Mga Artistang Paborito ng mga Pinoy na Bumida sa Pelikula
Base sa kinita ng pelikula eto ang mga Pinoy Celebrities na malaki ang hatak sa box office.
Vice Ganda
Matapos mabigyan ng It's Showtime ng break si Vice Ganda ay tuloy-tuloy na ang pag-ariba ng kanyang career. Si Vice Ganda ang paborito ng Viva at Star Cinema na gawan ng pelikula tuwing Disyembre at kadalasan ay nagiging pambato ito sa MMFF. Feel good naman kasi bilang komedyante ang mga pelikula niya kaya marami ang nanood nito sa buwan ng Pasko lalo pa at bakasyon at may mga bonus na natatanggap ang mga Pilipno. Maingat at mapili rin si Vice sa mga co-stars kung saan may kakayahan rin ang mga ito na humatak ng mga tao para panoorin ang kanilang pelikula.
Kathryn Bernardo
Ang Hello Love Goodbye ngayon ang All-time Highest Grossing Local Film sa Pilipinas. Pinalitan nito ang The Hows of Us na si Kathryn Bernardo pa rin ang bida. Dahil dito ay si Kathryn ang itinuturing ngayon na Superstar of this Generation.
Daniel Padilla
Lahat ng mga blockbuster na pelikula ni Daniel ay kasama nito ang ka-loveteam at girlfriend na si Kathryn. Ang Gandarrapiddo: The Revenger Squad lamang kung saan si Vice ang co-star niya ang tanging pelikula ni Daniel na wala si Kathryn.
John Lloyd Cruz
Paboritong bida ng Rom-Com si John Lloyd at lahat din ng mga naging co-star niya ay mga bigatin. Si Bea Alonzo at Sarah Geronimo ang paborito ng mga pinoy na leading lady ni John Lloyd.
Vic Sotto
Pampamilya ang mga pelikula ni Vic Sotto na itinataon din sa Disyembre. Ang pelikula niya at ni Vice ang laging nag-aagawan sa pwesto ng pinakamalaking kita pag-Disyembre.
Coco Martin
Parehong nakasama ni Coco si Vice at Vic sa pelikula. Ang mga pelikulang pinagsamhan nila ang siya ring may pinakamalaking kita na pelikula ni Coco.
Bea Alonzo
Minahal ng mga tao ang tandem na John Lloyd-Bea at bukod pa dito ay magaganda rin ang mga projects na ibinibigay sa actress. Nakasanayan na ng mga pinoy na pag pelikula ni Bea, maganda ang istorya.
Ai Ai delas Alas
Bagamat hindi na masyadong kumikita ng malaki ang mga pelikula ni Ai-ai ngayon, nakatatak pa rin sa mga pilipino ang saya ng mga Star Cinema movies niya na Tanging Ina.
Dingdong Dantes
Mabuting desisyon ang ginawa ni Dingdong ng pumayag siyang gumawa ng mga pelikula sa Star Cinema.
Angelica Panganiban
Pwede sa comedy at pwede rin sa drama ang dating child star na si Angelica Panganiban.
Kris Aquino
Suki ng horror movies sa Star Cinema dati si Kris Aquino at napanood ko ito lahat.
Sarah Geronimo
Bukod sa malakas ang fan-base ay nagustuhan rin ng mga tao ang tandem ni Sarah at John Lloyd.
Eugene Domingo
Bagamat parating sidekick ay tumatak naman ang mga role ni Eugene sa kanyang mga pelikula. Tinangkilik din naman ng mga tao ang unang pinagbidahan niya na Kimmy Dora na sobrang nakakatawa.
Alden Richards
Sa sobrang laki ng kinita ni Alden sa Hello Love Goodbye ay mapapabilang talaga siya sa listahan ng mga blockbuster stars.
Enrique Gil
Ang Seven Sundays lang ang pelikula ni Enrique Gil na wala si Liza Soberano ang naging blockbuster hit.
Toni Gonzaga
Paboritong leading-lady rin dati si Toni Gonzaga nung siya ay dalaga pa.
Angel Locsin
Madaming fans si Angel bukod sa magaganda rin ang mga projects na tinatanggap niya.
Anne Curtis
Si Anne ang tipo na hindi takot subukan ang ibat-ibang roles sa mga pelikula. Mapatweetums, kabit o action scenes ginagalingan niya.
Piolo Pascual
Dating ka loveteam ni Judy Ann Santos. Si Piolo ang isa sa mga pinakagwapp at pinakamagaling na aktor sa Pilipinas.
Richard Gutierrez
Ang Fantastica talaga ang nagsama kay Richard sa listahan na ito.
Bela Padilla
Gaya ni Richard, Fantastica din ang pelikula ni Bela na may pinakamalaking kita.
Kim Chiu
Marami akong napanood na pelikula ni Kim Chiu at magaganda namin kahit yung iba ay hindi nakaabot ng 100million mark. Ang The Healing kung saan kasama si Vilma Santos ang pelikula ni Kim na walang ka-loveteam pero nagblockbuster hit.
Maine Mendoza
Sinuwerte rin si Maine at napasama siya sa mga hit na movies ni Vic Sotto.
Liza Soberano
Hindi pa nasusubukan ni Liza ang gumawa ng hit na pelikula na wala si Enrique.
Judy Ann Santos
Gaya ni Kathryn Bernardo si Judy Ann Santos ang tinaguriang Superstar ng kanyang henerasyon.
Derek Ramsay
Mga magaganda at sexy ang karaniwang leading-lady ni Derek sa pelikula at paborito siyang leading man ng mga sexy love stories.
Luis Manzano
Ang mga pelikula ni Vice Ganda at Ai-ai delas Alas na kasama si Luis ang dahilan at napasali siya sa listahan.
Xian Lim
Pumatok ang loveteam na Kimxi sa mga pinoy.
Gerald Anderson
Binubuild-up talaga ng Star Magic na maging leading man si Gerald at marami na siyang nakapareha sa pelikula.
Iza Calzado
Magagaling at bigatin ang palaging co-stars ni Iza sa mga pelikula.
Claudine Barretto
Si Claudine ang isa sa mga pinakasikat at tinangkilik na actress noon.
Cristine Reyes
Magaling umarte si Cristine at magaling din ang mga nakakasama niya sa pelikula.
Pia Wurtzbach
Maswerte si Pia at napasali siya sa Gandarrapiddo: The Revenger Squad.
Aga Muhlach
Ang leading man ng dekada.
Marami sa mga listahang ito ang napabilang dahil sa mga pelikula ni Vice Ganda at Vic Sotto.
No comments:
Post a Comment