Sunday, November 1, 2020
Para Kanino?
Pinatawa ako ng malakas ng litrato. Ang mga tao ay nag-linyahan sa isang avenue sa Mexico, kumakaway ng mga watawat at nagtatapon ng confetti habang hinihintay nila ang Santo Papa. Sa gitna ng kalye ay may isang ligaw na tuta na palakad-lakad na parang ngumingisi at natutuwa, baka iniisip ng tuta na ang mga palakpak ay para sa kanya.
Nakakatuwa na ang isang tuta ay nang-agaw ng eksena ngunit ang pagkuha ng papuri na hindi para sa atin ay maaaring makasira sa atin.
Alam ito ni David, kaya tumanggi siya na inumin ang tubig kung saan ang kanyang makapangyarihang mandirigma ay buwis-buhay para makuha lamang ito. Maingat niyang sinabi na masarap kung may kumuha ng inumin mula sa balon sa Bethlehem. Tatlo sa kanyang mga sundalo ang literal na ginawa ito at kumuha nga sila ng tubig. Pumunta sila sa kuta ng kalaban at kumuha ng tubig at dinala ito sa kanya. Dahil sa debosyon ng mga ito sa kanya ay tinanggap ni David ang tubig. Tumanggi siyang uminom ng tubig, ngunit "ibinuhos ito sa harap ng Panginoon" bilang handog na inumin (2 Samuel 23:16).
Makikilala natin ang ating mga sarili, kung paano tayo tumugon sa mga papuri at parangal. Kapag ang papuri ay para sa iba o lalo na sa Diyos, huwag tayong umepal o pumapel. Ang parada ay hindi para sa atin. Kapag ang karangalan ay nakadirekta sa atin, pasalamatan natin ang tao at pagkatapos ay palakihin ang papuri sa pamamagitan ng pagbibigay ng lahat ng kaluwalhatian kay Hesus. Ang "tubig" ay hindi rin para sa atin. Magpasalamat, pagkatapos ay ibuhos ito sa harap ng Diyos.
Diyos, nawa'y ang mga salita ng pagpupuri sa Iyo ay laging lumabas sa aking mga labi. Ikaw lang ang karapat-dapat sa papuri!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment