Ginto na Inidoro ng Blenheim Palace Ninakaw
Isang solid 18 karat na gintong inidoro na nagkakahalaga ng mahigit $1.25 million, ang ninakaw sa Blenheim Palace UK ang tahanan ng yumaong dating Prime Minister na si Winston Churchill.
Dati itong inilagay sa Guggenheim Museum sa New York at pinangalanan na "America", ito ay gawa ni talian artist Maurizio Cattelan. Inilipat ito sa bago nitong tirahan at matapos ang dalawang araw ay ninakaw ito.
Iniulat ng Thames Valley Police na mayroong "malaking pinsala at pagbaha" na sanhi ng pagkuha sa inidoro ang naganap sa banyo sa bahay ng Duke of Marlborough.
Linggo bago ang pag-install ang inidoro sa bahay, sinabi ng kapatid ni Duke na si Lord Edward Spencer-Churchill, sa The Sunday Times na hindi niya "pinaplano na pabantayan" ang inidoro.
Hindi naman daw ito madaling nakawin dahil bukod sa nakainstall siya sa banyo, ang isang potensyal na magnanakaw ay walang ideya kung sino ang huling gumamit ng banyo o kung ano ang kinakain nila. "
Pero siya ay nagkamali na akalaing ligtas at hindi nanakawin ang inidoro.
Missing-in-action pa rin ang inidoro pero isang 66-anyos na lalaki ang inaresto na may kaugnayan sa pagnanakaw.
No comments:
Post a Comment