Isang araw ay nakita ng isang lalaki ang isang matandang babae sa gitna ng kalsada. Kahit medyo dumidilim ang paligid dahil sa ulan ay napansin pa rin ng lalaki na nangagailangan ng tulong ang matandang babae.
Kahit nakangiti ang lalaki ay nag-alala pa rin ang babae. Ilang oras na kasi siyang nakatayo doon pero ni isa ay walang nagbakasakali na siya ay tulungan. Dahil sa mahirap at mukhang patay gutom ito kaya iniisip niya kung mapagkakatiwalaan ba ito. Nahalata ng lalaki na natatakot ang matanda at tila nanlalamig.
Lalaki: Nandito ako para tulungan kayo ma'am.
Bakit hindi na lang kayo pumasok sa loob ng sasakyan para hindi kayo malamigan. Ako nga pala si Bryan Santos.
Pumutok ang gulong ng kotse ng babae pero dahil sa edad niya ay nahirapan siya dito. Sinimulan ng ayusin at palitan ni Bryan ang gulong. Matapos ito ay nadumihan at sumakit ang mga kamay niya. Habang ginagawa niya ang sasakyan ay kinausap siya ng matanda. Sinabi nito kung saan siya galing at malaki ang pasasalamat niya sa pagtulong ni Bryan.
Napangiti lang si Bryan. Tinanong ng babae kung magkano ang ibabayad niya dito. Mayaman ang babae at kahit magkano ay ibibigay niya. Iniisip niya kung ano kaya ang nangyari sa kanya kung hindi dumating si Bryan. Pero hindi inisip ni Bryan na may kapalit ang kanyang pagtulong. Para sa kanya hindi ito trabaho. Ito ay ang pagtulong sa mga nangangailangan at alam ng Diyos na marami na rin ang tumulong sa kanya nung siya man ay nangailangan din. Namuhay siya ng ganito at kahit kailanman ay hindi niya inisip ang humingi ng kabayaran sa kanyang pagtulong.
Bryan: Kung gusto niyo talaga akong bayaran ay tulungan niyo na lang sa susunod na may makita kayong nangangailangan at isipin niyo ako.
Hinintay ni Bryan na makaalis ang babae. Napakalamig ng panahon at may dinadala rin siyang problema pero gumaan ang loob niya ng siya ay may natulungan. Dumiretso na si Bryan sa bahay.
Ilang milya ang dumaan at may nakita ang babae na isang maliit na cafe. Naisipan niyang magmerienda muna dito. Mukhang madumi ang restaurant at hindi siya sanay sa ganitong uri ng lugar. Binigyan siya ng waitress ng tuwalya para pampunas sa basa niyang buhok. Nakangiti ang matanda, mula ng tulungan siya ni Bryan ay hindi na nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Napansin ng babae na mukhang 8 buwan ng buntas ang waitress pero hindi pa rin nito iniinda ang pagod at nanatili itong maayos at magalang sa kanya. Naisip niya na may mga tao pala na kahit salat sa buhay ay nanatili pa ring mapagbigay sa kapawa. At naisip niya si Bryan.
Matapos kumain ay binayaran na ng matanda ang kanyang bill. Ibibigay na sana ng waitress ang sukli pero agad agad ng umalis ang babae at sadyang iniwan ang kanyang sukli. Iniisip ng waitress kung saan niya makikita ang matanda at doon ay nakita niyang may nakasulat sa napkin na naiwan sa mesa.
Napaiyak ang babae ng nabasa niya ang mensahe ng matanda...
Mensahe: Hindi ka magkakautang sa akin. Minsan na rin akong napunta sa sitwasyon mo. Meron din tumulong sa akin, gaya ng pagtulong ko sa iyo ngayon. Kung gusto mo talaga akong bayaran, ito ang dapat mong gawin..huwag mong hayaan na matapos dito ang pagpalaganap ng kabutihan sa kapwa. Sa ilalim ng napkin na ito ay may P20,000.
Madami pa ang mesang lilinisin, plato na pupunuin at mga kustomer na kailangan pagsilbihan, lahat ito kinaya ng buntis na waitress. Nang gabi din iyon at habang pahiga na siya sa kama ay naisip niya ang matanda at ang pera. Paano nalaman ng matanda na kailangan niya at ng asawa ang pera. Sa susunod na buwan na siya manganganak at mahirap talaga ang gastos. Alam niyang nag-aalala ang asawa niya. Bago siya mahiga sa tabi nito ay hinalikan niya ang asawa sa pisngi sabay bulong ng "huwag ka ng mag-alala, may pambayad na tayo sa hospital. I love you Bryan Santos..