Friday, July 25, 2025
Huli sa Bra: Babaeng May Dalang Pagong, Nabuking sa Airport
Nagulat ang mga tauhan ng TSA (Transportation Security Administration) matapos mahuli ang isang babae na nagtangkang ipuslit ang dalawang buhay na pagong sa loob ng eroplano.
Noong Hulyo 22, nag-post ang TSA sa X ng mga larawan na kuha sa isang checkpoint ng paliparan, kung saan makikitang nasa lalagyan ang dalawang buhay na pagong.
Ayon sa kanilang pahayag, muling nananawagan ang ahensiya na itigil na ng mga pasahero ang pagtatago ng mga hayop sa kakaibang bahagi ng katawan.
Batay sa ulat, inilabas umano ng pasahero ang dalawang pagong mula sa kanyang dibdib. Ayon sa tagapagsalita ng TSA, naganap ang insidente noong Abril sa Miami International Airport. Napansin ng Advanced Imaging Technology ang kahina-hinalang bahagi sa dibdib ng babae, kaya’t dito niya inalis ang dalawang buhay na pagong.
Dumating sa lugar ang Miami-Dade Sheriff’s Office, U.S. Customs and Border Protection, at Florida Department of Fish and Wildlife upang tumugon sa insidente.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment