Sinubukan ni Joongwon na hawakan ang mga kamay ni Gongshil at baka sakaling makatulong ito upang siya ay makabasa na. Lumapit siya ng lumapit hanggang sa puntong kunting lapit na lang ay mahahalikan na niya si Gongshil. Pero nagbago ang isip niya at tinampal ang mga kamay ni Gongshil para siya ay magising.
Nagising si Gongshil at masayang sumandal sa mga balikat ni Joongwon. Nais niyang matulog pa ng mas mahimbing. Pinaalala sa kanya ni Joongwon ang date nila ni Kangwoo. Agad na nagmadali si Gongshil.
Sinundan ni Gongshil si Joongwon sa labasan para ibigay ang complimentary gift na ibinigay ng may-ari ng furniture shop. Ayaw tanggapin ni Joongwon ang pamaypay sa kadahilanang hindi ayaw niyang dumami pa ang koneksiyon niya kay Gongshil. Ipinaalala niyang muntik na siyang mabaril ngayon dahil sa koneksyon niya kay Gongshil.
Gumawa si Joongwon ng imaginary line sa pagitan nilang dalawa. Na nagsisilbing limitasyon sa kung ano man ang namamagitan sa kanila. Sinabi rin niyang hanggang sa ibabang bahagi lamang ng braso niya ang pwedeng hawakan ni Gongshil kapag siya ay natatakot. Sinabi ni Gongshil na gusto niyang laging nakakausap si Joongwon. Ngunit ang gusto ni Joongwon ay limitahan ang kanilang komunikasyon at mag-usap lamang kung tungkol sa kanilang kasunduan. Nang dumating na ang sundo ni Joongwon ay iniwan niya si Gongshil.
Nagmamadali si Gongshil sa theater at doon nakasalubong niya si Yiryung.
Alam na ni Yiryung ang tungkol sa trabahong pagmanman ni Kangwoo kay Joongwon. Naisip niyang walang kaalam-alam si Gongshil na ginagamit lang siya ni Kangwoo. Agad itong nagparinig sa kanya na may interesting siyang nalaman kanina. Nagpaalam ang dalawa sa isat-isa gamit ang kanilang dating tawagan.
Ineenjoy ni Yiryung ang nalaman na kaya malapit si Kangwoo kay Gongshil ay dahil lamang sa kanyang trabaho.
Nagkita si Gongshil at Kangwoo at agad siyang humingi ng paumanhin sa binata. Ayaw ng manood ni Kangwoo ng drama kaya inanyayahan niya si Gongshil na mamasyal kung saan nito gusto.
Nagulat si Sec Kim na sinabi ni Joongwon ang kanyang kondisyon sa pagbabasa kay Kangwoo. Sinabi niyang ipafollow up niya ang kontrata na hawak ni Gongshil sa susunod na araw dahil may date ito ngayon. Napangiti si Joongwon habang iniisip na magiging palpak ang romantic date ni Gongshil dahil sa pinaghahabol ito ng mga multo. Pero nagpaalala si Sec Kim na dahil hindi tumawag si Gongshil kay Kangwoo ito ay nangangahulugan na successful ang date niya. Napawi ang ngiti ni Joongwon sabay sulyap sa celfon niya.
Kumulot ang mukha nito iniisip niya na habang siya ay umiinom ng pait na tablet para sa anixiety ay nagsasaya naman si Gongshil. Nakahiga na siya sa kama pero di pa rin makatulog at panay pa ang sulyap sa phone niya.
Dinala ni Kangwoo si Gongshil sa Han river. Hindi niya pansin na balisa si Gongshil na naalala ang nangyaring trahedya sa kanya dati. Bigla ay may bigla siyang nakita na isang jogger ghost na humahabol pa sa kanila.
Kinakausap siya ng multo habang si Kangwoo naman ay kinakausap din siya. Tinanong nito kung gusto ba niyang gawin nila ulit ito sa susunod.
"Ang sabi ko ay hindi..Bakit ka ba paulit ulit na nagtatanong..."
Ang salitang iyon ni Gongshil ay para sana sa multo ngunit napalakas ang pagkasabi niya kaya inakala tuloy ni Kangwoo na siya ang sinasabihan. Nagpapabili si Gongshil ng inumin kaya umalis sandali si Kangwoo. Nang wala na ito ay naisipan ni Gongshil na pagbigyan na ag hiling ng multo. Isang couple ang pinakiusapan niya na hawakan muna ang lubid sa magkabilang bahagi. Si Gongshil ang nagbigay ng start signal at nagsimula na ang multo sa pagtakbo. Hindi alam ng dalawa ay tumakbo na ang multo at gusto pa lang makarating sa finishing line at ngayon ay nagawa na nito. Sa tingin nila ay baliw itong si Gongshil.
Nang matapos ang multo ay tuluyan na itong naglaho bago nag-iwan ng ngiti para kay Gongshil. Bumalik si Kangwoo at sinabing pumunta sila sa tulay ng river. Takot man ay pumayag na rin si Gonghil, hiling nito na sana ay hindi makita ang multo sa tubig.
Nakauwi siya sa bahay na balisa na baka sinundan siya ng multo sa tubig. Iniisip niyang tawagan si Joongwon pero naalala niya ang sinabi kanina ng binata na ayaw niyang may mamagitan sa kanila ng higit pa sa napagkasunduan nila. Pero si Joongwon ang unang tumawag. Sinabi nitong tinawagan lamang niya si Gongshil para tanungin kung maganda ba ang play na napanood nila dahil nais itong imbitahan ni Joongeon sa pagtitipon na magaganap sa Kingdom mall. Sinabi ni Gongshil na hindi sila natuloy sa panonood na ikinatuwa ni Joongwon.
Ikinuwento ni Gongshil ang nangyari sa date nila ni Kangwoo at laking pasalamat niya ng tawagan siya ni Joongwon dahil natatakot siya na sinundan siya ng multo sa tubig. Sinabi ni Joongwon na ang tungkol sa musical show lang talaga ang dahila kung bakit siya tumawag. Naisip ni Joongwon na kailangan din pala ni Gongshil ng sleeping pills. Dahil sa nalaman ay parang nabunutan ng tinik si Joongwon at dinadalaw na ito ng antok.
Samantala ang magkapatid na batang kapitbahay ni Gongshil ay nasa panganib. Naglalarong mag-isa ang nakakababatang lalaki na inaapoy ng lagnat. Nang malaman ito ng kapatid ay lumabas muna ito sandali para bumili ng makakain. Hindi niya alam ay may 3 batang multo pala na kalaro ang kapatid niya.
Kinakatok ng kuya ang pinto ni Gongshil upang humingi ng tulong. Agad na tumungo si Gongshil at nakita niya masama nga ang kondisyon ng bata na may yakap yakap pa na manika. Umalis siya sandali para kumuha ng gamot. Muling nagpakita ang mga batang multo sabay sabi na magiging isa na rin ito sa kanila at pababayaan siya ng nanay niya. Pero dumating ang nanay ng bata na umiiyak at kinakarga siya para dalhin sa ospital. Nahulog ang manika sa sahig, sabi ng isang batang multo na hindi nila maisasama ang bata dahil hindi ito katulad nila. Minamahal at niyayakap ito ng ina. Kinompronta at pinagalitan ni Gongshil ang tatlong batang multo.
Nagtakbuhan ang mga ito papunta sa kuwarto ng bata. Hinabol sila ni Gongshil at nakita ni Gongshil ang manika. Alam niyang dito namamahay ang mga bata. Kinabukasan ay dinala ni Gongshil ang manika upang itago sa opisina ni Joongwon. Pinaliwanag niya na ang tungkol sa manika at dahil hindi takot si Joongwon sa mga multo ay mabuting siya ang magtago nito. Nagreklamo si Joongwon. Ang akala niya ay nagpunta si Gongshil sa opisina para kumustahin ang kalagayan niya matapos ng trauma na nangyari sa kanya sa furniture shop. Inakalang niya dadalhan siya nito ng vitamins o kaya ay gamot na pampakalma.
"Okay lang ba na gawin ko yun? ang mag-alala para sayo." sabi ni Gongshil.
Pilit na ikinubli ni Joongwon ang ngiti ng tanungin siya ni Gongshil kung kumusta na ang pakiramdam niya. Inalok niya ito ng pills na iniinom niya kapag siya ay natatakot. Pwede daw silang magshare dito.
"Bakit mo ba sa akin ibinibigay ang manika at hindi kay Kangwoo"
"Dahil takot kasi si Kangwoo sa multo kaya ayokong takutin siya"
Nang marinig ito ay muling nainis si Joongwon, inakala siguro niya na mas importante siya kesa kay Kangwoo sa paningin ni Gongshil.
Dali-dali niyang ibinalik ang pills kay Gongshil at pinagtabuyan ito palabas kasama ang manika. Nakita ni Joongwon na sinadyang iwan ni Gongshil ang pills sa sahig.
Sa labas ay nakapagkwentuhan si Gongshil at Sec Kim tungkol kay Joongwon. Ibinigay ni Sec Kim ang letrato ng diamond necklace na ginamit na ransom kasama na ang litrato rin ni Heejo.
Uminom si Joongwon ng isang tabletas na bigay ni Gongshil. Ang pait pala nito.
Sa opisina ni Gongshil, kinausap niya ang manika para mapalabas ang mga multo. Biglang pumasok si Kangwoo at nahuli siyang nagsasalitang mag-isa.
Sinabi ni Kangwoo na siya na lang ang kausapin sa halip na magsalitang mag-isa at nabanggit na rin ni Kangwoo ang tungkol sa kakilala niya na nagsasalita ring mag-isa.
Masama ang pakiramdam ni Sec. Kim at hinihiling nito na mag-absent kahit isang araw lang. Isinuggest nito na si Gongshil muna ang humalili sa kanya.
Nakarating ito kay Uncle VP at iniisip niyang si Gongshil ang magiging kahinaan ni Joongwon. Ang tanong papayag kaya ang ama ni Joongwon sa kanilang relasyon. Ayon kay Uncle VP, kinamumuhian ni Joongwon ang ama at may tsismis pa na sinisisi ni Joongwon ang ama sa pagkamatay ni Heejo.
Si Aunt Joo naman ay kumakain kasama si Yiryung. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa nangyari kay Joongwon noon. Kung paano namatay si Heejo dahil nagmatigas ang ama ni Joongwon na ibigay ang ransom. Iniisip niyang kaya nasa Europe ang kapatid dahil sa hinahanap nito ang nawawalang necklace para magkaayos na sila ng anak.
Kasama ng ama ni Joongwon ang mga trophy girlfriends niya. Sinabi niya dito na kaya niya pinamamanmanan si Joongwon ay dahil ay hinala siya na nakita at alam ni Joongwon kung sino ang kumidnap sa kanya at hindi lang nito sinasabi.
Kasama ni Gongshil si Joongwon buong araw. Sa conference room ay may nakita si Gongshil na babaeng multo sa isang vacant sit at muli siya ay nahintakutan na naman. Nakita ito ni Joongwon at pacasual itong tumayo at lumapit sa kanya sabay tapik sa balikat niya. Nawala bigla ang multo. Natatawa naman si Uncle VP sa nasaksihan niya sa dalawa.
Nagpasalamat si Gongshil matapos ang presentation. Sinipat niya ang telescope dahil nagtataka siya kung bakit laging nakatingin dito si Joongwon. Lumapit si Joongwon sa likod ni Gongshil para iguide siya at ipakita kung ano ang sinisipat niya gamit ang telescope.
Ipinakita niya ang building ng kakompetensya niya sa negosyo, at ang mga kotseng pumapasok sa Kingdom mall. Narealize ni Gongshil ang pagitan nila at lumayo siya dito. Sinabi niyang ngayon lang niya nalaman na si Joongwon ay isa palang busy na tao na dati ay hindi niya napapansin.
"Nakakalimutan mo kasing ako ay Presidente ng isang malaking kumpanya at lagi ka pang lumalapit sa akin kahit alam mong isa rin akong lalaki."
" Siguro ay iniisip mong para lang akong semento dahil hindi ka nahihiyang hawakan ako kahit saan"..
Pinipilit rin ilagay ni Gongshil sa isip na isa lamang semento si Joongwon. Nag-apologize si Gongshil at hindi niya iniisip na semento si Joongwon kung di isang marmol.
"Ang marmol na ito ay hindi mo kayang abutin, kaya ka lang nakakalapit sa akin ay dahil sa radar mo" sabi ni Joongwon. Sinabi nito na singtaas lang ng bisig niya ang pwede para kay Gongshil.
Naobserbahan ni Kangwoo na magkasama si Gongshil at Joongwoon at nakita ito ni Yiryung. Inamin ni Kangwoo na nagseselos talaga siya pag nakikita niya ang babaeng pinagkakainteresan niya na may kasamang iba. Nagtataka kung bakit palagi si Yiryung sunod ng sunod sa kanya.
"Hindi ako interesado sayo no. Isa yata akong top star", sabi ni Yiryung.
"Kung top star ka, e di dapat napakabusy mo at hindi ka pagala-gala kung saan. Alam mo mas maganda ka sa tv kesa sa personal kaya huwag kang maglalabas labas", sabi ni Gongshil.
Malaki ang ngiti ni Joongwon habang nakatingin sa activity area kung saan may event ang mga bata. Tinanong ni Gongshil na mahilig ba siya sa bata. Sabi ni Joongwon ang gusto niya sa mga bata ay ang mga kapamilya nito na magreregalo sa kanila. Dahil ang mga bata ay may nanay, tatay. lolo, lala at mga uncle at auntie. Nangangahulugan ito ng malaking benta.
Gongshil: Sa apartment namin may mga bata rin pero nanay lang ang meron sila",
Joongwoon: "Bakit hindi mo sila bilihan?"
Gomgshil: "Ayoko dito, bibili ako sa ibang lugar".
Joongwon: "Iniinsulto mo ba ako"?
Nawawala ang bag ng isang batang lalaki at pinipilit ng malditang nanay na ipahanap ito sa kanya. Naghanap ng naghanap ang bata at pagsilip niya sa ibaba ay nakita niya ang batang multo mula sa manika.
Dinala ng multo ang bata sa opisina ni Gongshil at doon ay nakita nito ang manika.
Batang Multo: Kunin mo kami. Kagaya mo rin kami
Nakita ni Gongshil na bitbit ng bata ang manika ngunit hindi na niya ito nahabol. Kaya humingi siya ng impormasyon sa security para makilala ang magulang ng bata gamit ang ccctv. Tinawagan niya ang nanay ngunit nagalit ito at sinabing wala silang dalang manika.
Sa bahay pinapalo ng nanay ang bata gamit ang payong dahil sa nawawala nitong bag. Nakatingin sa kanila ang manika.
Nakita ni Kangwoo ang bag ng bata at iniabot ky Gongshil. Natuwa naman si Gongshil dahil magkakaroon na siya ng dahilan para puntahan sa bahay ang bata. Binuksan niya ang sketchbook nito at nagulat siya sa mga nakitang drawing ng bata.
Hinikayat ni Aunt Joo si Joongwon na bumili sila ng artwork na gawa ng isang artist na nagkaroon ng international award. Naalala ni Joongwon ang naikwento sa kanya dati ni Gongshil tungkol sa isang artist na naparangalan gamit ang artwork na ninakaw lamang nito sa namatay na kaibigan. Kung hindi lang niya alam ay talagang bibilhin talaga niya ito pero ngayong may alam siya ay kailangan muna niyang pag-isipan itong mabuti. Sinasabi niya sa sarili na bibilhin pa rin niya ang artwork kahit ito ang artist na sinasabi ni Gongshil Pinuntahan niya si Gongshil sa opisina para malaman kung ito nga ba ang artist na tinutukoy niya. Walang tao sa opisina, nakita ni Joongwon ang bag at sketchbook. Laman nito ang drawing ng bata kung saan pinapalo ito ng payong at ikinukkulong sa closet.
Nagpunta si Gongshil sa bahay ng bata at agad na pinasok ito ng masalisihan ng nanay. Nakita niya ang doll at sinabihan na magpakita sa kanya. Lumabas naman ang mga bata at itinuro ang nakataling closet.
Agad niyang kinuha ang bata para dalhin sa ospital ngunit nahuli sila ng nanay. Sinasabi nito na pinarurusahan lang niya ang bata dahil nagkamali ito. Itinulak nito si Gongshil sa pader. Nabangga si Gongshil sa noo pero naitulak pa rin niya ang nanay sabay agaw sa bata. Nang makalabas ng apartment ay nakasalubong niya si Joongwon. Kinuha ni Joongwon ang bata at isinugod sa ospital. Doon ineksamin ang bata at nakita dito ang mga bago at dating sugat sa likod at ibang parte ng katawan.
Ikinuwento ni Gogshil kay Joongwon ang naging karanasan ng mga batang namamahay sa manika. Lahat sila ay biktima ng abuso at tanging ang manika lamang ang karamay nila. Ang isang bata ay namatay mag-isa sa lamig sa labas ng bahay, ang isa ay namatay sa gulpi ng ama at ang isa ay namatay sa gutom. Ang doll ang nagsisilbing koneksyon nilang tatlo para sila ay magkakilala at maging magkaibigan.
Nagpakita ang mga bata na nasa maayos na itsura na. Nagsorry si Gongshil sa mga bata dahil walang dumamay sa kanila kung saan kinailangan nila ang tulong. Ngumiti sila at kumaway, bago nawala.
Bumili si Kangwoo ng couple doll sa akalang hilig ni Gongshil ang doll dahil sa paghahanapp nito ng batang kumuha ng manika. Couple doll ang naisipan niyang bilihin. Inilagay niya ang isa sa drawer ni Gongshil at ang isa ay para sa kanya.
Sinunog nina Joongwon at Gongshil ang manika. Nang makapasok sa loob ng hospital ay kinumpronta sila ng isang pulis. Inirereklamo sila ng nanay ng bata sa kasong trespassing at kidnapping.
Nakulong silang dalawa.
Gongshil: Huwag kang mag-alala. Nakulong na ako dati at hindi naman gaanong masama dito, masarap din ang pagkain.
Hindi siya pinansin ni Joongwon.
Pinuntahan ni Sec Kim ang nanay at sinabing inirereport ito sa kasong child abuse ayon sa pag-eksamin nang pychologist. Pinakita ni Sec Kim ang kanyang psychology badge. Sinabi rin ng abogado na ang pagliligtas ni ginawa ni Gongshil at Joongwon na nauwi sa sakitan ay hindi intentional. At ipinakita niya ang kanyang lawyer's badge.
Nagsisigaw ang nanay at sinasabing karapatan niyang disiplinahin ang kanyang anak. Hinampas siya sa noo ni Sec Kim at sinabing may lamok daw.
