Naglalakad ako sa Big Bazar store para magshopping nang mapansin ko ang isang batang lalaki na nasa edad 5 hanggang 6 na taon na nakikipag-usap sa cashier.
Sorry pero kulang talaga ang pera mo para mabili ang manikang ito, sabi ng cashier.
Lumingon sa akin ang bata at nagtanong.
Uncle, sigurado po ba kayong kulang ang pera ko?
Binilang ko ang pera ng bata.
Alam mo, kulang talaga ang pera mo para makabili ka ng manika.
Pero hindi pa rin binitawan ng bata ang manika. Kaya nilapitan ko siya at tinanong kung para kanino ba ang msnika.
Ito kasi ang manika na gusto ng kapatid ko. Gusto kong iregalo ito sa kanya para sa birthday niya. Kailangan kong ibigay ito kay mommy para siya na ang mag-abot sa kanya kapag nagkita na sila.
Malungkot na sabi ng bata.
Sumama na kasi ang ate ko kay God. At sabi ni daddy susunod na si mommy at makikita na rin nito si God, kaya naisip ko na si mommy na lang ang magbigay ng manika sa kapatid ko.
Natigilan ako ng marinig ko ang kuwento niya. Tumingin sa akin ang bata at nagpatuloy.
Sinabi ko kay daddy na hindi muna papuntahin si mommy doon. Kailangan niya muna akong hintayin na makabalik.
Ipinakita ng bata sa akin ang picture niya na siya ay tumatawa.
Gusto kong dalahin ni mommy ang picture ko para hindi ako makalimutan ng kapatid ko. Mahal ko si mommy at hiling ko ay sana ay hindi niya ako iwan pero sabi ni daddy kailangan niya raw umalis para makasama ang kapatid ko.
Muli ay malungkot at tahimik na tiningnan ng bata ang manika.
Kinuha ko ang wallet ko.
Icheck natin ulit kung kulang ba talaga ang pera mo, ang sabi ko.
Ok sana tama ang pera ko.
Palihim kong dinagdagan ang pera niya at binilang itong muli. Meron na siyang pambili ng doll at may ekstra pang natirang pera.
Thank you God at binigyan mo ako ng sapat na pera. Humiling ako kay God kagabi bago ako matulog na sana ay maging sapat ang pera ko para makabili ng manika. Dininig niya ang dasal ko. Gusto ko rin sana na bumili ngwhite rose para kay mommy, pero hindi ko na hiniling pa kay God kasi baka sumusobra na ako. Pero binigyan niya rin ako ng pambili ng white rose. Gusto kasi ng mommy ko ang white roses.
Natapos ang pagsashopping ko sa ibang paraan. Hindi nawala sa isip ko ang bata. At naalala ko ang nabasa kong balita 2 araw ang nakaraan, bumangga ang isang truck ng isang lasing na lalaki sa kotse na may sakay na isang ginang at isang batang babae. Agad namatay ang batang babae at nasa critical na kondisyon ang ginang. Iniisip ng pamilya kung puputulin na ba ang life machine nito dahil hindi na daw makakarecover pa sa pagkacoma ang ginang. Ito kaya ang pamilya ng batang lalaki? Makalipas ang 2 araw nabasa ko ulit sa balita na pumanaw na ang ginang. Hindi ko na napigilan ang sarili. Bumili ako ng mga white roses at pumunta sa burol. At doon nakita ko ang ginang sa loob ng kabaong na may hawak na white rose. Nakapatong sa dibdib nito ang larawan ng batang lalaki at ang manika. Umalis ako doon na nangingilid ang luha, pakiramdam ko ay nabago ang aking buhay. Nakatatak sa aking imahinasyon kung gaano kamahal ng bata ang kanyang ina at kapatid, na sa isang segundo lang ay nawalang bigla sa kanya dahil lamang sa isang lasing na driver.
Matuto sana tayong sumunod sa batas at mga regulasyon. Huwag hayaang gumawa ng pagkakamali na hahantong sa pagbabayad ng iba. Hindi mo na maibabalik pa at mapapalitan ang buhay na nawala dahil sa iyong pagkakamali. Maging matulungin at damayan ang mga taong nangangailan at nagdadalamhati.
No comments:
Post a Comment