Babaeng Chinese Binuhusan ng Taho ang isang Pulis matapos itong pagbawalan na magdala ng inumin sa MRT
Dinala sa kustodiya ng pulisya ang isang Chinese na babae na nagbuhos ng taho sa isang pulis matapos itong pagbawalang bitbitin ang kanyang inumin dahil sa liquid ban na ipinapatupad ngayon sa MRT.
Kinilala ng pulis ang babae bilang si Jiale Zhang, 23, isang fashion design student na nakatira sa isang condo sa Mandaluyong City.
Ayon sa unang ulat, ang babae ay papasok na sa platform area ng istasyon ng MRT Boni bandang 8:30 ng umaga nang pinigilan siya ng isang security guard dahil may bitbit siyang isang tasa ng taho sa kamay.
Ang mga likido ay kasalukuyang pinagbabawal sa mga istasyon ng tren sa Metro Manila bilang dagdag na panukalang seguridad kasunod ng mga pagsabog sa Jolo, Sulu noong Enero 27. Kabilang na dito ang mga hindi pa nabuksan na inumin.
Nang ipinaliwanag ng guard sa babae ang sitwasyon ay tumanggi umano ang suspek at nagalit.
Sa puntong iyon, nakialam na si PO1 William Cristobal ng Philippine Mobile Police Battalion's (PNP-RMBF) 4th Mobile Company ng Philippine National Police.
Ngunit, sinabi ng ulat ng pulisya, "biglang inihagis" ni Zhang ang kanyang inumin kay Cristobal, na naging dahilan sa kanyang pagka-aresto.
Pinakawalan na man daw si Zhang matapos itong humingi na paumanhin sa pulis. Ngunit idenetain daw ito dahil sa sa pagsuway sa ahente o taong may awtoridad, direktang pag-atake, at di-makatarungang pagkabagabag.
Ayon sa isang pahayag, sinabi ng Kagawaran ng Transportasyon ang panukalang panseguridad laban sa pagbitbit ng pagkain at inumin na hindi pa nabubuksan ay matagal na bago pa man ang pagbabawal ng mga boteng tubig, inumin at likido sa mga istasyon ng tren.
"Dapat pansinin din na kahit na bago ang pagbabawal ng botelya ng tubig, mga inumin at mga likido, ang pagdala ng mga pagkain at inumin ay ipinagbabawal sa loob ng mga tren at mga istasyon dahil makapagdudulot ito ng abala, aksidente at pagkaantala sa aming mga operasyon," sabi ng DOTr.
Ang mga galit na netizens ay nananawagan para ipadeport ang babae dahil sa pagiging bastos nito sa isang opisyal.
No comments:
Post a Comment