo ay nakaranas ng di-magandang karanasan at huwag pintasan ang mga taong pinagdaanan din ito. Lagi mong iintindihin ang hirap ng kanilang sitwasyon at ilagay ang sarili natin sa kanilang lugar at ipagdasal natin na tayo ay nasa maayos na kalagayan para tumulong sa mga taong nangangailangan.

Saturday, January 21, 2017

Ang Bulag na Pag-ibig

Image and video hosting by TinyPic

May isang babae ang kinasusuklaman ang kanyang sarili dahil siya ay bulag. Kinasusuklaman niya ang lahat ng tao, maliban sa kanyang mapagmahal na kasintahan. Siya ay laging naroon para sa kanya.

Sinabi ng babae na kung maaari lamang siyang makakita ay gusto niyang magpakasal sa kanyang kasintahan. Isang araw ay may isang tao ang nagdonate ng pares ng mata para sa babae para ito ay makakita. At ngayon ay nakakakita na ang babae pati na ang kanyang boyfriend.

Ngayong nakikita mo na ang mundo, ay maaari mo na ba akong pakasalan, tanong ng kanyang boyfriend.
Nagulat ang babae ng makita at malaman niya na bulag din pala ang kanyang boyfriend. Tinanggihan ng babae ang alok nitong kasal sa kanya.

Umalis na lumuluha ang kanyang boyfriend matapos nito ay nakatanggap ng mensahe ang babae mula sa kanya---

"Mahal, ingatan mo na lang ang mga mata ko"...

Saturday, January 14, 2017

Patatas Itlog at Coffee Beans

Noong unang panahon isang anak na babae ang nagreklamo sa kanyang ama dahil miserable ang kanyang buhay at hindi niya alam kung papaano niya ito malalagpasan. Pagod na siyang maghirap at lumaban sa buhay. Tila pag may problema siyang nalulutas ay agad na naman itong papalitan ng bagong problema.

Dinala siya ng kanyang ama na isang chef sa kusina. Pinuno niya ang tatlong kaldero ng tubig at isinalang sa apoy. Nilagyan niya ang isang kaldero ng patatas, ang isa ay itlog at isang kaldero naman at coffee beans ang inilagay niya.

Tahimik lang ang ama habang pinakukuluan ang tatlong kaldero. Dumaing ang anak na babae na inip na inip sa paghinhintay sa kung ano ang ginagawa ng ama.

Makalipas ang 20 minuto ay pinatay na ang apoy sa kaldero. Kinuha niya ang patatas at itlog at inilagay sa plato. Inilagay din ng ama ang kape sa tasa.

Ama: Ano ngayon ang nakikita mo?

Anak: patatas, itlog at kape

Ama: tingnan mong mabuti, hawakan mo ang patatas

Hinawakan nga ng babae ito at napansin niya na ito ay lumambot. Pinakuha rin sa kanya ng ama ang itlog para ito ay basagin. Matapos balatan ang itlog ay nakita niya ang hard boiled na itlog. Pagkatapos ay ipinainom ng ama ang kape sa anak. Napangiti ang babae sa bango ng aroma ng kape.

Anak: ano ba ang ibig sabihin nito

Ipinaliwanag ng ama na ang patatas, itlog at coffee beans ay parehong isinalang sa kumukulong tubig. Pero ang bawat isa sa kanila ay may ibat-ibang reaksyon.

Ang patatas na matigas kapag isinalang sa kkumukulong tubig ay nagiging malambot.

Ang itlog na manipis at parang liquid pag isinalang sa kumukulog tubig ay nagiging matigas.

Gayunman, ang coffee beans ay kakaiba. Matapos itong isalang sa kumukulong tubig ay nag-iba ang tubig at nakagawa ng bagong produkto mula dito.

Ama: Saan ka ba dito? Kapag kinatok ka ba ng kahirapan at pagsubok paano mo ba ito hinaharap? Isa ka bang patatas, itlog o coffee beans?


Sa buhay, may mga bagay na mangyayari sa ating paligid, may mga bagay na mangyayari sa atin, ngunit ang tanging bagay na tunay na mahalaga ay kung ano ang mangyayari sa ating kalooban.

Alin ka diyan?

Ang Bawat Isa ay May Istorya sa Buhay

Sa loob ng tren ay nakasakay ang 24 taong gulang na lalaki at ng ito ay nakatingin sa bintana ay sumigaw ito..

Pa, tingnan mo ang mga puno ay nakasunod sa atin sa likod...

Ngumiti ang ama.

Isang pares na nakaupo malapit sa kanila ang nakapansin sa pagiging isip bata ng lalaki at sila ay nakaramdam ng awa para dito.

Bigla na naman sumigaw ang lalaki.

Pa, tingnan mo ang mga ulap, tumatakbo rin kasabay natin.

Hindi na napigilan ng dalawa at kinausap na ang ama ng lalaki.

Bakit hindi mo dalhin sa doktor ang anak mo?

Ngumiti ang ama ng lalaki.

Dinala ko na siya at ang totoo niyan ay sa hospital kami galing, ipinanganak na bulag ang anak ko, at ngayon lang siya nagsimulang makakita.

Lahat ng tao sa mundo ay may sariling kwento. Huwag mong husgahan ang tao dahil hindi mo sila kilala. Baka magulat ka pag nalaman mo ang kwento ng buhay nila.

Sunday, December 18, 2016

Si Elisha at ang Mayamang Babae na Taga-Shunen

Isang araw ay napunta si Elisha sa Shunen kung saan may isang mayamang babae siyang nakilala. Inimbitahan siya nitong kumain kumain, kaya kapag pumupunta si Elisha sa Shunen ay nakagawian na niyang doon kumain sa bahay ng babae. Sinabi ng babae sa asawa niya na si ELisha malamang ay isang lalaking banal.

Babae: Gumawa tayo ng isang maliit na silid sa pader, palagyan natin ng mesa, higaan upuan at lampara para maging tulugan niya kapag pumupunta siya rito.

Isang araw ay nagpunta si ELisha sa Shunen at pumasok siya sa kanyang kwarto upang magpahinga. SInabihan niya ang kanyang alalay na si Gehazi na puntahan at tawagin ang babae. Nang dumating ang babae sinabihan ni Elisha si Gehazi na tanungin ang babae kung ano ang magagawa niya para masuklian ang mga kabutihan at pagtugon nito sa kanyang mga pangangailangan. Baka gusto niyang pumunta ako sa hari o sa pinuno ng militar para pabanguhin ang kanyang pangalan.

Babae: Nasa akin na ang lahat kasama ng aking mga tauhan

Elisha: Ano ngayon ang magagawa ko para sayo

Gerhazi: Wala siyang anak at matanda na ang kanyang asawa

Elisha: Sabihin mong lumapit siya sa akin

Lumapit ang babae at tumayo sa may pintuan

Elisha: Simula ngayon hanggang sa susunod na taon ay pagkakalooban ka ng anak na lalaki

Babae: Pakiusap sir, huwag po kayong magsinungaling. Isa po kayong alagad ng Diyos

Nang sumunod na taon ay nagsilang nga ng lalaking sanggol ang babae. Lumipas ang mga taon at anihan na pumunta ang batang lalaki sa taniman para tulungan ang kanyang ama na mag-ani. Bigla na lang napasigaw at napaiyak ang bata.

Bata: Ang sakit ng ulo ko. Ang sakit ng ulo ko.

Ama ng bata: dalhin niyo ang anak ko sa kanyang ina

Dinala ng utusan ang bata sa kanyang ina. Niyakap ng ina ang anak sa magdamag hanggang sa ito ay binawian ng buhay. Kinarga ng babae ang anak at dinala sa kuwarto ni Elisha. Doon ay inihiga niya ang bata sa kama saka umalis at isinirado ang pintuan. Sinabihan ng babae ng babae ang kanyang asawa na magpahanda ng asno.

Babae: Kailangan kong puntahan ang propetang si Elisha. Babalik ako kaagad.

Lalaki: Bakit ngayon ka aalis? Hindi naman Sabbath o New Moon Festival

Babae: bahala na

Inutusan ng babae ang taga-silbi na bilisan ang pagpapatakbo sa asno. At umalis patungong Mount Carmel ang ginang kung saan naroroon si ELisha. Malayo pa lang ay natanaw na ni ELisha ang babae.

Elisha: Tingnan mo Gerhazi, ang babaeng taga-Shunen ay papunta rito. Lapitan mo siya at tanungin kung nasa maayos na kalagayan ba sila ng kanyang asawa at anak. Sinabi ng babae kay Gehazi na okay lang siya. Ngunit ng si Elisha na ang nakaharap niya ay yumuko siya at hinawakan ang mga paa nito. Itutulak sana siya ni Gehazi ngunit sinabi ni Elisha na hayaan na lamang ito.

Elisah: Hindi mo ba nakikita na labis ang kanyang pagkabalisa, at hindi nasabi ng Panginoon sa akin ang mga bagay na ito

Babae: Sir humingi po ba ako sa inyo ng anak? Di ba sinabi ko po sa inyo na wag niyo po akong paasahin.

At pinag-utusan ni Elisha si Gehazi

Elisha: Magmadali ka. Kunin mo ang aking tungkod at humayo ka. Huwag kang huminto para bumati sa kahit na sino man na iyong makakasalubong at huwag ka na ring mag-aksaya ng oras para batiin sila pabalik. Dumeretso ka sa bahay at ituon mo ang aking tungkod doon sa bata.

Babae: Sumusumpa ako na ako ay magiging tapat sa ating buhay na Panginoon at sa iyo at kahit kailan ay hindi ako bibitaw.

