Friday, October 14, 2016
Si David at Goliath
Si Goliath na mula sa lahi ng mga Philistines ay humamon sa mga Israelites. Siya ay may taas na mahigit sa 9 feet at nakasuot pandigma at helmet na gawa sa tanso. Pinoprotektahan din ng tanso ang kanyang mga tuhod. Dala-dala ni Goliath ang kanyang sibat na gawa rin sa tanso. May kasamang sundalo si Goliath na tagabitbit ng kanyang espada. Sumigaw si Goliath at nagsalita...
Bakit kayo nagsihanay handa na ba kayong makibaka. Ako ay Philistine at kayo ay mga lingkod ni Saul. Pumili kayo ng isa sa inyo na makikipaglaban sa akin. Kapag nanalo siya at napatay ako ay maglilingkod kami sa inyo, pero pag ako ang nanalo at napatay siya ay kayo'y magiging alipin namin.
Nang marinig ito ni Saul at ng kanyang hukbo sila ay natakot. Si David ay isa sa 8 na anak ni Jesse mula sa Judah. Si David ang pinakabunso at tagapag-alaga ng mga tupa ng kanyang ama. Isang araw ay inutusan si David na magdala ng pagjain para sa kanyang mga kapatid na nasa kampo. Kabilang ang kanyang mga kapatid sa mga hukbo ni Saul na nandoon sa Elah Valley at nakikipaglaban sa mga Philistines. Dumating si David sa kampo at pinuntahan ang mga kapatid upang kumustahin. Doon ay nakita ni David si Goliath na hinahamon ang mga Israelites. Nagsitakbuhan ang mga Israelites ng makita si Goliath.
Nakikita niyo ba siya, narinig niyo ba ang kanyang mga hamon. Si haring Saul ay nangaangakong magbibigay ng malaking gantimpala sa sinumang makakapatay sa kanya. Ibibigay rin ng hari ang isa niyang anak upang mapangasawa nito at hindi na pagbabayarin ng buwis ang pamilya niya.
Tinanong ni David ang mga kawal tungkol sa gantimpala.
Sino ba ang hindi tuling Philistine na ito para hamunin ang mga kawal ng ating Diyos na buhay.
Sinagot si David ng mga kawal. Narinig ng nakatatandang kapatid ni David na si Eliab ang mga sinabi ni David at nagalit ito.
Ano ba ang ginagawa mo dito? Sino ang nagbabantay sa ating mga tupa. Ang hambog at kulit mo talaga. Pumunta ka pa talaga dito para makapanood ng labanan.
Ano bang nagawa ko? Hindi na ba ako pwedeng magtanong, sagot ni David.
Dinala si David sa harapan ni Saul.
Mahal na hari hindi tayo dapat matakot sa Philistine na iyon. Ako ang haharap at makikipaglaban sa kanya.
Hindi maaari, sabi ni Saul. Masyado ka pang bata samantalang itong taong ito ay matagal nang naging kawal.
Mahal na hari, sabi ni David. Ako ang nangangalaga sa mga tupa ng aking ama. Kapag may leon o isang uso na umaaligid saaking mga tupa ay nilalabanan ko sila. At kapag ako ay kanilang inatake ay pinapangahan ko sila at binubugbog hanggang sa mamatay. Nakapatay na ako ng mga leon at uso at gagawin ko rin ito sa di tuling Philistine na humahamon sa mga kawal ng ating Diyos na buhay. Ang Panginoon ang nagligtas sa akin laban sa mga leon at uso kaya ililigtas niya rin ako laban kay Goliath.
O sige, sagot ni Saul. Pumunta ka at nawa'y patnubayan ka ng Diyos.
Pinagsuot si David ng damit pandigma at binigyan ng sandata. Sinubukan ni David ang maglakad pero hindi niya kinaya dahil hindi siya sanay. Kaya hinubad niya itong lahat. Kinuha niya ang kanyang tungkod na gamit sa pagbabantay ng tupa at pumili siya ng 5 makinis na bato at isinilid sa kanyang bag. Nang maihanda ni David ang lambanog ay agad na siyang tumungo kay Goliath. Agad na naglakad si Goliath sa kinaroroonan ni David. Nang makita niya ito ng malapitan ay lalo siyang napikon sapagkat si David ay isa lamang bata na may maaliwalas ay magandang hitsura.
Para saan ba ang tungkod na iyan, anong akala mo sa akin, aso? At nilait ni Goliath si David. Halika at ipapakain ko ang katawan mo sa mga ibon at hayop.
Sumagot si David. Ikaw ay narito para makipaglaban sa akin na kumpleto sa gamit at damit pandigma samantalang akonay naririto sa ngalan ng Poong Maykapal na siyang Diyos ng mga Israelite na hinamak mo. Ngayong araw na ito ay ibibigay ka ng Panginoon sa aking mga kamay. Tatalunin kita at pupugutan ng ulo. Ipapakain ko ang iyong katawan sa mga ibon at hayop. At malalaman ng buong mundo ang kapangyarihan ng Diyos ng Israel at makikita nila na hindi kailangan ng Panginoon ang kung anumang sibat at espada para iligtas ang kanyang nasasakupan. Ang Diyos ay matagumpay sa lahat ng digmaan at lahat kayo ay maisasailalim sa aming mga kamay.
Nagsimula nang maglakad si Goliath patungo kay David at tumakbo na si David para salubungin ito.
Kumuha si David ng gata sa kanyang bag at inihagis kay Goliath. Tinamaan si Goliath sa noo at nabasag ang kanyang bungo. Nabuwal at nasubsob si Goliath sa lupa. At doon kahit walang espada ay natalo ni David si Goliath gamit ang lambanog at bato.
Kinuha ni David ang espada ni Goliath at ginamit ito sa pagpugot sa kanyang ulo. Nang makita ng mga Philistines na patay na ang kanilang bayani ay nagsitakbuhan sila. Hinabol sila ng mga Israelites at Judah doon ay kanilang tinalo ang mga Philistines.
Labels:
Inspirational Stories
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment