Wednesday, April 15, 2026

Veil of Shadows Episode 17 Tagalog

 Pagkatapos matalo ni Chi Wen si Yuan Wuhuo, bumalik kay Wu Shiguang ang isa pang bahagi ng Dragon Deity’s power. Doon niya nalaman ang katotohanan—siya pala ang “Tenth Dragon Son,” nilikha para tulungang i-seal si Jiu Ying, at plano pa ni Chi Wen na isakripisyo ang sarili niya para dito.

Sa totoong mundo, tinulungan ni Chi Wen na bigyan ng mapayapang wakas ang petrified na clan ni Wu Zhiqi. Si Lu Wuyi naman, muntik nang kunin ang ring ni Chi Wen para sa sarili niyang plano, pero nagdalawang-isip siya at ibinalik ito. Halatang pareho silang sinusubok ang isa’t isa, kaya naging komplikado ang feelings nila.

Ibinahagi rin ni Chi Wen na si Yuan Wuhuo ay dati niyang sobrang lapit—parang kapatid sa nakaraan—pero nagkahiwalay din sila dahil sa paglipas ng panahon.

Samantala, nagkita muli sina Wu Shiguang at Wu Wangyan, pero masakit ang katotohanan. Inamin ni Wangyan na ang sect nila ay kontrolado pala ni Jiu Ying, at hindi niya alam na siya mismo ay naging bahagi ng massacre ng clan ni Shiguang dahil minanipula ang kanilang mga alaala.

Kahit may feelings pa sila sa isa’t isa, naging hadlang ang katotohanang iyon.

Sa gabi ng full moon, nilabanan ni Wu Wangyan ang tawag ng kanyang sect at pumunta mag-isa sa isang liblib na kagubatan. Habang inaalala ang masasayang alaala nila ni Shiguang, napaiyak siya. Sinubukan niyang putulin ang kanyang spiritual tail para tuluyang makawala sa sect, pero dumating si Shiguang at pinigilan siya, nakiusap na harapin nila ang lahat nang magkasama. Sa huli, naglaho si Wangyan habang nasa mga bisig ni Shiguang.

Kasabay nito, nanatili si Lu Wuyi kay Chi Wen pero nakakaramdam siya ng lungkot at pag-aalala, lalo na kung babalik si Chi Wen sa Formless Moon Sect. Mas lalo rin siyang naniwala na si Chi Wen ay maaaring si Ji Ling.

Bago pa siya makakuha ng sagot, bigla siyang hinila pabalik ng kapangyarihan ng Formless Moon.

Veil of Shadows Episode 16 Tagalog

 Nagkita ulit sina Chi Wen at Yuan Wuhuo—ang kaibigan niyang akala niya ay patay na. Pero buhay pala ito at kakampi na ni Jiu Ying. Ipinakita ni Yuan Wuhuo na mas malakas na siya ngayon at nakuha pa niya ang kapangyarihan ng Dragon Deity mula kay Wu Zhiqi. Malamig na ang ugali niya at sinabi niyang gusto niyang pabagsakin si Chi Wen.

Bago siya humabol, pinigilan muna ni Chi Wen si Lu Wuyi gamit ang kapangyarihan niya para manatili ito sa ligtas na lugar, kahit ayaw nito.

Sa loob ng unti-unting namamatay na ilusyon, nagkita muli sina Wu Shiguang at Wu Wangyan kahit parehong sugatan. Alam nilang hindi na sila makakaligtas, pero sinabi ni Wangyan na wala siyang pagsisisi basta magkasama sila. Hiling lang niya na huwag siyang kamuhian ni Shiguang. Sa huli, nagyelo sila at namatay na magkayakap.

Sa labas, sinubukan silang iligtas ng grupo. May fragment ni Jiu Ying na humarang, pero nagsakripisyo ang ama ni You Chi para talunin ito at muling buksan ang daan palabas. Dahil doon, nakalabas silang lahat sa ilusyon.

