KASO NI KRIS AQUINO LABAN KAY NICKO FALCIS SA MAKATI NA-DISMISSED
Na-dismiss nga kahapon ang isa sa mga kasong isinampa ni Kris Aquino na "qualified theft" laban sa kanyang dating manager na si Nicko Falcis dahil daw sa "lack of probbable cause.
Pinagbintangan at sinampahan ni Kris ng kaso si Nicko sa pagnanakaw diumano sa kanya sa pamamagitan ng paggamit ng credit card para sa personal na bagay na dapat ay para lamang sa expenses ng Kristina C. Aquino Productions kung saan si Nicko ang managing director. Umabot sa halagang 1.27 million ang ibinibintang ni Kris kay Nicko.
Ayon sa prosecutor, ang credit na ginamit ay nakapangalan naman daw kay Nicko. At maaari nitong gamitin ang credit card ayon sa terms at conditions ng bangko. At wala daw basehan na ginamit niya ito para makapanlamang at manloko. Ang dapat lang daw gawin ni Nicko ay bayaran sa bangko ang amount due ng credit card sa bangko.
Kailangan rin daw na bayaran ni Nicko ang halagang naibayad ni Kris sa naturang credit card.
Wala ring ebidensya na ipinakita tungkol sa agreement ni Kris at ni Nicko kung paano gamitin ang card.
May 6 pang natitirang kaso si Kris laban kay Nicko sa ibat-ibang siyudad.
Ayon kay Sigfrid Fortun, ang lawyer ni Kris ay magpafile daw sila ng motion for reconsideration.
Si Kris naman ay nag-file ng counter-affidavit sa grave threat case na isinampa ni Nicko laban sa kanya sa Quezon City Prosecutor's Office. Ayon sa kampo ni Kris, illegal daw ang Sept. 27, 2018, recording ng pag-uusap nila ni Nicko. At gusto rin niyang humingi ng paumanhin dahil sa nadala lang daw siya at nakapagbitaw ng mga salitang hindi dapat sabihin.
Umabot daw ng 3 months bago nagsampa si Nicko kaya ibig sabihin ay hindi daw ito na-threatened sa mga sinabi ni Kris.
No comments:
Post a Comment