Kaya sabay na nagtungo si Elisha at ang ginang paunta sa Shunen. Nauna na si Gehazi at isinagawa ang uto ni Elisha pero nanatiling walang buhay ang bata. Pinuntahan ni Gehazi si Elisha upang sabihin na hindi nabuhay ang bata. Dumating si Elisha at mag-isang tinungo ang kuwarto kung saan nakalatag ang patay na bata. Isinirado niya ang pinto at nagdasal. Humiga si Elisha sa bata at inilapit ang kanyang bibig mata at kamay sa bibig mata at kamay ng bata. Habang iniunat niya ang kanyang katawan sa bata ay unti-untin uminit ang malamig na bangkay ng bata. At muli ay iniunat niya ang katawan sa bata. Bumahin ang bata ng pitong beses at nagbukas ng mga mata. Sinabihan ni ELisha si Gehazi na tawagin ang ina ng bata/

Elisha: narito ang anak mo

Nang makita ng ina na nabuhay ang anak ay napayuko siya sa paanan ni ELisha at humalik sa sahig. Matapos nito ay umalis na ang babae kasama ang kanyang anak.

Tuesday, December 6, 2016

Kiko Matos Denepensahan si Baron Geisler

Naniniwala ang indie actor na si Kiko Matos na malalampasan ng kaibigan niyang si Baron Geisler ang panibagong pagsubok na kinakaharap nito bunga ng sigalot na nangyari sa kapwa aktor na si Ping Medina.

Kabilang si Kiko sa mga dumalo sa press conference nitong Martes para sa pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na "Kabisera," na pinagbibidahan ni Nora Aunor.

Paliwanag din ng aktor, nagkataon lang at walang kinalaman ang social experiment at documentary film na ginawa nila ni Baron sa nangyaring insidenteng kinapalooban naman ni Ping at ni direk Arlyn dela Cruz sa isang indie movie.

Ikinalulungkot daw ng aktor ang nangyayari kina Baron at Ping na kapwa niya kaibigan, at maging kay direk Arlyn.

Kamakailan lang, nagdesisyon ang Professional Artist Managers, Inc. (PAMI) na pagbawalan ang kanilang talents na makatrabaho si Direk Arlyn at si Baron, kasunod ng mga inihain na reklamo ng kampo ni Ping.

Naaawa man siya sa kaibigan, iginiit ni Kiko na kailangang harapin ni Baron ang nangyari.

“I feel sorry for Baron. Pero may ginawa siya, at may consequences 'yon. May mga ginagawa tayo na hindi natin alam ang kalalabasan, pero dahil ginawa mo 'yun, kailangan harapin mo. Kung may payo ako sa kaniya, 'yon ang bibigay ko,” saad ni Kiko.

“Kaibigan ko si Baron at Ping at katrabaho ko si Direk Arlyn. Kasama rin ako sa 'Bubog.' Ayoko munang mag-comment sa nangyayari sa kanila kasi mahirap na. It's hard to take sides right now,” dagdag pa ng aktor.

Bilang isang kaibigan, nasaksihan na umano ni Kiko ang pag-uugali ni Baron, lalo na kapag nagkakainuman sila.

Gayunpaman, iniiwasan na lang umano niya ang sama ng loob at iniisip ang masasayang alaala ng kanilang pagkakaibigan.

“Si Baron kasi, in my opinion, you need to have a certain level of understanding for him, to appreciate him and accept him. Nakasama ko na siya sa bahay ko, ilang beses, nagkainuman kami. Marami siyang ginawa na pinalampas ko na lang. Kasi after everything, naging masaya tayo. Ayoko rin naman ma-feel niya na naging kaibigan ko siya para lang ma-expose siya. Kung anoman 'yung ginawa niya, sa akin na 'yon,” paliwanag niya.

Matapos kumalat sa social media ang isyu sa pagitan ni Baron at Ping, sinubukan raw ni Kiko na kausapin ang kaibigan.

“Mabigat ang pinagdaraanan niya. I've been trying to text him. Sumasagot naman, pero mahahalata mo naman na kailangan munang pabayaan. Halos lahat na ng tao, mine-message siya, tinatanong. Siyempre, mahirap 'yon. Naranasan ko ring maging viral at tanungin ng lahat ng tao, ma-bash ng lahat. Alam ko ang pinagdaraanan niya,” aniya.

Naniniwala si Kiko na malalampasan ni Baron ang kaniyang pinagdaraanan, lalo na't hindi naman ito ang unang beses na nasangkot ang aktor sa isyu at nag-viral pa sa social media.

May iilan mang nagsasabi na kailangan nang ipasok si Baron sa rehabilitation center, para kay Kiko, kailangan lamang nito ng isang kaibigan makakaunawa at makakatanggap sa kaniya.

“Kailangan niya lang ng kaibigan na nakasuporta sa kaniya. Matibay si Baron, yung mga issue na ito, kaya niyang daanan 'yan. Hindi naman ito ang first time na nagkaroon siya ng issue at nag-viral. Kayang-kaya niya 'yon. Ang tapang niya,” ayon pa kay Kiko.

Payo niya sa mga susunod na makakaharap ni Baron; “Si Baron, alam ko kung paano siya laruin: Kapag nagalit siya, tumakbo ka na lang. Huwag ka nang lumapit. Bago pa siya may gawin sa'yo, lumayo ka na. Kapag kalmado na siya, doon mo balikan. 'Yon lang ang technique kay Baron,” ayon kay Kiko na nagsabing handa siyang tumulong kay Baron sakaling kailanganin nito ng kaibigang masasandalan.
FRJ, GMA News

From: http://www.msn.com