Wednesday, November 4, 2020

Kahit sa Taco



Sina Ashton at Austin Samuelson ay nagtapos mula sa isang Christian College na may matinding pagnanasang maglingkod kay Jesus. Gayunpaman, wala ni isa sa kanila ang nakaramdam ng pagnanais na pumasok sa simbahan para maging pari o pastor. Nagtulungan sila upang hindi man mawakasan kundi maibsan naman kahit papaano ang world hunger sa pamamagitan ng kanilang entrepreneurial skills, at noong 2014 ay naglunsad ng isang restaurant na naghahain ng mga taco. Ngunit hindi ito isang ordinaryong restaurant. Ang Samuelsons ay nagpapatakbo ng buy-one-give-one philosophy. Para sa bawat pagkain na binili, nagdodonate sila ng pera upang magbigay ng pagkain na partikular na idinisenyo upang matugunan ang mga pangangailangan sa nutrisyon ng mga batang malnourished. Sa ngayon, nakagawa sila ng mga kontribusyon sa higit sa 60 na mga bansa. Ang kanilang hangarin ay maging bahagi o instrumento upang wakasan ang childhood hunger - kada isang taco.
Ang mga salita ni Jesus sa Mateo 10 ay hindi cryptic. Ang mga ito ay nakakagulat at malinaw: ang debosyon ay ebidensya ng mga aksyon, hindi ng mga salita (vv. 37–42). Isa sa mga aksyon na iyon ay ang pagbibigay sa "maliliit." Para sa mga Samuelson, ang pokus nila ay ang pagbibigay sa mga bata. Ngunit tandaan, ang "maliliit" ay hindi isang parirala na limitado para sa mga bata at murang edad. Tinatawag tayo ni Cristo na ibigay sa sinumang may "maliit na account" sa paningin ng mundong ito: ang mahirap, maysakit, ang bilanggo, ang refugee, ang mga naagrabyado. At ano ang ibibigay? Kaya, sinabi ni Jesus na "kahit isang tasa ng malamig na tubig" (v. 42). Kung ang isang bagay na maliit at simple tulad ng isang tasa ng malamig na tubig ay pwede na, kung gayon ang isang taco ay tiyak na umaangkop mismo sa linya.
Hesus, bigyan mo ako ng mga mata na makakakita at mga tainga na makaririnig ngayon, upang makapaglingkod ako, kahit sa maliit na paraan, sa mga maliliit na mga tao na maaring makasalamuha ko.

No comments:

Post a Comment