Noong 1859, ipinahayag ni Joshua Abraham Norton ang kanyang sarili bilang Emperador ng Estados Unidos. Si Norton ay nagkamal ng kayamanan sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga kargamento sa San Francisco, ngunit nais niyang magkaroon ng bagong pagkakakilanlan: ang unang emperador ng Amerika. Nang ilathala ng San Francisco Evening Bulletin ang pahayag ni "Emperador" Norton, karamihan sa mga mambabasa ay tumawa lamang. Naglabas si Norton ng mga pahayag na may layuning itama ang mga kasamaan sa lipunan, nagpaprinta ng sariling pera, at isinusulat pa niya ang mga sulat kay Reyna Victoria na humihiling ng kasal upang pag-isahin ang kanilang mga kaharian. Sumusuot siya ng mga royal military uniform na dinisenyo ng mga lokal na mananahi. Sinabi ng isang tagamasid na si Norton ay tila "isang tunay na hari." Ngunit siyempre, hindi siya tunay na emperador. Hindi natin magagawa ang magpasya kung sino tayo.
Marami sa atin ang naghihinala sa ating tunay na pagkakakilanlan at nagtatanong kung ano ang halaga na ating taglay. Nagsisikap tayo na tukuyin o bigyan ng depinisyon ang ating sarili, samantalang tanging ang Diyos lamang ang tunay na makapagsasabi sa atin ng katotohanan tungkol sa ating pagkakakilanlan. At sa ating kaluwagan, tinatawag niya tayo bilang kanyang mga anak na lalaki at mga anak na babae kapag tinanggap natin ang kaligtasan sa Kanyang Anak, si Jesus. "Sa mga sumampalataya at tumanggap sa kanya," isinulat ni Juan, "binigyan niya ng kapangyarihan na maging mga anak ng Diyos" (Juan 1:12). At ang pagkakakilanlang ito ay purong regalo lamang. Tayo ay kanyang minamahal na "mga anak na ipinanganak, hindi sa pamamagitan ng laman o pasiya ng tao... kundi ipinanganak ng Diyos" (talata 13).
Ang Diyos ang nagbibigay sa atin ng ating pangalan at pagkakakilanlan sa pamamagitan ni Kristo. Maaari tayong huminto sa pagpupunyagi at paghahambing sa ating sarili sa iba, sapagkat Siya ang nagsasabi sa atin kung sino tayo.
No comments:
Post a Comment