Sunday, August 23, 2020

Mga Alagang Aso Ibinigay sa Restaurant Para Gawing Pansahog


Balita ngayon na sa North Korea daw ay pinipilit ang mga amo na ibigay ang kanilang alagang aso sa mga restaurant para gawing pansahog dahil sa kakulangan sa pagkain.

Ginawa daw ito ng kanilang lider para maibsan ang public discontent ng mga tao sa problema sa kanilang lugmok na ekonomiya at kakulangan diumano sa pagkain.
Mga elite lang at mayayaman lang sa Pyongyang ang kadalasan na nag-aalaga ng mga aso na itinuturing ng mga awtoridad na problema ng kapitalismo, habang ang mga ordinaryong tao ay may mga baboy at iba pang mga livestock.
Ang mga mamahaling aso ay naging status symbol na daw ng mga elite sa Pyongyang. Ibi-nan daw ni Kim Jong-un ang pag-aalaga ng aso noong July dahil kabilang daw ito sa mga materialistic na pananaw.
Sapilitan daw na kinuha ang mga aso na dinala sa zoo at ang iba daw ay sa mga restaurant.
Ang karne ng aso ay tinatangkilik sa China at Korean Peninsula ngunit hindi na daw ito madalas na kinakain ng mga taga-South Korea.

No comments:

Post a Comment