Tuesday, September 3, 2019

Babae Nagreklamo Matapos Makatanggap ng Maliit na Engagement Ring

Babae Nagreklamo nang Makatanggap ng Maliit na Engagement Ring








Supalpal ang isang lalaki matapos magpropose sa kanyang tinatangi gamit ang isang singsing na may maliit na bato.

Sa isang post na naging viral sa reddit, isang babae ang nagtanong kung matatawag ba siya na materialistic kung ayaw niyang isuot ang kanyang singsing na may napakaliit na bato o desinyo.

Ayon sa kanya 8 years na sila ng kanyang boyfriend at 3 taon na nilang napag-uusapan ang pagpapakasal.

"Pinag-ipunan daw niya ang pera pambili ng singsing na ito para sa akin".



Isang netizen ang nagkomento at nagsabing hindi siya materialistic pero kapag siya ay makatanggap ng ganito kaliit na singsing, siya ay tiyak na maiinsulto.

Ayon sa kanila hindi naman daw ang presyo ang dapat basehan kundi ang itsura, at ang singsing na ito ay talagang napakaliit at mukhang kinawawa.

May mga iba naman na nagsasabi na hindi importante ang singsing kundi ang taong papakasalan mo.

Para sa akin okay lang na walang singsing, pero kung magbibigay na man lang ay sana yung magandang singsing naman ang ibigay. Hindi naman yun materialistic, dahil hindi mo naman gugustuhin na suotin ang isang bagay sa sarili mo kung hindi mo gusto ang itsura. Mas mabuti pang wala na lang.

No comments:

Post a Comment