Sunday, October 9, 2016

Si Samson at ang pagtalo niya sa mga Philistines

Naging makasalanan ang mga Israelites. At dahil dito ay hinayaan ng Diyos na sakupin sila at pamunuan ng mga Philistines. Sa bayan ng Zorah ay may mag-asawa na hindi magka-anak. Isang anghel ang nagpakita at kinausap ang babae.

"Sa wakas ay pagkakalooban ka na ng Panginoon ng anak na lalaki. Kapalit nito ay siguraduhin mo na hindi ka iinom ng alak o kakain ng mga ipinagbabawal na pagkain. Kapag ikaw ay nagsilang na ay huwag na huwagninyong gugupitan ang buhok ng bata bilang kasunduan sa Panginoon. Ang batang ito ay siyang magliligtas sa Israel mula sa kamay ng mga Philistines."

Isinilang ang sanggol at pinangalanang Samson.

Taglay ni Samson ang pambihirang lakas na kaloob ng Panginoon.
Image and video hosting by TinyPic
Sa paglaki ni Samson, marami siyang nakasagupa at natalo na mga Philistines.
Image and video hosting by TinyPic
Umibig si Samson sa kay Delilah isang dalaga mula sa Sorek Valley.
Image and video hosting by TinyPic
Minsan kinausap si Delilah ng 5 hari ng mga Philistines.


"Linlangin mo si Samson para sabihin niya ang sikreto ng kanyang pambihirang lakas. Tanungin mo siya kung paano siya maitatali at mahuhuli. Bibigyan ka namin ng gantimpala."

Kaya kinausap ni Delilah si Samson.

"Sabihin mo sa akin ang sekreto ng iyong lakas at kung paano ka matatalo at maitatali. "

sumagot si Samson.

"Kapag itinali ako gamit ng 7 sariwang yantok na hindi pa natutuyo ako ay manghihina."

Kaya ginawa nga ito ni Deliah itinali nga si Samson habang naghahanda sa labas ang mga Philistines sa pagsalakay. Matapos ay sumigaw si Deilah,

"Samson sumasalakay ang mga Philitines".
Image and video hosting by TinyPic
Nang marinig ito ni Samson ay walang kahirap hirap na nakawala siya sa pagkakatali. Kaya hindi pa rin nila alam ang sikreto ni Samson.

"Bakit hindi mo sinabi ang totoo, nagmumukha akong tanga. Sige na sabihin mo na sa aking kung paano ka matatalo at mahuhuli."

"Kapag itinali nila ako gamit ng isang bagong tali na hindi pa kailanman nagagamit at manghihina ako."

Ginawa ito ulit ni Delilah pero nakawala pa rin si Samson.
Image and video hosting by TinyPic
Kaya muli na namang nagmaktol si Delilah. Sabi ni Samson ay manghihina siya kapag hinabi ang pitong tirintas ng kanyang buhok. Ginawa ito uli ni Delilah pero hindi pa rin sila nagtagumpay.
Image and video hosting by TinyPic
Kaya patuloy pa rin si Delilah sa pag-usisa sa kanya.


" Paano mo nasasabing ako ay iyong iniibig kung hindi mo kayang patunayan. Tatlong beses ka ng nagsingaling sa akin."

Paulit-ulit si Delilah hanggang sa mapagod at sinabi na rin ni Samson ang totoo.

"Kahit kailan ay hindi ako ginupitan ng buhok. Isa na akong Nazirite ng Diyos simula pa lang ng ako ay nasa sinapupunan. Kapag pinutol ang aking buhoy ay tuluyan na akong manghihina."

Batid ni Delilah na nagsasabi na ng totoo si Samson sa pagkakataong ito. Kaya inimbitahan niyang muli ang mga Philistines. Dala-dala ng mga Philistines ang ipinangakong gantimpala para kay Delilah. Pinatulog ni Delilah si Samson sa kanyang hita at tumawag ng taong puputol sa pitong tirintas sa kanyang ulo.
Image and video hosting by TinyPic
Dahil dito ay nawalan ng lakas si Samson at tuluyang nahuli ng mga Philistines.
Image and video hosting by TinyPic
Dinala siya sa Gaza at dinukot ang kanyang mga mata. Doon ay kinadena at pinagtrabaho si Samson.
Image and video hosting by TinyPic
Pero unti-unting tumubo ang buhok niya. Isang araw ay nagtipon-tipon ang mga pinuno ng Philistines upang isaulog at maghandog ng alay sa kanilang diyos na kung tawagin ay Dagon. Lahat sila ay nagkakasiyahan at naisipan nilang ipatawag si Samson para gawing katuwaan. Pinatayo si Samson sa pagitan ng mga haligi. Nang makita si Samson ay pinuri nila agad ang kanilang diyos.


"Ibinigay sa atin ng ating diyos ang panalo laban da ating kaaway, na sumira sa ating lupain at pumatay sa ating mga kalahi."

Sinabi ni Samson sa batang lalaki na umakay sa kanya na ipahawak sa kanya ang haligi na siyang sandigan ng buong gusali para siya ay makasandal. Lahat ng pinuno ng mga Philistines ay kasama sa pagtitipon at aabot sa 300,000 ang bilang ng mga taong nakisaya. At nagdasal si Samson.

"Oh Panginoong Diyos, idinadalangin ko sa Iyo na alalahanin Mo ako at sana ay ibalik Mo sa akin ang aking lakas kahit ngayon lang upang ako ay makapaghiganti sa mga Philistines sa pagkuha nila sa aking mga mata."

Kaya hinawakan ni Samson ang 2 haligi at ito ay kanyang itinulak sabay sigaw na...

"Sana ay mamatay na ako kasama ang mga Philistines."

Itinulak niya ang haligi gamit ang buong lakas niya at gumuho ang gusali.
Image and video hosting by TinyPic
Sa pagkamatay ni Samson ay nakapatay rin siya ng higit pa kesa noong siya ay nabubuhay. Kinuha ng kanyang ng mga kapatid ang kanyang labi at ibinurol sa lugar kung saan nakalibing din ang kanyang ama. Naging lider siya ng Israel sa loob ng 20 taon.


No comments:

Post a Comment