Sa Pontiac, Michigan, isang kumpanya ng demolisyon ang gumiba ng maling gusali. Naniniwala ang mga investigator na ang may-ari ng isang bahay na nakatakdang wasakin ay ipinako ang mga numero ng kanyang sariling address sa bahay ng isang kapitbahay upang maiwasan ang demolisyon.
Kabaligtaran ang ginawa ni Jesus. Nagmisyon siya na hayaan ang kanyang sariling "bahay" na masira para sa kapakanan ng iba. Nakakalito kung iisipin at kahit mga disipulo niya ay hindi ito maintindihan. Malamang ay nagkatinginan sila sa isa't isa habang hinahamon Niya ang mga pinuno ng relihiyon. "Wasakin ang templong ito," sabi ni Kristo, "at itatayo ko itong muli sa tatlong araw" (John 2:19). Galit na sagot ng mga pinuno, "Tumagal ng apatnapu't anim na taon upang maitayo ang templong ito, at itatayo mo ito sa loob ng tatlong araw?" (v. 20).Ngunit alam ni Jesus na ang tinutukoy Niya ay ang templo ng Kanyang sariling katawan (v. 21). Pero sila ay hindi.
Hindi nila maintindihan na dumating Siya upang ipakita na ang pananakit na ginagawa natin sa ating sarili at sa bawat isa ay sa kanya lahat babagsak. Siya ang magbabayad.
Alam ng Hesus ang laman ng ating mga puso, higit pa kesa sa atin. Kaya't hindi Niya ipinagkatiwala ang kabuuan ng Kanyang mga plano kahit sa mga nakakita sa Kanyang mga himala at naniwala sa Kanya (vv. 23-25).Noon hanggang ngayon ay unti-unti niyang inilalantad ang pag-ibig at kabutihan sa mga salita ni Hesus na hindi natin maintindihan kahit na sinabi Niya sa atin.
Ama sa langit, mangyaring tulungan akong maniwala na Palagi kang nasa aking likuran na gumagawa ng higit pa —at mas makakabuti kahit hindi ko man maintindihan.
No comments:
Post a Comment