Sunday, August 16, 2020

Pinakamahal Na Mansion sa Montreal Quebec


Itinayo ito noong 1924 ngunit malinaw na wala pa rin itong kupas sa panahong nagdaan. Mayroon itong garahe para sa 14 na kotse at nakaupo sa halos 30,000 square feet ng pribadong landscaped sa paanan ng Mount Royal sa gitna ng Montréal.


Tubig-dagat ang laman ng swimming pool at pwede kang magbihis at makapag-ayos sa cabin.

May custom stone fire pit sa likuran na sa laki ay kayang mag-host ng isang kasal. Mayroon ding tree house at play area ng mga bata.


Sa kusina naman ay may isang grand center island na gawa sa marmol. Nariyan ang isang Lacanche Cote d'Or 9-burner gas stove na may dobleng oven, malaking Miele ref, malaking Miele freezer, Miele dishwasher, compactor, double sink, garburator at pot filler.

















May malalaking bintana rin ang living room kung saan matatanaw mo ang siyudad.



Mayroon itong 6 bedrooms.


Mayroon din itong 8 bathrooms. 

Sa ngayon ito ang pinakamahal na mansion na naipagbili sa history ng Quebec. Ayon sa listing agent Sotheby’s International Realty Canada, hindi daw nila sasabihin ang exact selling price nito.

No comments:

Post a Comment