Pagkatapos, may lumitaw na espiritu ni Xie Lingxi at ibinunyag ang malaking sikreto—si Shiguang pala ay ang Tenth Dragon Son at nakababatang kapatid ni Chi Wen. Nilikha siya mula sa Dragon Stone, at ang massacre ng clan niya ay dahil hinahanap siya ni Jiu Ying para gamitin laban kay Chi Wen.

Nakaramdam ng matinding guilt si Shiguang, pero pinakalma siya ni Wangyan. Nalaman din niya na unti-unting nagigising ang kapangyarihan niya, at kailangan niyang makumpleto ito para maging tunay na dragon.

Samantala, nalaman ni Wu Zhiqi ang masakit na katotohanan—hindi talaga kayang ibalik ng Star Stone ang mga naging bato niyang clan. Isa lang itong kasinungalingan para bigyan siya ng dahilan mabuhay. Tinanggap niya ito at humiling na palayain na ang kanyang clan mula sa paghihirap bago siya tuluyang maglaho.

Sa ibang bahagi, hinabol ni Chi Wen si Yuan Wuhuo at naglaban sila. Sa una, nalagay sa alanganin si Chi Wen, pero nagising ang nakatagong kapangyarihan niya at nakabawi siya. Nakuha niya ang artifact, pero may problema—hindi bumalik sa kanya ang Dragon Deity power gaya ng inaasahan niya.

Veil of Shadows Episode 15 Tagalog

 Biglang sinalakay ang Flood Dragon clan sa isang madugong massacre. Pagbalik nina Wu Shiguang at Wu Wangyan, nadatnan nila ang mga kalabang naka-human skin masks na walang awang pumapatay. Sa gitna ng kaguluhan, may lumabas na pekeng Wu Wangyan—at doon nabunyag na may tinatago siyang sikreto tungkol sa “isa pang bersyon” ng sarili niya. Kalaunan, nalaman na kontrolado ito ng demonyong si Jiu Ying, at ipinagtanggol ni Shiguang ang tunay na Wangyan.

Veil of Shadow Episde 14 Tagalog

 Hawak ni Chi Wen si Lu Wuyi nang bigla silang maibalik sa prayer ceremony. Sa labas ng ilusyon, ipinaliwanag ni Bai Ze na hindi mababago ang nakaraan—kahit anong gawin nila, aayusin ng ilusyon ang sarili nito para manatili sa tamang takbo ng kapalaran.

Nang mapag-isa sila, tinanong ni Chi Wen si Lu Wuyi kung ililigtas pa rin ba siya kahit wala siyang kapangyarihan. Sinabi niyang hindi, pero halatang gagawin pa rin niya iyon.

Nagkaroon sila ng tahimik na usapan tungkol sa “invisible moon.” Ibinahagi ni Lu Wuyi na pakiramdam niya noon ay hindi siya nakikita ng iba, maliban kay Wu Wangyan. Pinakalma siya ni Chi Wen at sinabing kahit hindi nakikita, may halaga pa rin siya. Inamin din niya na balang araw, mawawala rin siya sa pagiging diyos.

Pagkatapos, ibinunyag ni Xie Lingxi na siya talaga si Tian Di—ang Star Stone na nagkatawang-tao. Ikinuwento niya ang nakaraan niya at sinabi na nanatili siya para protektahan si Wu Shiguang dahil sa pangako niya kay Chi Wen.

Narealize ni Shiguang na hindi si Chi Wen o ang Shilin Sect ang sumira sa clan niya—may iba pang may sala. Pero bago pa niya malaman ang buong katotohanan, pinatulog siya ni Wu Wangyan para itago ito.

Kalaunan, nilagyan ni Lu Wuyi ng pampatulog si Chi Wen at tinalian siya para komprontahin. Ipinaliwanag ni Chi Wen na ginagawa niya iyon para mailabas ang totoong kalaban, dahil iilan lang ang may kakayahang kontrolin ang iba.

Samantala, ikinulong ni Wu Zhiqi ang iba pero sinadyang mag-iwan ng paraan para makawala sila. Nakalaya nga sila, pero nalaman nilang malapit na ang isang malaking sakuna—ang Meteor Blast.

Lalong gumulo ang lahat nang mabawi ni Lu Wuyi ang powers niya at napatay si Wu Zhiqi sa loob ng ilusyon, na nagdulot ng biglang pagbabago sa timeline. Biglang napunta sila sa iba’t ibang sakuna.

Napunta sina Chi Wen at Lu Wuyi sa isang kasal, habang sina Shiguang at Wangyan naman ay sa ibang trahedya. Sa kasal, sa halip na totoong halik, marahang hinalikan ni Chi Wen ang noo ni Lu Wuyi.

Pagkatapos noon, biglang dumating ang malakas na bagyo—nagsimula na ang sakuna.

Veil of Shadows Episode 13 Tagalog

 Si Xie Lingxi tumira na sa Flood Dragon clan at nakipag-deal kay Wu Zhiqi—kapag natalo niya si Xie Lingxi sa laban, ibibigay nila ang Star Stone. Pero paulit-ulit siyang natatalo. Samantala, unti-unting lumalala ang paningin ni Wangyan dahil sa kondisyon ng katawan niya hanggang sa tuluyan na siyang nabulag. Inalagaan siya ni Shiguang, at habang tumatagal, tumanda silang magkasama at namuhay nang tahimik at puno ng pagmamahalan.

Habang dati gusto nilang makaalis sa ilusyon, si Wangyan ay parang ayaw na umalis dahil naging attached na siya sa buhay nila. Si Shiguang naman, patuloy pa rin sa paghahanap ng katotohanan tungkol sa massacre ng kanyang clan—isang bagay na lihim na nagpapasakit kay Wangyan dahil may alam siya tungkol dito.

Sa ibang timeline, mas naging close sina Lu Wuyi at Chi Wen, at pabiro pa niyang sinabi na magpakasal na lang sila. Pero nanatili pa rin silang focused sa paghahanap ng Star Stone at sa totoong kalaban.

Sa huli, nagtagpo ang lahat ng grupo sa Star Stone Ravine, pero iba-iba ang nakikita nila. Yung iba, nakita ang Star Stone, habang yung iba naman ay isang misteryosong batang si Tian Di.

Dito nabunyag na si Tian Di pala ang mismong Star Stone—isang buhay na nilalang na may napakalakas at delikadong kapangyarihan. Sinubukan dati ni Wu Zhiqi na gamitin siya para iligtas ang kapatid niya, pero nauwi ito sa trahedya. Para matigil ang paghihirap, ginawa niyang bato ang buong clan niya, pero kalaunan nalaman niyang buhay pa rin ang mga ito sa loob at nagdurusa. Dahil sa guilt, muntik na siyang magpakamatay.

Biglang nagkaroon ng malaking kaguluhan—may lumitaw na bakal na kulungan na nag-trap sa lahat, at doon din nalaman na si Xie Lingxi ay ang adult form ni Tian Di. Kasabay nito, nalaman ni Wu Zhiqi ang tunay na identity ni Chi Wen at inatake siya.

Sa gitna ng laban, sumalo si Lu Wuyi ng malakas na atake para iligtas si Chi Wen at malubhang nasugatan. Habang nanghihina siya, tinanong niya kung si Ji Ling ba talaga si Chi Wen. Hindi siya sinagot nito ng salita—instead, hinalikan lang niya ang noo niya habang nawawalan siya ng malay.

Veil of Shadows Episode 12 Tagalog

 Sa loob ng 10 taon sa ilusyon, tuluyan nang naging totoo ang relasyon nina Wu Wangyan at Wu Shiguang. Ipinagdiwang pa ni Wangyan ang “birthday” niya at binigyan siya ng handmade bracelet na simbolo ng walang hanggang pag-ibig, at nangako si Shiguang na hindi niya ito tatanggalin. Pero nasira ang tahimik nilang buhay nang makakita si batang Shiguang ng piraso ng Star Stone.

Inamin ni Wu Shiguang na hindi lang paghahanap sa bato ang dahilan kung bakit siya nananatili sa ilusyon—gusto niyang malaman ang katotohanan sa likod ng pagmasaker sa kanyang clan, na hindi niya maalala nang buo. Nangako si Wu Wangyan na sasamahan siya at haharapin nila iyon nang magkasama.

Sa Aodeng tribe naman, nagulo ang lahat. Si Lu Wuyi (na nasa katawan ni Di Zhu) ay sinapian at inatake ang sarili niyang ama, pero nailigtas siya ni Chi Wen at tinulungan siyang pagtakpan. Patuloy na sinusubok ni Lu Wuyi si Chi Wen dahil naniniwala siyang si Ji Ling talaga ito, at may nasabi si Chi Wen na sikreto na si Ji Ling lang ang dapat nakakaalam—kaya lalo siyang naghinala. Plano nilang gamitin ang Star Stone para ilabas ang demonyo.

Samantala, si Li Jie (sa ibang identity) nalaman na niloko siya ng kapatid niya at gumawa ng matitinding bagay para lang mabuhay, kabilang ang pagpapainom sa kanya ng mapanganib na substance noon. Lumalabas na may mas madilim na koneksyon ang kapatid niya.

Nagsisimula ring magkaroon ng nakakatakot na panaginip si Wu Wangyan tungkol sa massacre, at napagtanto niya na parang may kinalaman siya rito. Dahil dito, mas lalo silang naging malapit ni Wu Shiguang at tuluyan nang naging intimate ang relasyon nila.

Ikinuwento ni Wu Zhiqi ang malungkot niyang nakaraan—na ang ginawa niya para iligtas ang kapatid niya ang naging dahilan ng malaking trahedya at digmaan. Habang abala siya sa alaala, may ibang character na palihim na pinalitan ang isang mahalagang bagay.

Sa huli, may masked na umatake sa bahay nina Wu Wangyan at Wu Shiguang, pero napigilan din. Biglang dumating ang isang malakas na monk na si Xie Lingxi, at pumayag siyang protektahan sila—basta siguraduhin lang nilang may mushrooms lagi sa pagkain niya.

Veil of Shadows Episode 11 Tagalog

Sa loob ng ilusyon ng Star Stone, nagising si Wu Wangyan sa nakaraan kasama si Wu Shiguang. Nalaman nila na ginagampanan nila ang buhay ng adoptive parents ni Shiguang, at yung sanggol na napulot nila ay si Shiguang din noong bata pa siya. Sa ibang timeline naman, nalaman ni Lu Wuyi na kailangan ng lahat na mahanap ang Star Stone sa kani-kanilang panahon para makalabas, at mabilis lang ang oras sa loob kaya kulang sila sa time.

Sa labas, hirap na si Bai Ze panatilihing stable ang Star Stone. May sinabi rin siyang prophecy tungkol sa apat na malalaking sakuna na paparating, kaya lalong nagiging urgent ang sitwasyon.

Sa loob ng ilusyon, iba-iba ang roles ng mga characters. Si Lu Wuyi, balak makuha ang Star Stone sa pamamagitan ng isang marriage plan, at iniisip niya na may koneksyon si Chi Wen sa isang taong kilala niya. Samantala, si Li Jie napunta sa demon tribe at nagulat sa bagong identity niya.

Para ma-activate ang Star Stone, kailangan ng dugo ni Wu Shiguang. Nakahanap si You Chi ng lumang dugo niya mula pa sa nakaraan.

Napansin ni Wu Wangyan na may kakaibang birthmark ang baby Shiguang, na konektado sa isang lihim na utos. Habang tumatagal, mas nagiging close sila ni Wu Shiguang habang inaalagaan ang bata, at unti-unting nagkakaroon ng tunay na feelings.

Sa storyline ni Lu Wuyi, may mga misteryosong pagkamatay kaya napagbintangan si Man Man. Pinagtanggol siya ni Lu Wuyi at hinanap ang totoong killer. Kahit naalis na ang ibang suspects (kahit yung alaga niyang ahas), hindi pa rin malinaw ang sagot. Samantala, si Chi Wen ay pinipilit na hanapin agad ang Star Stone bago maubusan ng oras.