Pinuntahan ni Sec Kim si Joongwon para palabasin sa selda. Agad na nagmakaawa si Gongshil na tulungan rin siyang makalabas dahil may multo na katabi niya. Nilapitan niya si Gongshil para mahawakan nito ang mga bisig niya saka lumabas.
Nakalaya din naman si Gongshil at nagsorry kay Joongwon.
Joongwon: Hindi ka dapat magsorry. Mabuti ang ginawa mo.
Nakita ni Joongwon ang sugat sa noo ni Gongshil at nagalit ito.
Pumasok ulit sila sa loob ng hospital para ipagamot ang sugat. Naabutan ito ni Kangwoo. Si Yiryung ang nagsabi sa kanya na nakulong si Joongwon dahil kay Gongshil.
Dismayado si Kangwoo sa nakita kaya bumalik na lang siya sa opisina para bawiin ang doll na ibibigay sana niya kay Gongshil. Binuksan niya ang envelope sa loob ng drawer at nakita niya ang litrato ng necklace at ni Heejo na ibinigay ni Sec Kim.
Masama ang hinala ni Kangwoo sa nakita.
Nang makalabas na ang dalawa sa ospital ay nagreklamo si Joongwon sa init ng panahon. Agad na ibinigay ni Gongshil ang pamaypay na souvenir nilang dalawa. Tinanggap na man ito ni Joongwon.
Naglalakad sila, nang biglang natigilan si Gongshil at napahawak sa ulo niya dahil sa sakit. Agad naman hinawakan ni Kangwoo ang kamay ni Gongshil.
Gongshil: Hindi naman ito parte ng Gongshil zone ah.. tsaka wala naman akong multo na nakikita. Sumasakit lang talaga ang ulo ko kaya hindi mo na kailangan hawakan ang kamay ko.
Joongwon: Lalong sasakit ang ulo mo pag may multo kang makikita kaya mabuti nang maagapan. Regalo ko ito sayo dahil may nagawa kang kabutihan sa araw na ito. Noong una kong makilala ang isang baliw na katulad mo ay pinipilit kung lumayo dito. Nang marealized ko na unti-unti na akong nakakapasok sa mundo mo ay pilit ko itong pinipigilan. Pero nang nasa loob ako ng selda ay nakapag-isip na ako. Malayo na rin ang narating ko. Sinabi mong gusto mong mapalapit sa akin. Congratulation nagtagumpay ka na.
Gongshil: Pag hinahawakan kita ng ganito, wala ka namang nararamdaman di ba?
Joongwon: Iniisip mo bang ako ay isang emergency shelter na gawa sa marmol.
Binitiwan ni Joongwon ang pamaypay at kinuha ang kamay ni Gongshil papunta sa dibdib niya.
Joongwon: hindi yun maaari
Nais mo bang bumili ng Bato o nais mong ibenta ang iyong
ReplyDeletebato? Naghahanap ka ba ng isang pagkakataon upang ibenta ang iyong bato para sa pera
dahil sa pagkasira ng pananalapi at hindi mo alam kung ano
gawin, pagkatapos ay makipag-ugnay sa amin ngayon at bibigyan ka namin ng mabuti
halaga ng pera $ 500,000 dolyar para sa iyong Kidney. Ang pangalan ko ay Doctor MACPHERSON
isa akong Nefologist sa MACPHERSON CLINIC. Ang aming klinika ay
dalubhasa sa Kidney Surgery at nakikipag-ugnayan din kami
pagbili at paglipat ng mga bato na may buhay na isang
kaukulang donor. Kami ay matatagpuan sa Indian, Turkey, USA, Malaysia, india
Kung interesado kang magbenta o bumili ng kidney mangyaring huwag
mag-atubiling makipag-ugnay sa amin sa whatsapp +33751283487 at sa pamamagitan ng email.
Email: doctormacphersonclinic@gmail.com
Pinakamahusay na Regards
DR MACPHERSON.