Thursday, September 17, 2020

Tingnan: Crillon Le Brave ang The Five-Star Wellness Hotel sa Provence



Ang 30 minutong biyahe lamang mula sa Avignon, ang Crillon Le Brave (isang pag-aari ng Maisons Pariente), ay isang 5-star na tirahan kung saan parang milya ang layo mula sa anumang bakas ng buhay sa siyudad.
Ang medieval setting na ito ay may 34 hotel rooms na ngayon ay nagsisilbing setting para sa isang well-being retreat na pinamumunuan ng travel expert na si Victoire Spoerry ng Wellness ng LMSV, ang ahensya na nag-oorganisa ng mga tailor made retreats. 


Sa ilalim ng araw ng Provence, tangkilikin ang malawak na paglangoy na nakaharap sa Mt Ventoux .
Ang co-owner ng Crillon Le Brave at well-being enthusiast na si Leslie Kouhana ay nakikipag-ugnayan kay Victoire sa loob ng maraming taon, kaya't nang magsimula ang pag-organisa ng retreats nito ay agad sinunggaban ni Leslie ang chance na makapag-host gamit ang kanyang star property. Pinamagatang “Endless Summer” at “A Booster for Winter,” ang dalawang retreats ay nakatakdang maganap sa pagtatapos ng buwan na ito at sa Oktubre.
Sa pamamagitan ng mga retreat na ito, ang layunin ni Victoire ay tulungan ang mga kalahok na patungo sa "better living" na nakatuon sa pamamahala ng stress at nutrisyon. Ang kaibahan ng retreat na ito sa iba ay ang kanyang diskarte na naghalo ng magkakaibang hanay ng mga kasanayan at prinsipyo, pati na rin ang pakikipartner sa isang maliit na grupo ng mga experts. Si Naturopath Laurie-Anne Duval, na mayroong alam sa may alam sa Chinese medicine, ang katrabaho Victoire sa pagdidisenyo ng Endless Summer retreat. 



Nag-host ang duo ng isang mix ng yoga, meditation, outdoor activities, mga workshop sa dating village chapel, at massage. Isang creative special gluten- and meat-free menu ang ipeprepare ng resident chef ni Crillon Le Brave na si Anissa Boulesteix. 

















Wednesday, September 16, 2020

Bahay sa Florida na Puno ng Lata ng Budweiser Ibinebenta sa Halagang $ 100,000



















Ang bahay na ito sa Lake Worth, Florida ay may 2 kwarto at 2 banyo at ito ay puno ng lata ng Budweiser mula kisame hanggang sahig.
Mga ilang libong lata rin ito.

Bagama't matagal na itong ibinebenta ngayon lang ito nakakuha ng national attention matapos mai-post ng pinakamalaking brewery ng bansa sa kanilang page sa Facebook.



Kasabay ng sarkastikong caption na, "Ang perpektong bahay ay hindi exi-", at ngayon ay nakukha na ito nang mahigit na 1000 likes.




Ang bahay, ay orihinal na nagkakahalaga ng $ 110,000, ngunit hindi nakakaakit ng anumang mga alok hanggang sa pinababa ang presyo sa halagang $ 10,000.

Hanggang ngayon ay marami pa ang patuloy na nagbi-bid dito.

Monday, September 14, 2020

Puso ng Mayor Nadiskobreng Nakalibing sa Isang Fountain



Isa lang itong urban myth dati hanggang sa nahukay at makita na ang puso ng dating alkalde ng eastern Belgian city ng Verviers ay nakalibing talaga sa ilalim ng isang fountain.
Ang isang maliit na kahon ng metal, na naglalaman ng puso ni Pierre David sa isang garapon na puno ng ethanol, ay natuklasan nang nagsagawa sila ng renovation sa ornate stone fountain.
Ang relic ay nabanggit sa civic documents, ngunit wala talagang naniniwala dito hanggang sa ngayon nga na nakita na nila.
Si David, ang unang alkalde ng lungsod matapos na maging isang malayang bansa ang Belgiun, ay nanatili pa rin sa posisyon nang siya ay namatay noong 1839 matapos mahulog mula sa isang gusali.
Ang mga awtoridad ay nagtayo ng isang fountain bilang alaala at, sa pahintulot ng kanyang pamilya, inilagay ang kanyang puso sa ilalim ng isang bato sa monumento noong 1883.
Ang kahon ay makikita sa Verviers Museum of Fine Arts at Ceramics. Ibabalik ito sa Fontaine David sa Place Verte ng lungsod kapag nakumpleto na ang pagsasaayos.
Si David ay unang naglingkod bilang alkalde ng Verviers mula noong 1800-1808, nang ang Belgium ay nasa ilalim ng pamamahala ng France.
Ang kanyang pangalawang puwesto sa tungkulin ay nagsimula noong 1830, ang taong naging malayang bansa ang Belgium.

Flight Sa Eroplano Nakansela Dahil sa Batang Hindi Nagsuot ng Mask


Isang flight mula sa Calgary patungong Toronto ang nakansela pagkatapos ng hindi pagkakasundo tungkol sa isang walang facial mask na bata.

Sinabi ng airline ng Canada na WestJet na kinailangan nitong kanselahin ang flight noong Martes dahil ang dalawang magulang sa eroplano ay tumangging maglagay ng mask sa kanilang 3-taong-gulang na anak, iniulat ng CBC News.
Ni-require ng airline at ng Canadian government na ang lahat ng mga pasahero na may edad na 2 pataas na magsuot ng mask bilang pag-iingat sa kaligtasan laban sa coronavirus.
Sinabi ng airline sa CBC News na ang mga tauhan nila ay tumawag sa mga awtoridad matapos tumanggi ang mga nasabing pasahero na sumunod sa utos at pagkatapos ay tumanggi na bumaba sa eroplano.
Gayunpaman, sinabi ni Safwan Choudhry, isa sa mga magulang, na ang kanyang 3-taong-gulang na anak na babae ay talagang nakasuot ng mask at ang pagtatalo ay tungkol sa kanyang 19 na buwan na anak na babae, ayon sa ulat. Sinabi niya na ang mga aksyon ng airline ay nakaka-disappoint at nais niya itong humingi ng tawad.
Ngunit ang apology ay mukhang malabong mangyari. Pinasinungalingan nila ang sinabi ni Choudry, at ang pamilya daw nito ay may gamit na employee travel passes na kanilang binawi. Tinanggalan din nila ng travel privileges ang empleyado na nagbigay sa diumano ng travel pass sa naturang pamilya.
Ngunit humingi ito ng paumanhin sa iba pang mga pasahero na ang mga plano sa paglalakbay ay naapektuhan ng pagkansela.
Inihayag ng WestJet noong nakaraang buwan na ang patakaran na zero-tolerance mask ay magkakabisa sa Setyembre 1. Nagbabala ito na ang sinumang mga panauhin na hindi sumunod sa patakaran ay maaaring harapin ang mga parusa kasama ang hindi pinapayagan na sumakay ng aircraft, pababain mula sa loob ng aircraft at isang taong pag-ban na sumakay sa kanilang eroplano.
Ayon sa Johns Hopkins University, 136,000 na ang nagppositibo sa COVID-19 sa Canada at 9200 na katao ang namatay.