Wednesday, September 25, 2019

Doktor Nagsagawa ng Abortion sa Maling Pasyente

Doktor Nagsagawa ng Abortion sa Maling Pasyente








Isang nurse sa isang Gynecology Clinic sa Seoul ang nagkamali at nagbigay ng anesthesia sa isang buntis na pasyente na ang pakay ay ang magpa-nutritional supplements IV. Nagkamali daw sila sa pagkakilanlan sa kanilang mga pasyente at mali ang gamot na naibigay dito.

Ang biktima, isang babaeng Vietnamese na buntis na may 6 na linggong fetus, ay natutulog na hindi alam na ang isang doktor ay nagsasagawa ng isang abortion. Sinabi ng doktor sa mga pulis, na hindi nila nasuri at nakompirma ang pagkakakilanlan ng pasyente.

Professional negligence ang inihain na kaso sa doktor at nurse  na nagkamali sa ginawang abortion sa isang pasyente.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa kung paanong nagkamali sa pagkilanlan sa mga pasyente ang clinic at ihahain ito sa prosecutor's office.

Ang biktima ay nagpacheck-up noong nakaraang buwan sa clinic at niresetahan ng IV solution para sa nutritional supplements. Bumalik siya sa ospital kinabukasan pagkatapos ng pagdurugo at sinabihan ng ibang doktor na siya ay nagkaroon ng abortion.





No comments:

Post a Comment