Noong Nobyembre 4, 1966, isang mapaminsalang baha ang dumaan sa Florence, Italy, na nagpalubog sa kilalang gawa ng sining ni Giorgio Vasari na The Last Supper sa ilalim ng pool ng putik, tubig, at heating oil nang mahigit labindalawang oras. Sa paglambot ng mga pintura at malaking pinsala sa kahoy na frame nito, marami ang naniwala na ang obra ay hindi na maaring maibalik. Gayunpaman, matapos ang pagsisikap na magtagal ng limampung taon ng mga eksperto at mga volunteer, natagpuan nila ang paraan upang lampasan ang mga malalaking hamon at maibalik ang mahalagang likhang sining.
Nang sakupin ng mga Babylonia ang Israel, ang mga tao ay nawalan ng pag-asa—napalibutan ng kamatayan at pagkawasak at nangangailangan ng pagpapanumbalik (tingnan sa Mga Panaghoy 1). Sa panahong ito ng kaguluhan, dinala ng Diyos ang propetang si Ezekiel sa isang lambak at binigyan siya ng isang pangitain kung saan napaliligiran siya ng mga tuyong buto. "Mabubuhay ba ang mga butong ito?" tanong ng Diyos. Sumagot si Ezekiel, “Panginoon, ikaw lamang ang nakakaalam” (Ezekiel 37:3). Pagkatapos ay sinabi ng Diyos sa kanya na manghula sa mga buto upang sila ay mabuhay muli. “Habang ako ay nanghuhula,” pagkukuwento ni Ezekiel, “may ingay, isang ingay, at ang mga buto ay nagsama-sama” (v. 7). Sa pamamagitan ng pangitain na ito, ipinahayag ng Diyos kay Ezekiel na ang pagpapanumbalik ng Israel ay darating lamang sa pamamagitan Niya.
Kapag nadarama natin na ang mga bagay sa buhay ay nasira at hindi na maaayos, tinitiyak sa atin ng Diyos na maaari Niyang muling itayo ang ating mga durog na piraso. Bibigyan niya tayo ng bagong hininga at bagong buhay.
No comments:
Post a Comment