Ang obsesyon ni Max Helmer sa mga European castles ang nagbigay sa kanya ng ideya na magtayo ng sariling castle sa Michigan.
Nagtour si Helmer sa Europe noong 1920's bilang concert pianist.
Ang yaman ni Helmer ay namana niya sa kanyang amang banker na si Fred Helmer. Itinayo ng binata ang kanyang 6-story tower noong 1929 na kinopya sa Roman hall sa Germany.
Namatay sa atake sa puso si Helmer sa edad na 55 at naipasa ang pag-aari ng castle kay Edna Barnes noong 1973.
Nais ni Barnes na buksan sa publiko ang castle at maglagay ng tindahan sa loob para magbenta ng mga pangregalo na gawa niya. Pero hindi ito nagpatuloy dahil sa mga nakialam sa kanyang mga antique na gamit. Si Blaine Lyle ang sumunod na nagmay-ari nito at noong 1977 ginawa itong lokasyon para sa pelikulang Demon Lover. May bago nang may-ari ang castle na ito na nabili nila noong 1982.
No comments:
Post a Comment