Friday, September 20, 2019

Angelica Panganiban Nagka-rashes sa Balat

Angelica Panganiban Nagka-rashes sa Balat










Ipinakita ni Angelica sa kanyang IG story ang tila mga rash na tumubo sa kanyang balat. Hindi niya daw alam kung allergy ba o insect bites ang mga ito. kumalat na daw ito sa kanyang legs, braso at likod. May gamot na man daw na ibinigay sa kanya at unti-unti na daw itong gumagaling.

Panoorin: Vice Ganda at Ion Perez Nag-iyakan Matapos Magsabihan ng I Love You

Panoorin: Vice Ganda at Ion Perez Nag-iyakan Matapos Magsabihan ng I Love You






Dingdong Dantes Ipinakita ang Gupit As Big Boss ng Descendants of the Sun

Dingdong Dantes Ipinakita ang Gupit As Big Boss ng Descendants of the Sun








Eto na ang bagong gupit ni Dingdong Dantes bilang paghahanda sa Philippines Remake ng Descendants of the Sun na mapapanood sa Kapuso Network. Gagampanan niya ang role ni Song Joong-ki bilang Captain Yoo Si-jin (a.k.a. Big Boss) ang Captain ng isang elite special force team.

Thursday, September 19, 2019

Box Office Stars ng Pilipinas

Mga Artistang Paborito ng mga Pinoy na Bumida sa Pelikula








Base sa kinita ng pelikula eto ang mga Pinoy Celebrities na malaki ang hatak sa box office.

Vice Ganda
Matapos mabigyan ng It's Showtime ng break si Vice Ganda ay tuloy-tuloy na ang pag-ariba ng kanyang career. Si Vice Ganda ang paborito ng Viva at Star Cinema na gawan ng pelikula tuwing Disyembre at kadalasan ay nagiging pambato ito sa MMFF. Feel good naman kasi bilang komedyante ang mga pelikula niya kaya marami ang nanood nito sa buwan ng Pasko lalo pa at bakasyon at may mga bonus na natatanggap ang mga Pilipno. Maingat at mapili rin si Vice sa mga co-stars kung saan may kakayahan rin ang mga ito na humatak ng mga tao para panoorin ang kanilang pelikula.

Kathryn Bernardo
Ang Hello Love Goodbye ngayon ang All-time Highest Grossing Local Film sa Pilipinas. Pinalitan nito ang The Hows of Us na si Kathryn Bernardo pa rin ang bida. Dahil dito ay si Kathryn ang itinuturing ngayon na Superstar of this Generation.

Daniel Padilla
Lahat ng mga blockbuster na pelikula ni Daniel ay kasama nito ang ka-loveteam at girlfriend na si Kathryn. Ang Gandarrapiddo: The Revenger Squad lamang kung saan si Vice ang co-star niya ang tanging pelikula ni Daniel na wala si Kathryn.

John Lloyd Cruz
Paboritong bida ng Rom-Com si John Lloyd at lahat din ng mga naging co-star niya ay mga bigatin. Si Bea Alonzo at Sarah Geronimo ang paborito ng mga pinoy na leading lady ni John Lloyd.

Vic Sotto
Pampamilya ang mga pelikula ni Vic Sotto na itinataon din sa Disyembre. Ang pelikula niya at ni Vice ang laging nag-aagawan sa pwesto ng pinakamalaking kita pag-Disyembre.

Coco Martin
Parehong nakasama ni Coco si Vice at Vic sa pelikula. Ang mga pelikulang pinagsamhan nila ang siya ring may pinakamalaking kita na pelikula ni Coco.

Bea Alonzo
Minahal ng mga tao ang tandem na John Lloyd-Bea at bukod pa dito ay magaganda rin ang mga projects na ibinibigay sa actress. Nakasanayan na ng mga pinoy na pag pelikula ni Bea, maganda ang istorya.

Ai Ai delas Alas
Bagamat hindi na masyadong kumikita ng malaki ang mga pelikula ni Ai-ai ngayon, nakatatak pa rin sa mga pilipino ang saya ng mga Star Cinema movies niya na Tanging Ina.

Dingdong Dantes
Mabuting desisyon ang ginawa ni Dingdong ng pumayag siyang gumawa ng mga pelikula sa Star Cinema.

Angelica Panganiban
Pwede sa comedy at pwede rin sa drama ang dating child star na si Angelica Panganiban.

Kris Aquino
Suki ng horror movies sa Star Cinema dati si Kris Aquino at napanood ko ito lahat.

Sarah Geronimo
Bukod sa malakas ang fan-base ay nagustuhan rin ng mga tao ang tandem ni Sarah at John Lloyd.

Eugene Domingo
Bagamat parating sidekick ay tumatak naman ang mga role ni Eugene sa kanyang mga pelikula. Tinangkilik din naman ng mga tao ang unang pinagbidahan niya na Kimmy Dora na sobrang nakakatawa.

Alden Richards
Sa sobrang laki ng kinita ni Alden sa Hello Love Goodbye ay mapapabilang talaga siya sa listahan ng mga blockbuster stars.

Enrique Gil
Ang Seven Sundays lang ang pelikula ni Enrique Gil na wala si Liza Soberano ang naging blockbuster hit.

Toni Gonzaga
Paboritong leading-lady rin dati si Toni Gonzaga nung siya ay dalaga pa.

Angel Locsin
Madaming fans si Angel bukod sa magaganda rin ang mga projects na tinatanggap niya.

Anne Curtis
Si Anne ang tipo na hindi takot subukan ang ibat-ibang roles sa mga pelikula. Mapatweetums, kabit o action scenes ginagalingan niya.

Piolo Pascual
Dating ka loveteam ni Judy Ann Santos. Si Piolo ang isa sa mga pinakagwapp at pinakamagaling na aktor sa Pilipinas.

Richard Gutierrez
Ang Fantastica talaga ang nagsama kay Richard sa listahan na ito.

Bela Padilla
Gaya ni Richard, Fantastica din ang pelikula ni Bela na may pinakamalaking kita.

Kim Chiu
Marami akong napanood na pelikula ni Kim Chiu at magaganda namin kahit yung iba ay hindi nakaabot ng 100million mark. Ang The Healing kung saan kasama si Vilma Santos ang pelikula ni Kim na walang ka-loveteam pero nagblockbuster hit.

Maine Mendoza
Sinuwerte rin si Maine at napasama siya sa mga hit na movies ni Vic Sotto.

Liza Soberano
Hindi pa nasusubukan ni Liza ang gumawa ng hit na pelikula na wala si Enrique.

Judy Ann Santos
Gaya ni Kathryn Bernardo si Judy Ann Santos ang tinaguriang Superstar ng kanyang henerasyon.

Derek Ramsay
Mga magaganda at sexy ang karaniwang leading-lady ni Derek sa pelikula at paborito siyang leading man ng mga sexy love stories.

Luis Manzano
Ang mga pelikula ni Vice Ganda at Ai-ai delas Alas na kasama si Luis ang dahilan at napasali siya sa listahan.

Xian Lim
Pumatok ang loveteam na Kimxi sa mga pinoy.

Gerald Anderson
Binubuild-up talaga ng Star Magic na maging leading man si Gerald at marami na siyang nakapareha sa pelikula.

Iza Calzado
Magagaling at bigatin ang palaging co-stars ni Iza sa mga pelikula.

Claudine Barretto
Si Claudine ang isa sa mga pinakasikat at tinangkilik na actress noon.

Cristine Reyes
Magaling umarte si Cristine at magaling din ang mga nakakasama niya sa pelikula.

Pia Wurtzbach
Maswerte si Pia at napasali siya sa Gandarrapiddo: The Revenger Squad.

Aga Muhlach
Ang leading man ng dekada.

Marami sa mga listahang ito ang napabilang dahil sa mga pelikula ni Vice Ganda at Vic Sotto.






74-Anyos na Ginang Nagsilang ng Sanggol

74-Anyos na Ginang Nagsilang ng Sanggol








Naospital dahil sa komplikasyon ang 74 anyos na ginang matapos itong manganak ng kambal, samantalang ang kanyang 82 anyos na asawa ay inatake sa puso.

Ang matatandang mag-asawa sa Andhra Pradesh, India, ay matagal nang nagnanais na magka-anak at naghintay sa loob ng 57 na taon.

Sa wakas ay naisipan nito na sumailalim sa IVF procedure.

Nabuntis naman ang ginang at naisilang ang kanyang kambal sa loob ng 3 oras na pagla-labor.

Ngunit may komplikasyon na nangyari kaya agad itong ipinagamot.

Sa sobrang saya ng kanyang asawa matapos makita ang kambal ay inatake ito sa puso at isinugod din sa ospital.

Wednesday, September 18, 2019

Ginto na Inidoro ng Blenheim Palace Ninakaw

Ginto na Inidoro ng Blenheim Palace Ninakaw










Isang solid 18 karat na gintong inidoro na nagkakahalaga ng mahigit $1.25 million, ang ninakaw sa Blenheim Palace UK ang tahanan ng yumaong dating Prime Minister na si Winston Churchill.

Dati itong inilagay sa Guggenheim Museum sa New York at pinangalanan na "America", ito ay gawa ni talian artist Maurizio Cattelan. Inilipat ito sa bago nitong tirahan at matapos ang dalawang araw ay ninakaw ito.

Iniulat ng Thames Valley Police na mayroong "malaking pinsala at pagbaha" na sanhi ng pagkuha sa inidoro ang naganap sa banyo sa bahay ng Duke of Marlborough.

Linggo bago ang pag-install ang inidoro sa bahay, sinabi ng kapatid ni Duke na si Lord Edward Spencer-Churchill, sa The Sunday Times na hindi niya "pinaplano na pabantayan" ang inidoro.

Hindi naman daw ito madaling nakawin dahil bukod sa nakainstall siya sa banyo, ang isang potensyal na magnanakaw ay walang ideya kung sino ang huling gumamit ng banyo o kung ano ang kinakain nila. "

Pero siya ay nagkamali na akalaing ligtas at hindi nanakawin ang inidoro.

Missing-in-action pa rin ang inidoro pero isang 66-anyos na lalaki ang inaresto na may kaugnayan sa pagnanakaw.

Monday, September 16, 2019

Babae Nakain ang Wedding Room Dahil sa Panaginip

Babae Nakain ang Wedding Room Dahil sa Panaginip




Isang babae sa Estados Unidos ang sumailalim sa isang operasyon upang alisin ang nalunok niyang singsing sa kanyang pagtulog dahil sa isang bangungot kung saan siya at ang kanyang kasintahan ay nasa isang mabilis na tren at napilitan siyang lamunin ang singsing upang maprotektahan ito mula sa "mga masamang tao".







Si Jenna Evans, 29, ay nagising sa kanyang tahanan sa California at napagtanto na ang pangyayari ay isa lamang panaginip, ngunit kanyang nadiskobrehan na amg brilyante na singsing sa kanyang daliri ay nawawala. Sinabi ng babae na ginising niya ang kanyang kasintahan upang magpaliwanag, at ang mag-asawa ay nagpunta sa isang ospital.

Nangyari ang insedente noong nakaraang linggo. Ayon sa kanya ay nahirapan siyang alalahanin upang ibahagi ang nagyari dahil sa halo-halong emosyon niya na siya ay natatawa at naiiyak na.



Nakita sa pamamagitan ng x-ray ang 2.4-carat na singsing sa loob ng kanyang tiyan at napagkasunduan ng mga doktor na mas mainam na ito ay tanggalin sa pamamagitan ng operasyon kesa hintayin na lang sa natural na paraan gaya ng pagtae.

Bago operahan ay pinapirma muna si Evans ng mga release papers kung saka-sakali na siya ay mamatay. Napaiyak daw siya sa galit dahil pwede pala niya itong ikamatay. Matagal na daw niyang inasam na mabigyan siya ng engagement ring at ito pa ang mangyayari.

Sobrang naiyak si Evans matapos magising at malaman na matagumpay ang operasyon.