Ang mama ko ay isa lang ang mata. Naiinis ako sa kanya at ikinahihiya ko siya. May maliit na tindahan si mama sa palengke. Nangunguha siya ng mga dahong gulay para ibenta at ikinahihiya ko ito. Naalala ko noong elementary pa ako, may field trip kami noon at pumunta si mama. Hiyang-hiya ako. Paano niya ito nagawa sa akin. Tiningnan ko siya ng masama at tumakbo ako palayo. Nang sumunod na araw sa eskwela ay tinukso ako ng mga kaklase ko dahil sa isa lang daw ang mata ni mama. Hiniling ko na mawala na si mama dito sa mundo at sinabi ko ito sa kanya.
Ma, bakit ba kasi isa lang ang mata mo. Ikaw ang dahilan kung bakit ako pinagtatawanan ng iba. Bakit ba hindi ka na lang mamatay.
Hindi sumagot si mama. Pakiramdam ko ay ang sama sama ko pero masarap pa rin sa pakiramdam na nailabas ko ang lahat ng gusto kong sabihin. Siguro dahil sa hindi sko pinarusahan ni mama kaya naisip ko na hindi ko nasaktan ang damdamin niya. Pero nang gabing iyon, nagising ako at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Nandoon si mama, tahimik na umiiyak na tila parang natatakot na magising ako. Tiningnan ko siya at tumalikod ako. Dahil sa mga nasabi ko kanina ay parang kinurot ang puso ko. Pero kahit na, naiinis pa rin ako kay mama na umiiyak na isa lamang ang mata. Kaya nasabi ko sa sarili ko na paglaki ko ay magiging successful ako, dahil naiinis ako sa mama kong isa lang ang mata at sa aming kahirapan. Nag-aral akong mabuti. Iniwan ko si mama at pumunta ng Seoul at natanggap naman ako sa Seoul University. Nag-asawa ako at nagkaroon ng sariling bahay. Nagkaroon din ako ng mga anak. Ngayon ay masaya na ako at successful sa buhay. Gusto ko dito dahil ito lang ang lugar kung saan walang ngpapaalala sa akin kay mama. Masaya na sana ako nang may biglang bumisita sa akin. Ano? Sino ka? Si mams at pareho pa rin ng dati, isa pa rin ang mata niya. Para akong pinagbagsakan ng langit. Tumakbo at takot na takot ang anak kong babae dahil sa mata ni mama.
Sabi ko...
Sino ka ba? Hindi kita kilala.
Pagkukunwari ko. Sinigawan ko siya.
Ang kapal mo at pumunta ka pa dito sa bahay ko para takutin ang anak ko. Umalis ka dito, ngayon na.
Sumagot si mama nang mahina.
Sorry. Mali yata ang address na napuntahan ko.
Umalis na si mama. Sinabi ko sa satili ko na wala akong pakialam at hindi ko na iisipin ito habang buhay. Isang araw ay may sulat na dumating. May school reunion daw kami. Nagsinungaling ako sa asawa ko sinabing business trip ang pupuntahan ko. Matapos ang reunion ay pumunta ako sa luman kubo na dati kong tirahan. At nakita ko si mama walang malay na nakahiga sa malamig na sahig. Pero hindi ako makaluha. May hawak siyang papel, isang sulat para sa akin.
Anak,
Sa tingin ko ay sapat na ang haba ng aking buhay. Hindi na ako bibisita Seoul kailanman. Pero masama ba na hilingin ko na bisitahin mo naman ako paminsam-minsan. Tuwang tuwa ako nang mabalitaan kong darating ka sa reunion. Pero napagdesisyunan kong wag na pumunta sa eskwelahan para sayo. Sorry kung isa lang ang mata ko at naging kahihiyan ako para sayo. Alam mo nung maliit ka pa lang ay naaksidente ka at nawalan ng isang mata. Bilang isang ina ay hindi ko makakayang lumaki ka na isa lang ang mata kaya ibinigay ko sayo ang isa kong mata. Ipinagmsmalaki kong nakakakita na ang anak ko ng normal kapalit ng sa akin. Hindi ako kailanman nagtanim ng sama ng loob sa lahat ng ginawa mo. Iniisip ko na lang na dahil mahal mo ako. Nami-miss ko ang mga panahong maliit ka pa lang at lagi kong kasama. Miss na miss na kita at mahal kita. Ikaw ang buhay ko.
Gumuho ang mundo ko. Naiinis ako sa taong nabubuhay lang para sa akin. Iniyakan ko si mama. Hindi ko alam kung paano pa ako makakabawi sa mga kawalanghiyaang nagawa ko.
Wag na wag ninyong ikagalit kung may kapansanan man ang iba. Respetuhin ninyo ang inyong mga magulang at wag kalimutan at ipagwalang bahala ang kanilang mga sakrioisyo. Binigyan nila tayo ng buhay, pinalaki ng maayos at nagsusumikap sila na maibigay sa atin ang masaganang buhay na hindi nila naranasan. Hindi nila kailanman hiniling na mapasama tayo. Lagi nila tayong tinuturuan at ginagabayan para tayo ay mapunta sa tamang landas. Ang mga magulang ay laging sumusuko sa mga anak, pinapatawad nila tayo sa lahat ng ating pagkakamali. Hindi natin kailanman mababayaran ang nagawa nila para sa atin, ang magagawa lang natin ay bigyan sila ng panahon, respeto at pagmamahal.
No comments:
Post a Comment